Lihim
Isinulat ni RostonSana pakinggan mo ako
kapag isang araw ay umamin ako sa'yo
na gusto kita, gusto mo rin ba ako?
Gusto kong malaman mo
na may pagtingin ako sa'yo.
Kahit na alam ko na wala akong pag asa sa iyo.
Dahil isa lang akong kaibigan sa paningin mo.
Ako yong bestfriend mo
na laging nandiyan kapag kailangan mo.Sana pakinggan mo ako
kapag sinabi ko.
Mahal kita, matatanggap mo ba ako?
Sana isang araw makita mo
ang halaga ko
na hindi lang ako basta kaibigan
dahil ako ay umiibig sa iyo.
Sa araw araw na ika'y kasama
lalo pang sumisidhi ang aking nadarama.Sana pakinggan mo ako
kapag sinabi ko na hindi kita sasaktan,
pangako ko sa iyo.
Ibibigay sa'yo ang lahat, oh prinsesa ko.
Ipagtatanggol kita sa lahat ng nais manakit sa'yo.
Hindi ko hahayaan na masaktan ka
Iyon ay kung hahayaan mo ako na mahalin ka.Pero, iyon ay magagawa ko
kung ako'y pahihintulutan mo
na pumasok sa iyong mundo.
At iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko.Sa pag amin ko, sana'y pakinggan mo
ang sasabihin ko kapag nagkaharap tayo.
Sana ako'y pakinggan mo, sana ako'y pagbigyan mo na patunayan ang nararamdaman ko.Ibibigay ang oras at panahon ko para sa'yo
kahit na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa isang tulad ko na palihim na nagmamahal sa'yo.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?