Part 89 Ang Pagdadalang-Tao ni Carmen

44 1 0
                                    

Naalimpungatan si Carmen na nasa tabi nya si Enrico. Mahimbing ang tulog nito. Pinagmamasdan nya ito at napagtanto nito sa kanyang sarili na mahal na nya ito. At may kailangan syang aminin dito pagkagising nya. At kailangang masabi nya ang kanyang sasabihin sa lalong madaling panahon.

Tumayo sya at nagsimula ng magbihis. Pinagmasdan nya ang kanyang sarili sa salamin. Medyo lumapad ang kanyang balakang. Medyo lumalaki na din ang kanyang hinaharap. At bukod dun—

Bigla na lang tumakbo si Carmen sa banyo. Deretso sya sa lababo at doon ay nagsuka nang nagsuka. Nang mahimasmasan sya at maginhawahan, naghilamos na sya ng mukha. Pag angat nya ng kanyang mukha ay sakto naman na nasa may pintuan si Enrico, kakagising lang nito.

"Ginulat mo naman ako", pahayag ni Carmen.

"Anong nangyayari sa'yo?", tanong ni Enrico.

Huminga nang malalim si Carmen. "May kailangan ka na malaman".

"Ano un?", deretsong tanong ni Enrico habang naghuhugas ng kamay sa kabilang lababo.

"B—Buntis ako", ika ni Carmen.

Natigilan si Enrico. "Sinong ama?"

Hindi malaman ni Carmen kung maiinis ba sya o pagpapasensyahan na lang ang kakagising lang na si Enrico.

"Ikaw syempre. Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?", iritang sagot nito.

"Hindi akin yan".

"Anong ibig mong sabihin? Sa'yo ito, Enrico! Ikaw ang ama ng dinadala ko!", nagsimula ng maging histerikal si Carmen.

Sa gulat ni Carmen ay sinakal ito ni Enrico ng kanyang kanang kamay. Napaubo ito sabay subok na tanggalin ang kamay ni Enrico sa kanyang leeg. "Kilala ko ang mga katulad mo, Carmen. Hindi mo ako maloloko", galit na sabi ni Enrico. Nanlilisik ang mga mata nito.

Pagkasabi nun ay pinakawalan nito ang leeg ni Carmen. Sunud sunod ang pag ubo ni Carmen. "Walanghiya ka! Papatayin mo ba ako?! Matapos mo akong gamitin itatapon mo na lang ako na parang basura?!", sigaw ni Carmen. Sinugod nito si Enrico sabay pinagsusuntok and dibdib at braso nito.

Hinawakan ni Enrico ang magkabilang kamay ni Carmen sabay baluktot nito.

"Ow! Enrico! Nasasaktan ako!", halos maiyak na si Carmen sa sakit.

"Paano kang nakakasiguro na akin yan eh pati ang drayber namin ay nilalandi mo?!". Natigilan si Carmen sa paratang ni Enrico. Hindi nito kagustuhan na humantong pa dito ang diskusyon nilang dalawa.

"Hindi sya ang ama kundi ikaw. At papanagutan mo ang dinadala ko sa ayaw mo at sa gusto!", pagbabanta ni Carmen.

"At kapag hindi ko panagutan yan?!"

"Kung hindi mo kami pananagutan, isisiwalat ko ang sikreto ng pamilya mo".

Napatingin si Enrico kay Carmen. Susugurin na sana nya ito nang magsalitang muli si Carmen.

"Hindi mo ako puwedeng saktan, Enrico. O kahit ang dinadala ko. Alam ko ang pagtataksil ng ama mo kay Doña Beatrice. At alam ko din na kinakapatid mo si Lanz. Si Lanz na mortal mong kaaway. Sige, saktan mo pa akong muli nang makita mo ang hinahanap mo!", pagbabantang muli ni Carmen.

Natigilan si Enrico. Napaisip ito nang malalim sabay buntong hininga. "Tama ka, Carmen. Sige, lahat ng gusto mo ay susundin ko", sabi nito. Lumapit ito kay Carmen at niyakap nya ito. Hinaplos haplos din nya ang buhok nito. "Ano ba ang gusto mo?", dagdag nito.

Hindi malaman ni Carmen ang kanyang mararamdaman. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal nya kay Enrico. "Gusto ko pakasalan mo ako", deretsong sabi nito.

