Poem 80

19 0 0
                                    

Tama na? Susuko na?
Isinulat ni Jen

Nakakapagod, paulit ulit na lang.
Naiiwan ang bibig na nakauwang.
Nakauwang dahil sa pagkabigla.
Biglang ang pag-ibig ay nawawala.

Hindi lang isa, dalawa o tatlo.
Anim na beses mo akong binigo.
Anim na beses ko ring pilit binuo.
Ang wasak pa sa wasak kong puso.

Tama paba tong ginagawa?
Tama pabang pinaglalaban pa?
O dapat na itong itama?
At sabihin sa sariling tama na.

Susuko naba talaga?
Susukuan na lang ba talaga kita?
Isusuko na lang ba ito?
Suko naba talaga ako?

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon