Sana hindi na lang.
Isinulat ni JenMaraming tinta ang sinayang sa pagsulat ng tula
Ngunit ni isang pagtanggap ay wala.
Maraming lapis na ang napudpod sa pagguhit ng iyong mukha
Ngunit napakahirap ata makamit ng iyong paghanga.Ang lakas ng loob na matagal inipon
Tila ba'y sinayang at itinapon
Oh kay hirap isipin na ang inalay sayo'y di mo parin batid
Utak ko nga ba'y ganoon na lang kakitid
Para mapatid sa maling lalaking di naman ako iniibig
Oh tila napakasakit nitong mapagparusang pag ibig.Isang gabi, buo na ang loob na iwan lahat.
Mga ala-ala at nararamdama'y kalimutan lahat.
Ngunit mensahe mo'y lumabas
Isa kang dakilang mapangahas.Nararamdamang dapat kalimutan hinayaang 'wag makalimutan.
Dahil ikaw, umamin ng walang pag aalinlangan
Buo ang loob na naipahayag ang nararamdaman.Aaminin ko, umusbong muli ang pag asang dapat ay lanta na.
Ginamit muli ang pag ibig na dapat ay itinapon na.
Idinikit muli ang pusong punit na.
At binuong muli ang pagtitiwalang nabasag na.Dahil sa'yo, ako'y handang remedyuhan lahat
Iparamdam mo lang sa'kin na ako'y sapat
Sa pag ibig na iyong ipinagtapat
Kahit hindi man ito sa harap ng lahat.Sumaya ng saglit, bakit nga ba saglit lang
Hindi man lang pinaabot ng habambuhay mahal
Kung saan ito nama'y ating pinangarap
At pinangakong tayo, ako at ikaw lang sa daan.Kaibigan ko'y inaway ko na. Maipagtanggol ka lang sinta.
Hindi ko lubos maisip na sila pa ang makakakita
Kataksilan na 'yong ginagawa.Pumayag sa iyong pagsuyo
Pinagkatiwala sayo ang aking puso
Inintindi kita ng todo
Ngunit ako lamang ay inabuso.Pagmumuni-muni ay hindi mapigilan
Iniisip na sana hindi na lang
Inayos pa ang isang bagay na sisirain mo lang
Magkaiba man kayo ng paraan, ganon parin ang kinalabasan.Sa'king pag iisa
Laman ng aking puso at isip
Mga salitang iyong binitawan
Na sana hindi na lang pinaniwalaan.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?