Kumawala mula sa pagkakayakap si Enrico. Hinaplos naman nito ang mukha ni Carmen. "Sige, kung yan ang gusto mo", huling sabi nito sabay yakap muli kay Carmen. Si Carmen naman ay nakatingin lang sa kawalan, lunod sa nararamdaman nya para kay Enrico.
__________

"Ante, hindi pa lumalabas ng kwarto ni Senyorito Enrico si Carmen. Kagabi pa un andun", tsika ni Maya kay Manang Flor na noon ay nasa kusina.

"Magtigil ka ngang bata ka! Puro ka tsismis dyan. Tapos na ba ang mga gawain mo?", tanong ng matanda.

"Opo kanina pa. Ung mga gawain nga ni Carmen ako na din ang tumapos. Wala kasi po akong magawa eh naiinip ako".

"Mabuti naman kung ganun. Tulungan mo na lang ako maghain. Tapos na kasing magluto ang mga chef".

"Sige po", sagot ni Maya sabay kuha ng ilang kubyertos at plato at nagtungo na ito sa hapag kainan para maghain.

"Manang Flor?"

Napalingon si Manang Flor. "O, Elaine? Dumating ka na pala mula sa airport. Nagugutom ka ba ba? Maghahain pa lang kami".

"H—Hindi po", mahinang sabi ni Elaine. "Si Mommy po?".

"Kasama nung nga pribadong nars nya. Bakit mo natanong? At kumusta pala ang paghatid mo kay Theo sa airport?"

"Okay naman po, Manang Flor. Ayaw nga po sana nyang umalis kaya lang kailangan sya ni Tita Margie sa kanilang negosyo".

"Buti napapayag na bumalik ng London. Pakiwari ko ay ayaw nun mahiwalay sa'yo".

"Kailangan po ako ni Mommy. At alam nya ang kagustuhan kong manatili dito para alagaan si Mommy".

"Napakabuti mong anak, Elaine".

"Salamat po, Manang Flor. Nga po pala, gusto ko po sanang humingi ng pabor sa inyo".

"Ano un, hija?"

"Gusto ko po muling bisitahin si Elise sa Pagbilao".

Napailing si Manang Flor. "Naku mahihirapan tayk nyan, Elaine. Alam mo namang mainit pa ang sitwasyon gawa ng nangyari noong isang gabi. Ang Kuya Enrico mo, nakupo. Nagdagdag ito ng mga tauhan. Parang sasabak ata sa giyera ang batang un".

"Basta po, Manang Flor. Tulungan nyu po ako", yumakap si Elaine kay Manang Flor na parang naglalambing na bata.

"O sya sige. Tutulungan kita. Pero pahupain na muna natin ang mainit na sitwasyon".

"Salamat po, Manang Flor! The best po talaga kayo!", ma humigpit ang pagyakap ni Elaine dito. "Sige po, puntahan ko na po muna si Mommy", paalam ni Elaine.

"Sige. Andun sya sa lanai sa may hardin. Sabi kasi ng doktor makakabuti un sa kalagayan nya".

"Okay po", huling sabi ni Elaine.

Ilang sandali pa ay nagbalik na si Maya. "Ante, okay na po ang hapag".

"Mabuti naman kung ganun".

Maya maya pa ay lumabas na si Carmen. Dumiretso ito sa ref para kumuha ng tubig sabay inom ng madami.

"Napagod po ata si Carmen, Ante", pabulong na sabi ni Maya. Siniko naman ito kaagad ng matanda.

"Magtigil ka nga dyan, Maya".

"Alam kong pinag uusapan nyu ako pero gusto kong malaman nyu na wala akong pakialam. Dahil malapit na akong maging parte ng mayamang angkan ng mga Ayala", pagmamayabang nito.

"Aba, natutulog pa ata itong si Carmen. Ang lakas makatrip ng panaginip. Ang sarap hambalusin nang magising", bulong muli ni Maya.

"Maya!", siniko itong muli ni Manang Flor.

Magsasalita na sana si Carmen nang may dumating na dalawang tauhan ni Enrico. Napatingin silang lahat sa kanila.

"Carmen, sumama ka daw sa amin sabi ng Senyorito Enrico. Mamimili daw ng mga gamit mo at ng—", natigilan ito.

"Ah, sige! Susunod na ako", pagsabat ni Carmen. Tumuloy ito sa kwarto pero bago nya ito ginawa ay isang irap ang ibinigay nito kay Maya.

"Aba! At talagang—".

"Maya! Magtigil ka na", saway ni Manang Flor.

"Pasensya na po, pasensya na po", sabi ni Maya na naka "peace sign" pa.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon