Poem 65

247 0 0
                                    

Hangin
Isinulat ni Jen

Hangin, ganiyan ka kung kaniya'y ituring.
Hindi ka niya makita sapagkat siya'y nakapiring.
Ngunit sa'yong pagdampi, ramdam ka niya giliw.
Kasabay ng pagsayaw mo'y nasusungkit ang kaniyang aliw.

Hindi ka nagkulang na ibigay ang kaniyang panangailangan.
Hindi man hiningin pero nariyan na.
Niyayakap sa tuwing nag iisa.
Hinehele't hinahaplos ang buhok upang mahimbing na.

Nagpatuloy sa buhay kaagapay ka.
Hindi ka man niya napapansin, ninanais ka naman ng iba.
Ngunit bakit sa kaniya ka parin lumalapit.
Kahit isinusukli niya sa iyo'y ngiting mapait.

Ginawa niyang lahat para mawalan ng hininga.
Pero bakit nandiyan ka parin at nagbibigay sa kaniya.
Paano 'yong ibang nag aabang sa'yong kalinga.
Hindi mo namamalayang nawawalan ang iba ng dahil sa kaniya.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon