Part 51 Sana All

46 2 0
                                    

"Doo'y maghihintay.. pa din..", huling kanta ni Lanz.

Sobrang tahimik ng grupo. Lahat sila ay nakatitig kay Lanz. Maging si Elise ay hindi din maalis ang pagkakatitig kay Lanz. Ang lamig ng boses ni Lanz. At sinabayan pa ng galing nya tumugtog ng gitara.

"Grabe pare, wala ka pa din kupas! Magaling ka pa din mag gitara at kumanta!", kantyaw kay Lanz.

"Naku, wala na ngang ensayo eh. Pero salamat", sagot naman ni Lanz.

Nagawi ang tingin ni Lanz kay Elise. Napayuko si Elise nang magtama ang mga tingin nila ni Lanz.

'Bakit ka ba naiilang Elise? Umayos ka nga at baka mahalata ka!', sabi sa isip ni Elise.

"O sya tama na muna ang kantahan. Magpapa games din pala kami. Katuwaan lang kumbaga. Truth or dare na!", natutuwang sigaw ng may kaarawan.

"Katulad ba ng dati?", tanong ni Sare.

"Oo mars. Oo nga pala Lexi, since bago ka sa grupo namin, kung kanino tatama ang bote, bukod sa truth or dare, may shot din na kasama. Un ang ibig sabihin ni Sare na katulad ng dati. Ganun kasi kami maglaro", paliwanag ng may kaarawan kay Elise.

"Ah ganun ba. Sige game ako", sabi naman ni Elise.

"Ayos naman pala itong si Elise eh", nakangiti na sabi ni Sare.

Maya maya pa ay nagsimula na ang pa games nila. Inikot na ang bote at tumama ito kay Sare.

"Ako talaga ang una? Hmm, sige truth na lang".

"Sige ako ang magtatanong", sabi ni Amanda.

"Ano un?"

"Naranasan mo na ba ang mangaliwa o magkagusto sa iba?"

"Ha? Hindi pa. Loyal ang faithful ako sa partner ko. Diba mahal?", sabay yakap ni Sare sa kanyang kasintahan. Nagkantyawan at naghiyawan naman ang grupo. Ininom din ni Sare ung ibinigay na shot sa kanya.

"Sana all may jowa.. sana all may mahal..", kantyaw na pakantang sinabi ng grupo. Bukod sa pagkanta ay pumapalakpak pa sila.

Naaliw naman si Elise. Namamangha sya sa nakikita nyang pagiging malapit nilang lahat sa isa't isa. Sinimulan muli nila na paikutin ang bote. Kay Amanda naman ito tumama.

"Truth or dare Amanda?"

"Ahm, dare na lang", sagot ni Amanda.

"Teka isip tayo ng magandang dare".

"Ah alam ko na! Halikan mo sa pisngi ang crush mo. Ayyiieee!"

"Hala! Nakakahiya naman kapag ganun! Pero sige gagawin ko", sabi ni Amanda.

Biglang kinabahan si Elise sa kung anung puwedenh mangyari. Hindi nya alam kung bakit sya naiinis sa sitwasyon na nasa harapan nya ngayon. At masaklap pa eh wala syang magawa.

Tumayo si Amanda at tumapat kay Lanz. Si Lanz naman ay gulat na gulat. Hinawakan ni Amanda ang magkabilang pisngi ni Lanz sabay halik sa pisngi nito.

Kung puwedeng umusok sana ang tumbong ay malamang at sa malamang nagliliyab na ang kay Elise. Nakasimangot na ito. Naghiyawan at nagkantyawan na naman ang grupo.

"Sana all may kiss.. sana all may Lanz", kanta ng grupo. Si Lanz naman ay pulang pula na sa hiya. Si Amanda naman ay parang kinilig bago bumalik sa pwesto nya.

"Oy Amanda eto na ung shot mo oh! Huwag mo kalimutan", sabi ng may kaarawan.

