Maskara
Isinulat ni JenMasaya sa labas malungkot sa loob
Lungkot na pilit tinatago at isinusubsob
Sa unan mong nakakasaksi ng 'yong lungkot
Minsan ng napanghinaan ng loob at natakot.Kaya't sa iyong pagtago.
Nawili ka sa paggamit ng maskara mo.
Walang hinayaang makakita ng nasa likod nito.
Pilit na itinatago sa harap ng kahit sino.Minsan mo ring sinabi.
Kailan kaya magagawa ang kanilang sinasabi.
Na maging totoo raw sa sarili.
Kung ang panghuhusga nila ang tanging sanhi.Mabilis lang sabihin ang "Tanggap kita."
Pero ni isa wala pang nakakagawa.
Ang hindi ka husgahan at maawa.
Kunwari pang nariyan at nakikisimpatya.Sa mundo may iba't ibang uri ng maskara ang bawat tao.
Mga maskarang nakatutulong sa pagbabalat-kayo.
Para maiwasan ang mapanakit na panghuhusga ng kapwa tao.
Para maiwasan ang reyalidad sa iyong pagkatao.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?