Part 14 Si Theo

72 3 0
                                    

Humiga na ako sa may sofa. Gustuhin ko man na sa kwarto matulog ay hindi puwede kasi si Elise ang matutulog dun. Isa lang kasi ang kama dito sa bahay ko. Nakahiga ako at nakatingin lamang sa kisame. Ung mga nakita ko kanina, hindi ito maalis sa isipan ko. Nagpaikot ikot ako sa sofa. Hindi ako mapakali. Andyan ung bahagya kong iaangat ang aking tingin para sipatin ung banyo.

"Ang tagal namang maligo ng babaeng un", takang sabi ko sa sarili ko. Humiga akong muli.

Dinig na dinig ko pa din ang laguslos ng tubig mula sa banyo. Sunud sunod ang buhos, tapos bigla babagal, tapos titigil, tapos buhos ulit. Nakaka praning na ang mga naririnig ko. Gusto kong malaman kung anu nang nangyayari. Inangat kong muli ang ulo ko. Wala pa din.

"Mukhang uubusin ng babaeng un ang apat na drum ng tubig ah", sabi ko sa sarili ko.

Maya pa ay biglang bumukas na ung pintuan ng banyo. Dali dali akong nahiga at pumikit na kunyari ay natutulog na ako. Panaka naka akong sumisilip. Kitang kita kong naglakad na si Elise papunta sa kwarto. Suot nito ang mga damit na ibinigay ko sa kanya. Ung tuwalya naman ay nakapulupot sa ulo nya para hindi tumulo ung tubig mula sa basa nyang buhok.

Nadinig ko ng isinara nito ang pintuan sa kwarto. Dumilat na ako. Bakit hindi maalis sa isipan ko ung mga nararamdaman ko ngayon? Ung pisngi ni Elise, pulang pula ang mga ito nang mahulog ung tuwalya kanina. Parang lahat na ng dugo nya ay napunta sa mukha nya. Napangiti na lang ako hanggang sa—

Pagpikit ko, ang mukha ni Elaine ang nakikita ko. Nakalugmok sa isang sulok at umiiyak. Tinatawag nya ang pangalan ko. Humihingi sya ng tulong sa akin. Nang lalapitan ko na sana sya, biglang parang lumalayo sya sakin. Habang pilit akong lumalapit ay mas lalo syang napapalayo hanggang sa boses na lang nya ang naririnig ko at hanggang sa wala na akong marinig. Nakakabingi na ang katahimikan.

Iminulat ko ang aking mga mata. Tangina. Panaginip lang pala. Sinalat ko ang noo ko, pawis na pawis ako. Tumayo ako at nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig. Bigla akong nag alala. Shit! Kung nakaidlip ako eh baka nakatakas na si Elise. Dali dali akong nagpunta sa kwarto. Pagbukas ko, andun pa din si Elise. Nakabaluktot ito sa kama.

Ang laki masyado ng tshirt sa kanya. Ung shorts, sakto lang. Tulog na tulog ito. Lumapit ako sa kanya. Tinignan ko ung paa nya, medyo humupa na ung maga nito. Aalis na sana ako ng hindi ko mapigilan ang mapatingin—

Sa kanyang mga makikinis at mapuputing binti, pataas sa malalaking hita nya. Napalunok na lang ako. Parang si Elaine lang. Wala syang suot na bra dahil naaaninag ko ang mga utong nya sa ilalim ng puting tshirt na suot nya. Napapikit ako. Tangina naman. Lumabas na ako ng kwarto at tumuloy ako sa may veranda ng bahay.

Napatitig na lang ako sa malaki at bilog na buwan. Kaya pala ang lakas ng topak ng babaeng un. Natawa na lang ako. Maganda nga lakas naman ng topak. Madami din akong natutunan ngayon tungkol sa pgkatao ni Elise. Mabilis tumakbo, malakas humampas, magaling umakyat ng bakod, hindi nakain ng isda at kanin, at takot sa patay na ipis. Malamang mas takot pa un sa buhay na ipis. Natawan na naman ako.

Napatingin akong muli sa buwan. Bigla kong naalala si Elaine. Nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila. Sobrang miss ba miss ko na sya. Ang lahat lahat ng tungkol sa kanya.

"Elaine.. kung nasaan ka man ngayon.. sana ay nasa mabuti kang kalagayan.. mahal na mahal kita Elaine.. mahal na mahal", naramdaman ko na lang ang nga luha na dumadaloy pababa sa aking magkabilang pisngi.

