Bulag, Pipi at Bingi
Isinulat ni JenNariyan na ang mga katotohanan.
Pilit iwinawaksi upang kaniyang malaman.
Tunay ang iyong nararamdaman.
Na ika'y kaniyang tanggap, ano o sino ka man.Naging bulag-bulagan sa mga pangyayari.
Harap-harapan ng sa kaniya'y ipinasilip.
Mga nangyayari sa kaniyang paligid.
Nagbulag-bulagan sa mga taong sayo'y umaaligid.Sa halip na magsalita ay mas piniling manahimik.
Para kaguluha'y maiwasan at ang away ay maiwaksi.
Kahit sa puso'y masakit tila ba may nakatusok na tinik.
Ginawang lahat ng walang pagsisisi.Hinayaang takpan mo ang kaniyang tainga.
Sa mga sinasabi ng iba tungkol sa kaniya.
Kahit batid mo'y tama sila.
Dahil sa pagmamahal mo sa kaniya naging makapansanan ka.Buong inalay sa kaniya.
Kulang-kulang kang iniwan niya.
Sa pagpapahintulot mo sa kaniya.
Panatilihin ka sa huwad na pag-ibig na hatid niya.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?