Poem 70

294 2 0
                                    

Kung sakali
Isinulat ni Jen

Kung sakali mang ika'y magbalik.
At punan 'tong nararamdamang pananabik.
Huwag kang mag-aalala.
Sisiguraduhin kong walang iba.

Iba, na siyang makakaagaw ng puso ko.
Puso kong natangay kasabay ng paglisan mo.
Wala mang kasiguraduhan kung hanggang kailan 'to.
Itong sitwasyon na kinalalagyan ko.

Ngunit pipilitin kong huwag mabaling sa iba 'tong nararamdaman ko.
Sa kabila ng pangungulilang iniinda ko.
Batid nating marami sila.
Pero kailan ka pa naging sila?

Sa huling sandali, kung sakaling maibaling ang tingin.
Huwag sarili mo'y sisihin.
Dahil desisyon kong lumimot sa mga pangako ko.
Pangako na walang iba at tayo lang hanggang dulo.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon