Hiling
Isinulat ni JenHindi ko inakala na sa kalagitnaan ng lumbay.
Mula sa pusong patay ay mayroong bubuhay.
Siyang kakaiba na naging karamay.
Dahil sa mga suporta niyang walang humpay.Minsan ding nagdalawang isip.
Hahayaan bang sa iyo ay mapalapit.
Kung pag-iwan lang din naman ang nasa huli.
Mayro'n lang ikaw o ako na pwedeng masaktan sa mangyayari.Ngunit ano nga bang mangyayari sa mga taong takot?
Mananatiling duwag at hahayaang magpalugmok.
Mapapabayaan lamang 'yong mga taong naging malapit na sa'yong puso.
Madadagdagan lang ng sakit, pag sila'y naglaho.Kaya sa iyong pagdating.
Nais ko lang sabihing.
Ika'y kakaiba o giliw.
Ako'y wala ng mahihiling.Kung may isa mang paglalaanan ng hiling.
Iyon ang hiling na sana ika'y panatilihing.
Pahintulutang panatilihin sa aking tabi.
At huwag ng hayaan pang mawala sa akin.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?