Sirena
Isinulat ni JenMadalas kang sabihang malas dahil tiyak na sakuna ang 'yong dala.
Ngunit bakit sa buhay kong tila sakuna nariyan ka't kaligtasan ang dala.
Iniahon sa tiyak na kamatayan dala ng kahirapan sa paghinga.
Dala ng lalim nitong karagatang sa buhay ay naging mitsa.Hindi ka kagandahan na ayon sa mga kwentong pambata.
Ngunit sa iyo'y nagpahuli at tuluyang nagpatihulog na.
Kailan ma'y hindi madadala sa panunudyo ng iba.
Na ika'y salot at panganib lang ang dala.Dahil sa karagatan ng problema.
Walang takot kang sumisid para ako'y maisalba.
Walang kagatol-gatol na iyong hinarap.
Mga problemang aking kinakaharap.Minsan mong ipinaramdam sa'kin.
Na ako'y iyong tanggap parin.
Sa mundo na puno ng mga mapagpanggap.
Sa lugar kung saan, katotohana'y malimit mahagilap.Ngunit tayo ay magkaiba ang mundo.
Sa tubig ka't sa lupa ako.
Salamat at ika'y naging bahagi ko.
Sa paglalakbay ay binigyan mo muli ng pangalawang buhay.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?