Hanggang saan?
Isinulat ni JenHanggang saan mo kayang itago ang iyong nararamdaman?
Hanggang saan mo sila kayang pakialaman?
Hanggang saan mo kayang talikuran 'yong sarili mong kapakanan?
Hanggang saan ka magsasakripisyo para sa kaninoman?Walang makakapagsabi kung hanggang kailan.
Maging ang pagtukoy kung hanggang saan.
Ang mga bagay na makakayanan.
Para malagay ka sa mabuting kalagayan.Ngunit kung hanggang dito na lang talaga tayo.
Pipilitin kong maging masaya sa nais mo.
Kung ang nais mo'y ang aking paglayo.
Malugod kong gagawin, kapalit man no'n ay sakit sa'kin.Titiisin ang lahat hanggang sa maging manhid.
Maging manhid sa mga sakit na naidulot sa sarili kong pagkakamali.
Pagkakamaling iniwan ka ng gano'n kadali.
Gano'n kadali ko ring nasagot kung hanggang saan nga ba itong sakit.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?