__________

"Elaine, are you done with that?", tanong ng isang Briton sa akin.

"Yes, yes I am", ngiting sabi ko sabay abot sa kanya ng libro.

Ilang araw pa lang dito sa London pero nakakasanayan ko na ang buhay dito. Mahirap nung una pero habang dumadaan ang mga araw ay unti unti ko na ding nakakalimutan ang pait ng nakaraan. Lahat ng sakit kaya kong kalimutan. Pero si Lanz? Hindi sya mawala sa isip ko. Sa bawat paggising ko at pagtulog araw araw, sya ang laman ng isipan ko.

Sana ay naibigay ni Elise ung liham ko. Sana ay mapatawad ako ni Lanz. Sana ay makahanap sya ng babaeng para sa kanya. Sana maging masaya sya. Sana.. puro sana. Kailangan ko lang magpalipas ng tensyon sa sitwasyon namin. Kapag natapos na, saka ko hahanapin si Lanz. Saka ako magpapaliwanag sa personal. Karapatan ni Lanz malaman ang lahat lahat. Hindi pa sa ngayon. Pero sa tamang panahon.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sabay sagot—

"Hello?"

"Elaine, I'm right outside. I'll wait for you here".

"Sure, I'll be out in a bit". Kinuha ko na ang mga gamit ko. Inabot ko na din sa librarian ung librong isasauli ko. Nginitian na lang ako ng matanda. Lumabas na ako ng library.

"Hey!"

"Hi! Kumusta?"

"I'm good. Your Mom is waiting for us", sabi ni Theo sakin.

"Okay let's go", sabi ko at binaybay naming dalawa ang mahabang hallway.

Theo is our family friend. Mag amiga ang mga nanay namin. Magkasing edad lang kami, buwan lang ang tanda nya sakin. Matagal na sila dito sa London. Bata pa kami lagi na kaming magkalaro dati nung nasa Pinas pa sila. Hanggang sa kailangan na nilang lumipat at tumira dito sa London. Para akong nawalan ng best friend nung nawala sya.

"Mom!", sigaw ko kay Mommy. Kumaway din ako. Dagli kaming naglakad papalapit kay Mommy. Lumapit din naman sya sa amin sabay halik sakin at kay Theo.

"I'm glad to see you both. Your Mom is already here Theo", sabi ni Mommy. Napatingin ako kay Theo, may bakas ng pagtataka ang buong mukha ko. Bakit andito din si Tita?

Nung pumunta ako dito sa London, kasama ko si Mommy. Hindi nya ako iniwan. Lagi syang nasa tabi ko, kung suporta man un or hindi ay sya lang ang nakakaalam ng totoo nyang intensyon.

Pumasok na kaming tatlo sa isang Italian restaurant. At andun na nga si Tita. Pinuntahan namin sya at humalik na din ako at si Theo sa kanya. Sila naman ni Mommy ay nagbeso beso.

Nang nakaupo na kami, si Mommy na ang unang nagsalita.

"I'm glad you're here, my amiga and Theo".

"The pleasure is ours my amiga. Theo and I are very excited with this announcement".

Announcement? Anong sinasabi ni Tita Margie? Bigla tuloy akong naguluhan. Bukod dun, grabe din ang kaba ko sa dibdib ko. Hinalikan ni Tita Margie si Theo sa pisngi bago ito parang may kinuha sa bulsa nya.

Bigla na lang tumayo si Theo at lumuhod sa harapan ko. Nakangiti ito sakin.

"Theo!", bulalas ko na lang.

"Elaine Raquelle Ayala, I have known you since we were little and I know right from the start that you are the one for me. It'll make me the happiest man alive if you give me the honour to become Mrs. Theodore Byrne Wicklow?", sabi nito sabay bukas ng maliit na jewelry box.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang sinseridad. Bumaba ang tingin ko sa maliit na box na nasa harapan ko. Kumikinang ng husto ung singsing na andun. Wala akong masabi. Ni hindi na ako makagalaw. Hindi ko na din namalayan na kinuha na ni Theo ang kamay ko. Tinanggal nya ang noo'y suot kong singsing at ipinatong nya un sa table.

'Nooo—', bulong ko sa sarili ko. Bigay sakin ni Lanz ang singsing na un. Dahan dahan kong kinuha ung singsing at itinago ko sa palad ko. Isinuot na nya ang bagong singsing sa daliri ko sabay halik sa kamay ko.

"So, is this a yes then?", masaya at excited na tanong nya.

Napatingin na lang ako sa kanya.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon