Poem 5

1.8K 25 1
                                    

Tagu-taguan
Isinulat ni Jen

Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Tagu-taguan
Ng mga nararamdaman.

Pagbilang ko ng sampu
Sana puso'y mabuo
At tuluyan itong maitago
Sa tiyak na pagkabigo.

Isa. Isang beses ko lang sinubukan
Na sundin ang aking nararamdaman
Ang mapalapit sayo na kahit minsan
Ay lubos ko ng pinasasalamatan

Dalawa. Sinimulan ko ng maniwala
Sa iyong mga pasaring sinta
Umasang may pag asa
Dahil sa akin iyong ipinadama.

Tatlo. Espesyal, yan ang aking nadarama sa tuwing ikay kasama
Na di ko lubus maisip na ganyan pala ako kahalaga
Bawat magiginoong gawi mo
Sa aki'y kinikilig ako.

Apat. Hoy! Hulog na ako
Nadarama mo ba ito
Nananalangin na sana'y saluhin mo
Dahil ako'y tuluyan ng nagpatihulog sayo.

Lima. Nagdadalawang isip mang magustohan ka
Mas pinili kong gustohin ka
Nagbabakasakali lang sinta
Kahit di mo pa alam ang aking nadarama.

Anim. Ika'y aking nasa panaginip
Iisa lang naman ang nasa isip
Kung ako rin ba'y iyong naiisip
At nakikita hanggang sa panaginip.

Pito. Oo ambisyosa ako
Na sana ang ikaw at ako
Pinapangarap kong maging tayo
Kahit sakin, kaibigan lang ang tingin mo

Walo. Isip ko'y gulong gulo
Sasabihin ko na ba sayo
Itong nilalaman ng puso ko
O itatago na lang gaya ng dating gawi ko.

Siyam. Nang akin ika'y nakapanayam
Ikaw na pala'y may natitipuhan
Maganda siya aking kaibigan
Hamak na lamang nga sa'kin ng siyam na ligo yan.

At sampu, ako'y nabigo
Nahulog ngunit hindi sinalo
Ngayo'y wasak ang aking puso
Nararamdaman nga'y tuluyan na lang itatago.

Sa larong pag ibig ang pangalan
Hinayaang ako'y malamangan
Heto ako'y tinalo, tinalo ng nararamdaman
Nararamdamang hindi nasuklian.

My Poem PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon