Part 24 Hubad sa Tabi Mo

71 2 0
                                    

Pagkahubad ko ng mga damit ko, tumabi na ako kay Elise. Hindi ako usually naghuhubad sa harap ng isang babae pero iba naman ang sitwasyon ngayon. Itinira ko lang ang boxers ko. Nang maramdaman ni Elise na may katabi sya, humarap ito sakin. Parang mas sumiksik pa ito malapit sakin. Ramdam ko sa dibdib ko ang malamig nyang mga kamay. Iniyakap ko na ang braso ko sa kanya.

Nanatili pa din itong nakapikit. Parang wala syang alam na tinabihan ko na sya. Ang lamig ng mga suot na damit ni Elise kahit pa nasa ilalim na sya ng kumot. Ilang minuto din kami na ganito pero sobra pa din ang panginginig ni Elise. Mainit pa din ang noo nito. Bahagya ko ding naririnig ung mga ngipin nya na nagkakaskas sa ginaw. Hindi na ako nakatiis.

"Elise, umupo ka muna", sabi ko. Parang pinilit ni Elise na buksan ang mga mata nya pero mukhang napakabigat ng mga ito.

Inalalayan kong umupo si Elise. Nakapikit pa din ito, hinang hina din sya. Tinanggal ko ung jacket nyang suot. Tumambad sa harap ko ung suot nya. Naka sando lang ito na puti, walang suot na bra. Napalunok na lang ako.

"Alam kong magagalit ka sakin Elise sa gagawin ko pero wala na akong ibang choice".

Wala pa din reaksyon mula kay Elise. Inalalayan ko lang ang pagkakaupo nya para hindi sya bumigay ng tuluyan. Tinanggal ko na din ung suot nyang sando. Shit! Pinagpapawisan ako sa ginagawa ko. Dahan dahan ko syang inihiga. Tinanggal ko na din ung suot nyang shorts. Panty na lang ang natira sa kanya. Muli na naman akong napalunok.

Pinagmasdan ko si Elise. Dumayo ung mga tingin ko mula sa mga paa nya pataas sa mga binti nya, sobrang kinis nya at napaka puti ng balat. Umakyat na ang paningin ko sa malaman nyang mga hita hanggang sa may panty nya. Dahil medyo magkadikit ang kanyang mga hita, medyo bumakat tuloy ung hubog at hiwa ng pagkababae nya sa kanyang suot na panty. Ramdam ko ang butil butil ng pawis sa noo ko.

Tangina Lanz umayos ka nga. Naisipan kong sampalin ang sarili ko para magising ako mula sa pagkakahibang ko. Tumabi na ako kay Elise. Inalalayan ko din ang ulo nya para nakadantay ito sa braso ko na para ko ba syang niyayakap. Hinila ko din ung kumot para natatakpan nito kaming dalawa.

Sa pagkakadikit ng katawan ni Elise sakin, sobrang nag aapoy na ang pakiramdam ko. Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil naka unan si Elise sakin, sobrang lapit na ng mukha ko sa ulo nya. Inamoy ko ang kanyang buhok. Mmm. Ang bango naman ng babaeng ito. Bumaba ang tingin ko sa dibdib nya na dikit na dikit sa tagiliran ko. Ang lulusog ng mga dibdib nya. Parang ang sarap hawakan, parang ang sarap halikan at parang ang sarap nitong sipsipin at panggigilan.

Dahil sa napakaputi ng balat nito, ang dami ng sumagi sa isipan ko gaya ng kung saan ko lalagyan ng chikinini ung mga dibdib nya na para bang lalagyan ko sya ng mapa. Tayung tayo din ang mga utong nya. Shit! Ang sarap laruin ng dila ko ung mga utong nya o kaya naman ay padaanin ko sa pagitan ng mga daliri ko. Nakakapang gigil! Tangina!

Biglang gumalaw si Elise. Lalo pa syang dumikit sakin. Idinantay din nito ang binti nya sa binti ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Inisip ko ang mga binti at hita nya. Ang kinis. Ang puti. Shit! Maya pa eh naramdaman ko ng nag iinit na ang katawan ni Elise. Sumisingaw na ung init sa katawan nya. Mas lalo ko pa syang niyakap. Sa mabilis na pangyayari, napahalik ako sa ulo nya sabay bulong ng—

"Alam ko magagalit ka sakin paggising mo. Pero tatanggapin ko ang lahat ng galit mo, maging maayos lang ang kalagayan mo. Kahit ano gagawin ko para sa'yo. Bumaba lang ang lagnat mo. Patawarin mo sana ako Elise".

Nakarinig lang ako ng mahinang ungol mula sa kanya. Bigla akong kinabahan na baka magising ito at sigawan na naman ako. Pero nanatili itong nakapikit. Muli kong inamoy ang buhok nya. Kinapa ko din ung noo nya. Mainit pa din ito pero hindi na kasing init nung una ko syang sinalat. Inayos ko din ung kumot para mas matakpan pa kaming dalawa. Sobrang lakas pa din ng pag ulan. Hindi lang un, may kasama pang malakas na hangin ang hahupit ng bagyong ito.

Buti na lang at nakauwi na kami ni Elise. Kapag nagkataon at nastranded kami sa daan at ganito ang kalagayan nya, baka hindi ko lubos na mapatawad ang aking sarili. Kahit maldita ang babaeng ito, ayoko na may mangyaring hindi maganda sa kanya.

Sinipat ko syang muli. Tahimik ito at mukhang malalim ang pagkakatulog. Akala ko lang pala. Gumalaw itong muli at sa paggalaw nya ay pinakikiramdaman din nya ang mga nadadaanan ng kamay nya. Dumaan ang kamay nya sa may tyan ko. Tangina. Para akong nakukuryente sa nararamdaman ko. Hindi din kasi ako sanay na hinahawakan ng babae. Ako lang lagi ang nagbibigay, never pa akong tumanggap kumbaga.

Dahan dahan ng umakyat ang kamay nya mula sa tyan ko. Narating nito ang gitna ng dibdib ko. Pinapakiramdaman ko si Elise ng husto. Kapag nagkamali sya ng salat sakin, mapipigilan ko sya agad. Nakahanda na ang kabila kong kamay sakali man na iba na ang masalat ni Elise.

Ngunit, nanatili lang ang kamay nya sa gitna ng dibdib ko. Pigil na pigil ang hininga ko. Akala ko ay mahahawakan na nya ako. Hindi ako komportable na may humahawak sakin. Sa lahat ng naka relasyon ko, puro kami one way lahat. Pero dahil kailangan ito ni Elise, hinayaan ko lang sya na humawak sakin. Ang init na ng mga katawan naming dalawa. Parang nagliliyab kaming pareho.

Mas hinigpitan ko pa ung pagkakayakap sa kanya. Inamoy kong muli ung ulo nya. At sa pagkakataong ito ay nahalikan ko na din ang tuktok ng ulo nya, malapit na sa bumbunan. Matapos kong gawin un ay bigla na lang napasagi sa isipan ko si Elaine. Shit, mahal kong Elaine, nasaan ka na ba? Kailan kaya kita muling makakasama? Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita Elaine. Sobra sobra. Walang ibig sabihin ito mahal. Walang ibig sabihin ito.

Napapikit na lang din ako at tuluyan na din akong nakatulog.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon