Ngayong Gabi
Isinulat ni JenAno nga bang maganda sa gabing 'to?
Maganda dahil pag-aaway ay wala sa isip mo.
Dati, parati naman tayong ganito.
Ngunit ng tumagal ay nagbago na ang pagtrato mo.Batid kong hindi mo maramdaman.
Na minsa'y hindi kita maintindihan.
Ngunit sinisikap kong 'wag ng pag-awayan.
Ang isang maliit at walang kwentang dahilan.Ngunit ngayong gabi aking mahal.
Kahit magmukhang makapal.
Sapagkat muling ipapaalala sa'yo.
Ang pag-iibigang nakakalimutan mo.Paulit-ulit kong sasabihin at ipapakita ang istorya natin.
Istoryang nakakaligtaan sa tuwing ika'y nakakahimbing.
Tiyak mga tanong mo'y sasapitin.
'Pag bukangliwayway na makakatakhang ika'y na sa'king piling.Dahil sa karamdaman na iyong iniinda.
Ang umaagaw sa iyo, sa akin.
Ang pag-agaw sa iyong memorya.
Dulot ay napakalaking dagok at sakit sa akin.Ang makita kang nariyan sa kalagayang iyan.
Tila nais ko na lang magpatiwakal sa'ting tahanan.
Ngunit paano tayo kung mawawala ako?
Paano ang istorya na ating binuo?Hindi ko makita 'yong kinabukasan ng nag-iisa.
Mananatili akong nasa tabi mo sinta.
Ano man ang kahihinatnan ng ating istorya.
Doon nakasalalay 'yong kinabukasan ng batang nasa iyong sinapupunan, bunga ng pagmamahalan nating dalawa.Hindi ito 'yong istoryang pinangarap natin.
Naalala ko pa kung papaano gumuho 'yong mundo natin.
Nang malamang ika'y aagawin ng isang karamdaman sa'kin.
Karamdamang kumukuha ng memorya 'pag ika'y nahihimbing na.Pinapalayo mo na ko't pinaghahanap ng iba.
Ngunit paano ko naman gagawin 'yon kung ika'y sadyang nag-iisa.
Sa isip, sa puso't kaluluwa, nangangakong mananatili sa'yong kalinga.
Tuluyan ka mang bawiin na sa akin ni Bathala.Walang nakakaalam kung hanggang kailan ang iyong itatagal.
Ngunit sana pahintulutan kapa Niyang magluwal.
Yaong bunga ng ating pagmamahal.
Kahit batid kong mag-isa ko siyang ihaharap sa mundo pagkaluwal.Bawat araw ay sinisiguro ko.
Sinisigurong makukuhanan ko.
Ang mga pagngiti mo.
Mga ngiting sadyang inaabangan ko.Minsan mong sinabi sa'kin habang himas ang umbok sa'yong tiyan.
"Hindi kana magiging malungkot sa'king paglisan."
Malalim at makahulugan.
Ngunit ako'y ngumiti sa'yo at agarang iniwas ang aking mga matang luhaan.Sa tuwing gigising ka sa umaga, "Sino ka?" at hindi magandang umaga.
Ang ibinubungad mo sa iyong pagdilat.
Muli aking ipapaalala sa'yo, "Ako ang iyong kasintahan, malapit na sana tayong ikasal ngunit nalaman nating ika'y may karamdaman."
Paulit-ulit na tanong, paulit-ulit na sagot.
Ngunit ni minsa'y hindi ako nagsawang ulit-ulitin iyon.Isang gabi no'ng tayo ay papatulog na.
Muli, ikaw ay nagtanong pa.
Sabi mo, "Hindi kaba nagsasawang ipaalala sa'kin lahat-lahat?"
Nginitian kita't niyakap atsaka nagwika, "hinding-hindi ako magsasawa sa Love Story nating dalawa."Ako'y naalimpungatan nang iyong gisingin sa kalagitnaan ng gabi.
Nagulat nang makitang nariyan ang ating mga pamilya't kaibigan sa iyong tabi.
Kahit nagtataka'y inayos ang aking sarili.
"Bumangon kana aking mahal, pakasal muna tayo bago ako magluwal." iyan ang iyong sinabi.Agad naman akong nag-ayos at bumaba sa salas natin.
Naroon na rin pala 'yong Paring magkakasal sa atin.
Baliktad ang set up, Bride na ang naghihintay sa kaniyang Groom.
Mahinang napatawa ngunit isa lang ang aking napagtanto, ika'y tunay ngang kakaiba."You may kiss the bride." sa hudyat na iyan.
Biglang kumirot ang iyong tiyan.
Tanda na ng iyong panganganak.
Sa una at nag iisa nating anak.Agad na sinugod ka sa hospital.
Sinalubong lahat ng sasakyan sa daan.
Nang siya'y iyong mailuwal.
Inanunsyo na siya'y may malusog na pangangatawan at babae ang kasarian.Saglit mo siyang sinilayan.
At Angel ang iyong ipinangalan.
Ika mo, siya 'yong anghel nating dalawa.
Ang tanging nag-uugnay sa'tin saan man tayo mapunta."The heart rate's counting down—" boses no'ng doktora.
Dahan-dahang napawi na ang mga ngiti sa'yong mata.
Lahat ay nagmamadali't natataranta.
Samantalang ako'y maingat na nakakapit sa sanggol na nasa aking bisig at sa'king mga mata'y sa'yong mga mata.Sa tuluyang pagsara.
Nakita ko pa ang pagpatak ng iyong luha.
Hindi dahil malungkot ka.
Kundi ika'y muling mahihimbing na.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?