Part 2 Si Elise

150 3 0
                                    

Pak!

Kitang kita ko na sumubsob si Ate Elaine sa sahig. Napanganga ako dahil unang beses ko din na nakitang galit na galit si Mommy.

"Hindi kita pinalaki at pinag aral para makipag relasyon sa kapwa mo babae! Ano na lang ang sasabihin ng mga nakaka kilala sa pamilya natin?!", galit at pasigaw na sabi ni Mommy.

Nanatili lamang ako sa isang tabi kasi natakot na din ako sa mga nangyayari. Tsaka dumating na din si Kuya Enrico. Sinubukan nitong pakalmahin si Mommy. Pero, hindi ito nakatulong. Nanatili akong tahimik.

"Itigil mo yang kahibangan mo Elaine! Sayang ang ganda at talino mo! Hiwalayan mo ang tibong yan!", isa pang singhal ni Mommy. Pinipigilan pa din sya ni Kuya Enrico.

"Hindi nyo ako mapipigilan Mommy! Mahal ko si Lanz at mahal din nya ako!", pasigaw din na sagot ni Ate. Naka lupasay pa din si Ate sa sahig. Tuluy tuloy na ang pagluha nito.

Si Kuya Enrico na ang lumapit kay Ate Elaine. Hinawakan nito si Ate sa buhok nito. Hinila nya ang buhok ni Ate na para bang ibibitin nya ito gamit ang buhok nya. Napakapit naman si Ate sa braso ni Kuya.

"Huwag mong hintayin na ako ang tumapos dyan sa karelasyon mong tibo Elaine. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin at kung ano ang kaya kong ipagawa. Hiwalayan mo yang salot na yan or makikita mo at ng karelasyon mo ang hinahanap nyo!", seryosong pagbabanta ni Kuya kay Ate.

"Nasasaktan ako Kuya! Bitawan mo ako!", sigaw ni Ate Elaine. Pinakawalan na ni Kuya ang buhok nya. Lumapit din ako kay Ate at niyakap ko sya. Yumakap din sya sakin at mas lalo pa syang humagulgol ng iyak.

"Tama lang yan sa'yo nang magtanda ka! Peste ang mga ganyan sa buhay Elaine! Matalino ka at maganda, wag mo sayangin ang sarili mo sa walang kwentang tao!", si Mommy muli ang nagsalita.

"Mahal ko sya.. mahal ko si Lanz.. mahal nya din ako.. mahal namin ang isa't isa..", pahikbing bulong ni Ate sa akin.

Akmang hahambalusin na naman ni Mommy si Ate nang pinigilan ito ni Kuya. Ihinarang ko din ang braso ko para protektahan si Ate. Kinuha na lamang ni Mommy ang cellphone ni Ate at binasag nya ito sa mismong harap ni Ate.

"Nooo!", protesta ni Ate. Sumubsob na lang sya sakin at mas lalo pa syang umiyak.

"You're grounded Elaine! You're not to see that person ever again!", desisyon ito ni Mommy.

"Elise, dalhin mo na ang Ate mo sa kwarto. Ikaw muna ang magbantay sa kanya", pag uutos ni Kuya sa akin.

"Oo Kuya", sagot ko habang inaalalayan ko si Ate Elaine na makabangon.

Pagdating sa kwarto, sumubsob si Ate sa isang unan at mas lalo pa itong nag iiiyak. Naaawa ako kay Ate. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang simpleng litrato na sinend ko kay Mommy. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pangungunsensya.

Oo, ako ang nagsend ng litrato ni Ate Elaine habang naghahalikan sila ni Lanz kanina. May binisita kasi ako na katrabaho ko at saktong paglabas ko ng bahay ng katrabaho ko, nakita ko din si Ate na noon ay nakayakap kay Lanz. Alam kong si Ate un dahil sa bag nya na gamit tska kung paano nya ipusod ang buhok nya.

May mga haka haka at usap usapan na din kasi na may karelasyon na tibo si Ate Elaine. Wala pang nakakapagpatunay nito. Well, napatunayan ko ito kanina. Unang beses ko din na makita ung si Lanz.

Sa totoo lang, namumuhi ako dito. Feeling ko eh sinisira nya ang buhay ng Ate ko. Tama sila Mommy at Kuya Enrico. Peste lang sa buhay ang mga katulad ni Lanz. Sisirain lang nito ang buhay ng Ate ko. Salot sa lipunan ang mga katulad ni Lanz. Sana eh matauhan na itong si Ate.

Nagulat ako nang biglang bumangon sa pagkakasubsob sa unan si Ate Elaine. Nagpunas ito ng mga luha nya. Tumabi ako sa kanya at naupo ako sa gilid ng kama. Tumingin si Ate sa akin. Nagulat ako ng makita kong pumutok pala ang mga labi ni Ate, bigla akong nakaramdam ng awa. Marahil ay sobrang lakas ng pagkakasampal ni Mommy sa kanya.

"Elise—", hinawakan ni Ate Elaine ang mga kamay ko.

"Bakit Ate?", tanong ko naman.

"Kailangan kong makita at makausap si Lanz. Tulungan mo ako please. Nakikiusap ako sa'yo. Ikaw lang ang makakatulong sa akin", pagsusumamo ni Ate sakin.

Sa totoo lang mas lalo akong nainis kay Lanz. Bakit ganito na lang ang epekto nya sa Ate ko? At dahil walang cellphone si Ate at grounded din sya, sakin sya ngayon humihingi ng tulong.

"Ate.. please makinig ka din naman sa amin. Para naman sa ikabubuti mo ang ginagawa namin para sa'yo", mahinahon na paliwanag ko kay Ate. Hinawi ko din ang buhok nya na noon ay nasa may mukha na nya.

"Elise, hindi nyo kasi ako naiintindihan. Iba si Lanz kumpara sa lahat ng naka relasyon ko dati. Mahal namin ang isa't isa. Hindi nyo pa kasi sya nakikilala ng lubusan", paliwanag sa akin ni Ate.

"Maganda ka at matalino Ate Elaine. Malayo pa ang mararating mo. Huwag mo sana sirain ang buhay mo dahil sa isang tibo lamang", ngunit hindi ako pinakinggan ni Ate.

"Elise.. nakikiusap ako. Pahiramin mo ako ng cellphone. Kailangan kong makausap si Lanz. Please Elise".

"No Ate".

"Sige.. ganito na lang. Tatapusin ko kung anong meron kami ni Lanz. Tulungan mo akong makausap sya. Makikipaghiwalay na ako. Please Elise. Tulungan mo ako".

Napaisip ako. Gusto lang siguro ni Ate Elaine ng closure. Mabuti un. Mahal na mahal ko si Ate at wala din akong ginusto kundi ang maging maayos ang buhay nya sa piling ng taong tama para sa kanya at hindi sa piling ng isang katulad lamang ni Lanz.

Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at ibinigay ko un sa kanya. Dali dali nya itong kinuha at nagtype sya agad ng message. Nadinig ko na ung tunog ng pagsend ng message. Naghintay kami pareho.

Ding!

Binasa ni Ate Elaine ang message sa cellphone. Napatingin sya sakin.

"Tulungan mo ako Elise. Makikipagkita ako kay Lanz", tumayo si Ate at nagpunta sa banyo.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama. Nakabukas pa ito sa current na message. Binasa ko ito.

'Lanz, magkita tayo. Kailangan natin magusap'.

'Elaine, meet kita sa coffee shop na paborito natin in two hours'.

Mas humigpit pa ang kapit ko sa cellphone ko habang nakatingin ako sa banyo.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon