Poem 58

277 1 0
                                    

Demonyo
Isinulat ni Jen

Lumayo ka sa aking presensya.
Huwag kang papadala sa aking mga patutsada.
Huwag maniniwala maging sa aking papuri't mga bola.
Lumayo kana habang maaga pa.

Hindi ako nakabubuti sa sistema mo.
Maaaring delubyo lang ang dala ko.
Kukuhanin ang tiwala mo.
Nang sa gano'y may kapitan ako.

Dadaigin pa ang linta kung makakapit sa'yo.
Kukunin lahat ng lakas mo.
Paghihirap mo'y magiging ginhawa ko.
Galit ang siyang magbubuo sa kaibuturan ko.

Mananatili sa loob ng isip mo.
Ika'y susubukang igaya sa landas ko.
Sa kahariang walang katapusan ang pagtangis mo.
Magmakaawa ka man, walang makakarinig  sa'yo.

Kaya habang maaga pa, iwasan mo na ako.
Umatras ka ng tatlong hakbang at lalayuan ko ang buhay mo.
Pero kung kailan may pagkakataon kana, bakit ka ngayon lumalapit sa kandungan ko?
Hindi kaba pinakinggan ng Amang tinuturing mo?

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon