Estranghero
Isinulat ni RostonBibitaw na ako, kumapit ka.
Iiwanan ka dahil ayaw ko na.
Nasasakal na ako sa ginagawa mo.
Sa mga kasinungalingan na sinasabi mo.Na ako lang at wala ng iba.
Pero sino siya na sumali sa eksena.
Eksenang tayo dapat ang bida
pero nagmukha akong extra.Sa pag aakalang ako lang ang mahal mo
at doo'y seryoso ka kamo.
Sa kaniya rin ay seryoso
hindi lang pala ako.Bibitaw na ako, kumapit ka.
Bibitawan ang mga pangako mo na wala ng pag asa.
Pag asa na sana'y matutupad mo ngunit sumama ka sa kanya.
Iniwan mo ako at hinayaang mag isa.Bubuuin ulit ang sarili na dinurog mo
No'ng ako'y iwan mo.
Dinurog mo ako
at hinayaang magdusa habang nililisan mo.Kaya sa pagbitaw ko ay kumapit ka
Sa sasabihin ko kapag ako'y lumisan na.
Huwag ka ng umasa na maibabalik pa
Ang dating magkaibigan na nagka-ibigan
At ngayon ay estranghero na lang sa paningin ng bawat isa.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?