"Akin na", sabi ni Amanda sabay inom ng shot. Napangiwi na lang ito pagkatapos uminom. Nagpalakpakan naman muli ang grupo.

Sinimulan na nila ulit paikutin ang bote. Lahat sila ay nakatutok sa bote. Mabilis ang pag ikot nito hanggang sa bumagal na nang bumagal. At nang tumigil ito, sakto na nakatapat kay Lanz. Napatingin ang lahat sa kanya at naghihintay ng sagot sa truth or dare na tanong.

"Dare na lang", sagot ni Lanz.

"Yown! Puwede ako ang magsabi ng dare?", tanong ni Sare.

"Sige, ano ba un?"

"Halikan mo ung taong mahal mo".

"Mahal talaga?", tanong ni Lanz.

"Oo Lanz. Dali na. Wag kang kj".

"Grabe naman sa pagkaka kj. Eto na nga oh gagawin ko na".

Titig na titig si Amanda kay Lanz na para bang alam na nito na sya ang lalapitan ni Lanz. Tumayo na si Lanz at naglakad. Laking gulat, hindi lang ni Amanda, kundi ng buong grupo nang lampasan ni Lanz si Amanda. Patuloy pa itong naglakad at tumigil sya sa harapan ni Elise.

Nagulat din si Elise dahil nasa harapan na nya si Lanz. At sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso dahil alam nya na ang susunod na mangyayari. Parang wala na syang pakialam sa mga tao na nasa paligid nya.

Hinawi ni Lanz ang buhok ni Elise. Pigil hininga ang buong grupo at titig na titig silang lahat kina Lanz at Elise. Hinawakan ni Lanz ang magkabilang pisngi ni Elise. Pumikit ito at dahan dahan na inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ni Elise. Napapikit na lang si Elise.

Ung mga labi ni Lanz, marahan nyang hinalikan si Elise. Parang malambing na halik. Si Elise naman ay humalik na din kay Lanz. Gulat na gulat ang grupo sa nakikita nila. Nang matapos ay parang nahimasmasan sila Lanz at Elise.

"S—Sana all may ganun.. sana all may kahalikan..", kantyaw muli ng grupo.

"Hoy Lanz! Ikaw ha dala dalawa sila ha. O eto na ang shot mo pare! Kakailanganin mo nito".

Kinuha naman ito ni Lanz sabay inom. Minsan nakakapikon din ang mga banat ng mga kaibigan ni Lanz. Pero iniintindi na lang nya ang mga ito. Ang pikon ay talo kumbaga.

Hindi din namalayan ng grupo na nawala na pala si Amanda. Maging si Elise ay nagulat din sa bilis ng mga pangyayari. Ngunit hindi maitago dito ang kilig na nararamdaman nya dahil sa kung ano ang ginawa ni Lanz.

"Baka inantok na at natulog na lang", sabi na lang ng isa nilang kaibigan.

Itinigil na nila ang larong truth or dare. Naggigitara na lang sila at nagkakantahan habang inuubos na lang ang mga natitirang bote ng alak. Bakas na sa mukha ni Elise ang pagkalasing. Gegewang gewang na din ito na para bang isang ihip lang ng hangin ay tuluyan na itong tutumba.

Si Lanz naman ay todo bantay kay Elise. At nang mapagtanto nito na lasing na nga si Elise, nagpaalam na sya sa grupo.

"Teka lang mga pare ha. Ihahatid ko lang si Elise sa tent namin para makapahinga sya", paalam ni Lanz. Tumango na lang silang lahat. Lumapit si Lanz kay Elise sabay buhat dito.

"Lanz! Ano ba? Ibaba mo ako!", palag ni Elise. Pero mas malakas si Lanz at nabuhat nya si Elise. Habang palayo sila sa grupo ay naririnig ni Lanz na kinakantyawan nila sila.

"Sana all malakas.. sana all binubuhat.. sana all may Elise.."

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon