Poem 43

377 4 0
                                    

Paalam, Liligaya kana
Isinulat ni Jen

Sa 'yong paglisan.
Hiling ko ang 'yong kaligayahan.
Tunay na kaligayahan, kung saan.
Ang makasama Siya sa kalangitan.

Hindi sa lingid sa iba.
Ang iyong iniinda.
Karamdaman na inagawan ka.
Karapatan na mayro'n ka.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok.
Dito rin nasubukan, ang 'yong katatagan.
Hindi ka nagpatupok.
Bagkus, naglabas ka rin ng apoy mula sa'yong puso.

Lumaban ka't ipinaglaban sila.
Mga taong sayo'y umaasa.
Mga taong iyo ring pinagkukuhanan ng sigla.
Sigla na panlaban sa 'yong nadarama.

Ngunit mahal ika'y natalo na.
Hinayaan at ipinaubaya ang sarili sa Kaniya.
Ipinaubaya mo rin ang mga puso ng iyong maiiwan.
Sa Kaniyang kaluwalhatian.

Minsan mong sinabi, "Lumalaban ako para sa inyo. Ngunit kung nais na niya akong makasama bilang mga anghel niya, huwag kayong luluha dahil ako'y masaya. Malugod kong susundin ang nais ng ating Ama."

Kasabay ng mga ngiti.
Ay ang mga luhang di mapawi.
Hinahatid kana sa'yong huling hangganan.
Kung saan simula na rin ng 'yong kaligayahan.

Kung kaya't paalam, liligaya kana ng walang hanggan.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon