Anghel
Isinulat ni JenMinsan isang araw.
Sa langit, ninais kong dumungaw.
Umaasang may matanaw.
Pag-asang naliligaw.Minsan ding inisip at dahan-dahang kumurap.
Anghel kaya'y kailan makakaharap.
Sa buhay na puno ng hirap.
Paglingap lang ang aking pinapangarap.Sa pagnanais kong makapunta ng langit.
Ulo'y naisipang isabit.
Ngunit ako'y napatigil saglit.
Sigurado bang mapupunta ako sa langit.Ang pagnanais ay tinigilan.
Hinayaan ng 'wag malaman.
Kung may anghel bang nasa aking likuran.
O ako na rin ba'y nilisan.Sa 'di inaasahang pangyayari.
No'ng ako'y nagliwaliw.
Hindi ko masabi.
Ngunit natagpuan kita giliw.Angel ang 'yong ngalan.
Marahil ikaw 'yong sugong anghel na nasa aking likuran.
Anghel na ako'y gagabayan.
Sa buhay ng pakikipagsapalaran.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?