Huli na ako't malaya kana
Isinulat ni JenMinsan na akong lumisan.
Parati paring sinisilip ang likuran.
Nagpasyang ika'y balikan.
Umaasang gano'n parin ang 'yong nararamdaman.Ngunit tulad ng inaasahan.
Ika'y iba na sa dating aking iniwan.
Kahit sabihin mo pang "Okay lang, ika'y naiintindihan."
Alam kong nagbago na ang 'yong nararamdaman.Kaya sa pagkakataong ito.
Ayaw na kitang biguin at ang sarili ko.
Hindi ko na ipagpipilitan ito.
Nararamdamang nananatiling sa'yo.Ayaw mo mang sabihing ika'y wala ng nararamdaman.
Ramdam na ramdam ko naman, 'yong malaking kaibahan.
Huli na nga ako, kaya't malaya kana.
Sa wakas, nakayanan ko ring palayain ka.Sapagkat batid kong napalaya mo na.
Ang sarili mo sa akin na wala ka namang napala.
Sa tulad kong dapat hindi na lumigaya.
At manatiling magtiis sa kasalanang aking ginawa.
BINABASA MO ANG
My Poem Playlist
PoetryENGLISH/TAGALOG POEMS. 100 tula para sa mga taong minahal, nagmahal, pinaasa, umasa, iniwan, nang iwan, bitter, hopeless romantic, nagmomove on at hindi makamove on. Kung nandito ka, sigurado akong isa ka sa mga yan. Alin ka sa mga yan?