Poem 47

341 2 0
                                    

Mantsa—abo
Isinulat ni Jen

Sa pagsimula ng akda.
Naisulat ay pulang tinta.
Pulang hindi inakalang magmamantsa.
Sa puting sulatan na aking inihanda.

Naisin mang burahin.
Ngunit gaano man kadiin pahirin.
Kumakapit ang mantsa.
Na siyang naging mitsa.

Lamukusin, punitin at itapon.
Makikita parin ang bakas ng naitapon.
Pagkakamaling dala ng aking kalutangan.
Pulang tinta palang aking tangan.

Sunugin upang maging abo.
Natatanging paraan ko.
Makapagpapawala ng pulang tintang nakamantsa dito.
Makapagpapawala rin ng papel ko.

Sapagkat hindi lahat ng mantsa'y natatanggal.
Nagagamit muli o napapakinabangan.
May mga mantsang iiwan kang nakatigagal.
Wasak at 'di na mapakikinabangan.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon