Part 73 Nasa Pilipinas na si Elaine

35 1 0
                                    

"Elaine!", masayang bati ni Manang Flor sabay lakad papalapit dito.

"Manang Flor, kamusta ka na po?", sabi naman ni Elaine. Yumakap din ito sa matanda.

"Okay naman ako Elaine. Naku, lalo kang naging mistisahin! Kay ganda ng kutis ng batang ito talaga", hindi pa din makapaniwala si Manang Flor na nasa harapan nya na si Elaine.

"Si Manang Flor talaga napakasweet pa din. Namiss kita Manang Flor", nakangiting sabi ni Elaine.

"Naku eh namiss din kita ng sobra. Matagal ka din nawala", sabi ni Manang Flor. Maya maya pa eh napatingin ito sa lalaking kabababa lang ng sasakyan. Kinabig nito si Elaine palapit sa kanya nang makatabi nya ito. Hinalikan din nya si Elaine sa pisngi nito.

"Nga po pala, Manang Flor, si Theo po, asawa ko. Anak po si Theo ni Tita Margie, Mom's amiga", pakilala ni Elaine. "Theo, Manang Flor is Nana's sister", pagpapakilala naman nito kay Theo.

"Hi Manang Flor", bati ni Theo. Kinamayan nito si Manang Flor. Ang matanda naman ay tinapik ito sa balikat sabay ngiti.

Nakalapit na din sa kanilang tatlo sila Maya at Carmen. Si Theo naman ay inaayos ang kanilang mga bagahe.

"Maya? Ikaw na ba yan? Ang laki mo na ah! Dalagang dalaga na sya Manang Flor", manghang sabi ni Elaine.

"Hi po Ate Elaine. Kamusta po?", tanong ni Maya.

"Eto naman si Carmen, Elaine", pakilala ni Manang Flor.

"Kamusta Carmen?", bati ni Elaine. Ngumiti na lang si Carmen. Hindi talaga nito ugali ang makihalubilo.

"Carmen, pakitulungan naman sila na maiakyat ang kanilang mga bagahe dun sa kwarto ni Elaine", sabi ni Manang Flor.

Umirap naman si Carmen pero nang makita nito na si Theo ang kanyang sasamahan ay sumunod na din ito sa ipinag uutos ni Manang Flor. Pumanhik na din silang dalawa. Nang makalayo ay nagsalita na si Maya.

"Malandi talaga ang babaeng un", puna ni Maya.

Natawa na lang si Elaine. "Aba alam na ni Maya ang salitang malandi", natatawang sabi ni Elaine.

"Hay nako Elaine, ganyan talaga ang batang yan".

"Eh totoo naman po. Hay nako na lang talaga Manang Flor".

"Maya, maghanda ka nga lang meryenda nang magkaroon ka naman ng gagawin", sabi ni Manang Flor.

"Okay po", sagot ni Maya sabay punta sa kusina.

Naiwan si Manang Flor at Elaine sa may sala.

"S—Si Mommy?", tanong ni Elaine.

"Naku, nasa Amerika ang Mommy mo. Sa susunod na linggo pa ang balik. Sunud sunod ang mga meeting nya kasi".

"Ah ganun po ba? A—Ang Kuya? Si Elise?"

Natigilan si Manang Flor. Napatingin naman dito si Elaine dahil sa hindi na ito sumagot.

"Manang Flor?", tanong muli ni Elaine.

"Ah. Si Kuya mo Enrico ay may inaasikaso sa ngayon. May malaking kliyente sya na kasosyo sa negosyo kaya palaging wala un dito", natigilan muli si Manang Flor.

"Si Elise po? Excited na akong makita sya. Matagal din mula nang makausap ko sya. Magmula nang mapunta akong London, wala na akong balita pa sa kanya".

Napatingin na lang si Manang Flor kay Elaine. Hindi nito alam kung papaano sasabihin kay Elaine ang lahat lahat.

"Manang Flor? May problema po ba?", may bahid ng pag aalala sa boses ni Elaine.

"Elaine..", hindi na naituloy ni Manang Flor ang kanyang sasabihin.

"Manang Flor, ang suplado naman nitong lalaking ito! Akala mo naman eh kung sino, hindi naman marunong magtagalog!", reklamo ni Carmen nang makabalik na sila ni Theo sa sala. Si Theo naman ay lumapit kaagad kay Elaine sabay bulong sa tenga nito.

"This girl talks a lot", bulong ni Theo. Napangiti na lang si Elaine. "And I don't understand a word she says", dagdag pa nito.

"Manang Flor, dun muna ako sa may hardin. Tutal wala naman akong papel na dito", paalam ni Carmen. Tumango na lang si Manang Flor. Wala na din naman itong nagawa kasi nakaalis na si Carmen.

"Maiwan ko na muna kayo Elaine. Tutulungan ko si Maya at nang makapaghain na at nang makakain na kayo at makapagpahinga ng maaga", sabi ni Manang Flor.

"Manang Flor, gusto ko po sana kayong makausap mamaya", sabi ni Elaine.

Ngumiti naman si Manang Flor sabay tango. Ngumiti din ito kay Theo bago tumalikod at naglakad papuntang kusina.

Nang maiwan naman na sila Theo at Elaine, yumakap si Theo sa gawing tagiliran ni Elaine sabay halik sa balikat at paakyat sa leeg nito.

"Theo, not now. I'm tired", sabi ni Elaine.

Nagpatuloy si Theo sa kanyang ginagawa. Bahagya syang itinulak ni Elaine pero mas humigpit pa ang yakap ni Theo sa kanya.

"Stop that attitude Elaine. You know it's for the best that you do whatever I say you do", sabi na lang ni Theo. Mas naging mapusok na ang mga halik nito. Si Elaine naman ay wala ng nagawa kundi ipikit na lang ang kanyang mga mata habang nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha.
__________

"Ah! Tangina!", sigaw ni Marco sabay hawak sa kanyang ulunan.  Napaupo na lang ito sa lapag. Nang pagsalat nya muli dito ay dumudugo pala ito.

Si Elise naman ay bumangon mula sa pagkakayuko sa lamesa. Kitang kita nya ang nabasag na vase sa lamesa na kanyang dinampot kanina at ipinukpok sa ulo ni Marco. Dali dali nyang inabot ang pihitan ng pintuan. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, hindi pa nya maikot ng tama ang pihitan kaya't nanatiling sarado ang pintuan. Nilingon nya si Marco, nakaupo pa din ito sa lapag.

"O—Open, open, open, please!", bulong ni Elise. Tinanaw nya muli si Marco. Unti unti na itong bumabangon.

"Shit! Bumukas ka naman!", galit ng sabi ni Elise. Sa isang himala ay bumukas ang pintuan. Nagmadali syang isara ito nang nagulat sya nang pigilan ito ni Marco.

"Elise!", galit na sigaw nito.

"Marco! Umalis ka na!", sigaw din ni Elise habang idinidiin din nya ang kanyang sarili sa pintuan para pigilan na makapasok si Marco.

"Huwag mo akong subukan at galitin Elise!", pagbabanta ni Marco. Gamit ang kanyang buong pwersa, naitulak na ni Marco ang pintuan. Si Elise naman ay sumubok na tumakbo subalit nahablot ni Marco ang kanyang buhok.

"Ah! Marco!", sigaw ni Elise sabay kapit sa kanyang buhok.

Iniharap ni Marco sa kanya si Elise sabay bigwas ng kamay nya sa mukha nito. Pumutok kaagad ang tagiliran ng labi ni Elise. Itinulak ni Marco si Elise at napasubsob ito sa lapag. Pumaibabaw si Marco sa kanya. Nanlaban si Elise kahit pa liyong liyo na sya subalit mas malakas talaga si Marco sa kanya. Sinikmuraan syang muli nito at naramdaman na ni Elise na pawala na ang kanyang malay.

'Lanz..', mahinang sabi ni Elise sabay pikit ng kanyang mga mata.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon