Poem 17

856 6 0
                                    

Sana, Para
Isinulat ni Jen

Sana hindi sinimulan
Para walang katapusan.
Sana pinigilan
Para walang lumala.

Pero kung hindi ko ito ginawa
Wala akong matututunan na ganitong aral.
Aral na sa pag ibig'y dapat matatag ka.
Walang prinsesa prinsesa sa digmaan kailangang maging isa sa mga kawal.

Sa digmaang pag ibig ang pangalan
Kailangan mong maging matatag sa labanan
Ang unang mahuhulog sa iyong kinatatayuan
Ang siyang magdurusa sa sugat na maaaring makamtan.

Pero sana pareho tayo ng naramdaman
Para sabay nating nalabanan
Ang mga hamon sa posible nating pag iibigan
Na alam kong hindi na mangyayari kailan man.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon