Part 16 Mga Babae Nga Naman

67 2 0
                                    

Gulat na gulat ako nang biglang yumakap si Elise sakin. Ramdam ko na nanginginig ito. Nakabukas ang parehong braso ko, sa gulat ko na din siguro. Naririnig ko din na umiiyak si Elise. Hindi lang iyak kundi hagulgol pa. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko. Parang bigla na lang din akong natulala.

"E—Elise? Anung nangyayari sa'yo?", tanong ko na lang. Iyayakap ko na din sana ang parehong braso ko nang bigla na lang akong itinulak palayo ni Elise.

"Saan ka ba nanggaling ha Lanz?! Alam mo ba kung anong oras na ha?! At tsaka bakit mo ako iniwan dito ng mag isa ha?! Nag iisip ka ba?!", tuluy tuloy na sabi ni Elise. Habang sinasabi nya ito ay hinampas din nya ako. Todo iwas din naman ako.

Alam mo ung wala na akong nasabi pa. Napanganga na lang ako kasi naman biglang nagbago ito. Kanina lamang ay halos yumakap ito ng mahigpit sakin tapos ngayon parang kaaway na naman ang turing nito sakin. Hay mga babae nga naman. Napakamot na lang ako ng ulo ko.

"Nagpunta kasi ako ng bayan. Nasiraan ako kaya ipinagawa ko pa ung sasakyan", paliwanag ko. Naghahanda na ako sakali man na paghahampas hampasin na naman ako ng babaeng ito.

"Wala akong pakialam kung nasiraan ka Lanz. May obligasyon ka sakin dahil bihag mo ako diba? Aalis alis ka ng hindi nagpapaalam sakin?! Ano 'to?! Manghuhula na lang ako palagi kung nasaan ka?!", singhal pa nito sakin.

"Teka, teka, lilinawin ko lang ha Elise. Gusto mo nagpapaalam ako sa'yo tama ba?"

"Grr! Mahirap bang intindihin un?! Ilang ulit ko ng sinabi diba!", nanggagalaiti pa din ito.

"Hmm.. parang mag syota na tayo nun kapag may paalaman na magaganap", pinipigilan ko ang pag ngiti ko.

Magsasalita na sana ito nang biglang natigilan sya. Napaisip din siguro ito.

"Anong mag syota ka dyan?! Ano ka sinuswerte?!", lalung lumakas ang boses nito.

"Eh para ngang asawa kita kung makasigaw ka sakin eh", patuksong sabi ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh?! Asa ka pa! Sandali nga, bakit ka ba kasi nagpunta sa bayan? Pinuntahan mo ba ung totoong girlfriend mo? Or baka may asawa kang talaga at di mo lang sinasabi sakin at kay Ate Elaine?!"

Nakakapuno na ang babaeng ito. Konti na lang mauubos na ang pasensya ko.

"Wala akong ibang girlfriend or asawa", malumanay kong sabi.

"Talaga lang ha. Eh bakit ka nagpunta ng bayan aber?!"

"Namalengke ako ng pagkain. Sabi mo kasi kagabi hindi ka nakain ng isda. Kaya namili ako para sa'yo. Baka naman sabihin mo inaapi kita dito".

"Pagkain?", nagkatinginan na lang kami kasi dinig namin pareho ang pagkalam ng sikmura nya.

"Alam kong gutom ka na. Halika ipaghahain na kita", sabi ko sabay punta sa may kitchen.

Naramdaman ko naman na sumunod si Elise. Nasa likod ko ito at sinisilip kung ano ang ihahain ko. Nakakatuwa. Parang bata na hindi makahintay. Naupo na ito sa dining area. Matiyaga naman itong nag antay. Naghain na ako. Naglagay na din ako ng mga plato at kubyertos.

"H—Hindi ka ba sasabay kumain sakin?", tanong ni Elise sakin.

"Gusto mong sabayan kita?"

"Duh, tinatanong nga kita eh", inirapan na naman ako nito.

"Sige sasabayan kita", kumuha na din ako ng plato at kubyertos.

"What is that??", gulat na tanong ni Elise.

"Ah, eto? Pritong galunggong tsaka ginisang monggo".

"Say what?? Sinong kumakain ng ganyan?"

"Subukan mo kasi. Parang fried chicken na din yan", sabi ko sa kanya.

"Niloloko mo ba ako ha Lanz? Ang layo nyan sa fried chicken noh!"

"Basta, masarap ito", ipinaglagay ko sya ng kanin sa plato nya.

"I don't eat rice.."

"Hindi masarap ang GG at monggo kung papapakin mo lang. Konting kanin lang ito oh, tignan mo", nanatili itong tahimik.

"Beans?", tanong nito habang tinitignan ung monggo.

"Oo. Teka, ipaghihimay kita ng galunggong".

Pinapanood lang ako ni Elise habang naghihimay ako ng isda. Inilagay ko sa isang platito ung mga nahimay ko na sabay bigay kay Elise.

"Nah ah. I will not eat that. After you touched it like that. Nope..", pagmamatigas nitong sabi. Nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito.

"Eto ang sawsawan nyan. Toyo na may kamatis", inabot ko din sa kanya ito.

"Akala ko ba bumili ka ng pagkain? Eh mukha namang hindi pagkain ito eh!", naiiyak na ito.

"Elise, subukan mo lang", pakiusap ko sa kanya.

"No! I don't eat this kind of crap!", nagsimula ng tumulo ang mga luha nito.

Isip Lanz ng puwede mong sabihin at gawin. Huminga ako ng malalim.

"Sige, ganito na lang. Pagtyagaan mo nang kainin yan. Bukas isasama kita sa bayan para ikaw ang pumili ng gusto mong kainin", malumanay na sabi ko.

"Bakit ba nagpunta ka na sa bayan pero ito lang ang dala mo", hikbing sagot nito. Nakakaawa itong tignan.

"Sabi ko naman sa'yo nasiraan ung sasakyan ko. Ipinaayos ko pa. Eto na lang ung naabutan ko sa suki ko eh. Sige na, pagtyagaan mo na muna yan".

Nagsimula na itong kumain. Inilapit nito ang kutsara na may konting kanin at kapiranggot na isda sa bibig nya. Inaabangan ko naman ang susunod na gagawin nya. Isinubo na nya ito. Naghihintay pa din ako ng susunod na reaksyon nya. Nginuya nya ito sabay lunok. Napatingin ito sakin.

"Subukan mong isawsaw sa kamatis ung isda", sabi ko. Ginawa naman nya. Tinignan nya akong muli.

"Ngayon, lagyan mo din ng monggo tapos sabay mo kainin", ginawa nyang muli ito.

Hanggang sa sunud sunod na ang subo nito. Nagugulat na lang ako dahil mukhang ganado na itong kumain.

"Pasensya ka na ha kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo kanina. Tulog na tulog ka kasi, ayoko namang istorbohin ang pagtulog mo", paliwanag ko. Tumango na lang ito. Tuloy pa din ito sa pagkain.

Naubos nya ung inilagay kong kanin sa plato nya. Naubos din nya ung isda. May natira din na konting monggo. Uminom na ito ng tubig.

"Oh diba. Parang fried chicken na diba?", nakangiting sabi ko.

"Fine. That was tolerable", sagot nito sakin.

"Sige na magpahinga ka na. Ako na ang magliligpit", sabi ko. Akmang tatayo na si Elise ng may naalala ako.

"Ay oo nga pala. Eto oh", sabay abot ko sa kanya ng isang plastic bag.

"Ano 'to?".

"Shampoo, body wash, feminine wash, toothbrush, toothpaste, deodorant, lotion, at moisturizer", sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Elise.

"Nasaan ang conditioner??", singhal na naman nito sakin.

"Diba shampoo din un?"

"Duh, Lanz, magkaiba un noh".

"Sorry, hayaan mo bukas bili tayo ng conditioner mo. Magpahinga ka na".

Tinitignan ko sya hanggang sa makapasok na sya ng kwarto. Natawa na lang ako at napailing. Makulit na babae. Maarte din. Napaka arte. Walang wala kay Elaine. Nawala ang pagkakangiti ko. Bigla ko na namang naalala si Elaine. Kumirot muli ang puso ko.

"Elaine..", bumuntong hininga na lang ako.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon