Imahinasyon
Isinulat ni JenKailan nga ba magkakatotoo?
Imahinasyong iniingatan ko.
Imahinasyon, kung saan ka naroroon.
Imahinasyon na sana'y naging pagkakataon.Sa akin ka sa aking imahinasyon.
Sana hindi lang hanggang doon.
Ngunit hanggang saan ang pagpapantasya ko?
Hanggang kailan pananatilihing tulog ang ulirat ko?Tulog sa gising na katotohanang hindi na tayo pwede.
Pikit sa nakakasilaw na salitang tayo'y imposible.
Hindi na pwede dahil tapos na ang oras natin.
At imposibleng mabuo pa 'yong dating sa atin.Nanamnamin muna 'yong tamis na dala ng kasinungalingang ito.
Pilit ililihis sa totoong istorya 'yong eksenang mabubuo.
Nang sa gano'y akin ka parin.
Kahit hindi kana sa akin nakatingin.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?