Part 79 Ang Liham ni Elaine

45 1 0
                                    

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa", panimula ni Elaine matapos itong kumawala mula sa pagkakayakap kay Lanz. Pinahid din nito ang kanyang mga luha. Si Lanz naman ay tiim na nakatitig kay Elaine. "Nang malaman nila Mommy at Kuya Enrico ang tungkol sa ating dalawa, sinabi nila sakin na hiwalayan kita sa ayaw man o sa gusto ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi nila sakin at lalung lalo na sa'yo", bakas sa mukha ni Elaine ang matinding pagkalungkot.

"Alam ko un Elaine. Natunton ako at pinagbubugbog ng mga tauhan ng Kuya mo. Akala ko dati ay mamamatay na ako. Sabi ko pa na kahit mamatay ako ay okay lang, basta makita kitang muli at makausap. Handa na akong sumugal maging kay kamatayan".

"Oh, Lanz", napahawak si Elaine sa dibdib nya. Batid nito na totoo ang mga sinasabi ni Lanz dahil kilala nya ang kanyang Kuya at ang mga kaya nitong gawin, sampu ng kanyang mga tauhan. Ramdam ni Elaine ang sakit sa bawat salitang namumutawi mula kay Lanz.

"Kahit kaya kong gumanti, hindi ko ginawa", pagpapatuloy ni Lanz. "Dahil ayokong ikaw ang pag initan nila. Ayokong saktan ka nila", dagdag na sabi ni Lanz kay Elaine.

"Hindi naman na nila ako magagalaw basta susunod lang ako sa mga kagustuhan nila. Pilit ko silang sinuway dati, pero kailangan kong harapin at panindigan ang desisyon ko, kahit pa masakit, kahit pa alam kong ikamamatay ko un. Ang lahat ng un ay ginawa ko nang walang pag aalinlangan. Ginawa ko un, para sa'yo Lanz", malungkot na sabi ni Elaine.

"Saan ka ba nagpunta? Saan ka ba nila dinala?", si Lanz naman ang nagtanong.

"S—Sa London. Si Mommy ang nagdesisyon. Pinagbantaan ako nila Mommy at Kuya Enrico na kapag hindi ko sila sinunod, na ikaw ang sasaktan nila", natigilan sa pagsasalita si Elaine. "Pinagbantaan nila ako na papatayin ka nila Lanz. I'm so sorry. Sobrang gulo na din ng isip ko nung mga panahon na un. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natakot ako ng sobra".

"Elaine, sana sinabi mo ang sitwasyon mo dati. Alam mong magagawan natin pareho ng paraan ang lahat. Alam mo na ipaglalaban natin ang isa't isa hanggang sa dulo. Alam mo na kaya kitang protektahan, maging kahit pa mula sa pamilya mo. Alam mo ang lahat ng un Elaine. Pero mas pinili mo pa din magdesisyon ng mag isa. Inako mo ang lahat. Sa huli, pareho lang tayong nasaktan", seryosong sabi ni Lanz.

"Lanz, hindi mo naiintindihan", humihikbi ng sabi ni Elaine.

"Alin Elaine?!", medyo nagtaas na ng boses si Lanz. "Nang mawala ka, pinilit ko ang sarili ko na intindihin ang lahat. Wala akong choice Elaine kundi ang intindihin ka!", tiim bagang na sabi ni Lanz.

"Please Lanz. Hindi ako nagpunta dito para makipagtalo o ipamukha sa'yo ang mga naging desisyon ko dati. Sinadya kita para makahingi ng tawad sa lahat ng sakit na idinulot ko sa'yo", umiiyak nang muli si Elaine. Napayuko na lang ito.

Napabuntong hininga si Lanz. Hinawi nito ang buhok ni Elaine sabay angat sa mukha nito. Kitang kita ni Lanz ang bigat ng dinadala ni Elaine. Kumikirot ang puso nya sa hindi din nya maipaliwanag na dahilan. Medyo tumanda na ang hitsura ni Elaine. Medyo nadagdagan din ang mga kunot sa mukha nito. Ganun pa man, maamo at maganda pa din itong pagmasdan.

"Anong ginawa mo sa London Elaine?", hindi na natiis na itinanong ni Lanz. "Tsaka bakit doon?", dagdag pa nito.

Napatingin si Elaine kay Lanz. Medyo kumalma na ito. Namiss nya si Lanz. Iba pa din kapag nasa harapan na nya si Lanz. Parang ang gusto lang gawin ni Elaine ay yumakap dito at ibalik ang kung ano man ang meron sila at kalimutan ang lahat ng sakit ng nakaraan.

"Sa una akala ko gusto lang ni Mommy na mag aral at magtapos ako dun. Nagawa ko naman un. Natapos ko din ang masteral degree ko. Nagkaroon din ako ng disenteng trabaho. Pero lingid sa kaalaman ko eh ipinagkasundo na pala ako nila Mommy at Kuya Enrico".

"Ipinagkasundo? Anonh ibig mong sabihin?", tanong muli ni Lanz.

Huminga nang malalim si Elaine. "Ikinasal ako Lanz. Sa anak ng amiga ni Mommy", malungkot na sabi ni Elaine.

"Ikinasal ka?", pagkumpirma ni Lanz. Tumango naman si Elaine.

"Masaya ka ba?", kalmadong tanong ni Lanz. Kahit ganun pa ang nangyari, hindi pa din nito kayang magalit ng tuluyan kay Elaine.

Umiling si Elaine sabay bugso na naman ng kanyang mga luha. "Para akong pinarusahan Lanz. Hindi ako naging masaya ng buong buo. At nang sinabi kong makikipaghiwalay na ako, hindi sila pumayag. Pinagbantaan na naman nila ako. I mean, andun na ako sa sitwasyon na un eh. Pinili ko na un at napanindigan ng minsan. Kaya ko ulit gawin ang lahat ng un. Kung ang ibig sabihin at katumbas nun ay ang kaligtasan mo".

"Sana nagpaalam ka sakin ng maayos Elaine. Ang dami ko ng naisip. Nawala ako sa sarili ko nang umalis ka. At nang napatunayan ko sa sarili ko na hinding hindi ka na babalik, na tuluyan ka ng nawala sakin, ipinagpasa Diyos ko na lang ang lahat".

"Lanz, naipit ako sa sitwasyon. Kailangan ko ng magdesisyon sa lalong madaling panahon. I'm so sorry Lanz. Hindi ko hinihiling na tanggapin mo ang mga sorry ko pero hayaan mo sana na makahingi ako ng tawad sa'yo".

"Elaine.. ang dami ng nangyari magmula ng nawala ka. Akala ko dati hindi ko makakayanan ang lahat. Pero mabait ang Diyos. Hindi Nya ako pinabayaan".

"Alam ko Lanz. Wala akong ibang ipinagdasal kundi ang maging masaya at ligtas ka mula sa kapahamakan".

"Sana nagpaalam ka sakin Elaine".

"I did Lanz. Mahirap man ang sitwasyon ko dati, ginawan ko ng paraan na makausap ka. Hindi ko man nasabi sa personal ang mga sasabihin ko dahil sobrang delikado ng sitwasyon, kaya idinaan ko na lang ang lahat ng gusto kong sabihin sa isang liham".

"Ano ba yang liham na sinasabi mo?"

"Isinulat ko un Lanz para sa'yo. Isang pamamaalam".

"Wala akong natanggap na kahit ano mula sa'yo Elaine".

"Anong ibig mong sabihin?", napakunot ang noo ni Elaine.

"Wala akong kaalaman sa liham na sinasabi mo. Kanino mo ba un ipinadala?"

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon