Poem 60

286 3 0
                                    

Diwata
Isinulat ni Jen

Simulan natin sa umpisa.
Kung paano ako nabihag ng iyong ganda.
Sa kung anong hiwaga ang iyong dala.
Hiwagang nakapagpabago sa akin bigla.

Delikado raw mapalapit sa hindi natin kauri.
Pero bakit noong sayo ay napalapit.
Lumuwag lahat 'yong dati'y masikip.
Nabawasan 'yong mabigat sa aking dibdib.

Ako nga ay nabihag mo na.
Hinayaan mapailalim sa iyong mahika.
Pero hindi ko nalamang bawal pala talaga.
Dahil ang mundo natin ay magkaiba.

Nahirapan man sa umpisa.
Nakalimot din no'ng nawala ka.
Pagkatapos mong mawala na parang bula.
Kasabay rin no'n ang pagkawala ng nadarama.

Nadaramang akala ko ay totoo.
Huwad lang pala dala ng hiwaga mo.
Pero minsan ako ay napapaisip.
Kung nadarama ba nati'y nagkatotoo rin kahit saglit.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon