Poem 46

350 1 0
                                    

Reyalidad
Isinulat ni Jen

"Nang siya'y mawalay tsaka nalaman.
Kaniyang pag-ibig ang tanging kailangan.
Paano kung siya'y, may iba ng mahal.
Paano ang pag-ibig  na nararamdaman."

Lumang tugtugin na pinapatugtog sa radyo.
Mga tugtuging maririnig tuwing linggo.
Mga tugtuging inaabangan ng mga matatanda.
Naglalaan ng panahon, dahil sa mga alaala.

Namamalagi ka sa apat na sulok ng iyong kwarto.
Ikinukulong ang sarili mo.
Dahil nasa labas ang mga tao.
Na wala tuwing lunes hanggang sabado.

Bakit nga ba ilag ka sa kanila?
Bakit inilalayo ang sarili mo sa kanila?
Sila lang naman yaong pinagsisilbihan.
Para makabawi sa lahat kanilang tinulungan.

Sila lang naman ang mga magulang mong parating wala.
Dahil kinabukasan mo ang layunin nila.
Kahit maiwan sa ibang tao o ang mag isa.
Mga anak na dahilan ng pagpapakaalipin nila sa iba.

Marami ang mga sarado ang utak para intindihin ang sitwasyon ng kanilang mga magulang.
Napapariwara, sumasama sa mga masasama, kasalanan daw ito ng kanilang magulang.
Kapag nagbunga ang kapusukan nila, isinisisi nila ito sa kanilang mga magulang.
"Hindi sana ako ganito ma, kung nandito ka lang."

Ngunit ang hindi rin maintindihan ng mga magulang.
Kalinga ang kailangan ng kanilang mga anak.
Hindi nila kailangan magpakalayo o sumubsub sa trabaho.
Para maibigay ang mga luhong iniisip nito.

Kailangan ng mga magulang ang bukas na isipan ng kanilang mga anak.
At kalinga lang naman ang nais ng kanilang mga anak.
Malinaw na hindi sila nagkakasundo.
Kaya humantong ito sa gulo.

Kinailangan pang may mabuong galit at hinanakit.
Bago maintindihan ng bawat isa ang sakit.
Ng malayo sa bawat piling.
Na may maganda namang hangarin.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon