Part 13 Ang Pagligo

68 2 0
                                    

"Tapos ka na bang kumain?", payak na tanong ko kay Elise.

"Hoy Lanz, ilang araw mo ba balak akong ikulong dito ha?!", pasigaw na sagot naman nito sa akin.

"Huwag kang sumigaw okay?"

"Sisigaw ako hangga't gusto ko! Dahil wala kang karapatang ikulong ako dito!", akmang kukunin nya ang cellphone nya nang naunahan ko sya dito.

"Hindi ka na magce cellphone Elise".

"Hoy! Ano ka?! Nanay ko?! Akin na ang cellphone ko!", nagdadabog na ito.

"Saka ko na ito ibabalik sa'yo kapag umayos ka na at kumalma".

"You jerk! Sabi mo itext ko pamilya ko diba?!"

Binuksan ko cellphone nya. Nag type ako. Then nagsend. Sent.

"Ayan, natext ko na sila. Hindi ka na nila hahanapin", pinanlakihan ako ni Elise ng mga mata.

"You're a piece of shit Lanz!"

"Kung tapos ka ng kumain, magliligpit na ako".

Nagulat na lang ako ng biglang ibinato ni Elise ung plato na may kanin. Sumaboy sa buong sahig ung kanin. Lumapit ako sa kanya at iniharap ko ang upuan nya sa akin. Galit na galit ako sa inasal ng babaeng ito.

"Alam mo bang madaming tao ang hindi kumakain araw araw?! Lalo na ang mga batang palaboy laboy lang sa kalye! Wala silang makain! Tapos ikaw?! Ikaw na maswerteng may kinakain ganyan inaasal mo?! Walang wala ka sa Ate Elaine mo!", inuuga ko na ung upuan nya.

Bakas sa mukha ni Elise ang pagkatakot sakin. Kitang kita ko na parang namumuo na ang mga luha nya sa kanyang mga mata. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa upuan. Tumalikod ako at lumayo kay Elise. Huminga ako ng malalim. Tinignan ko ang kanin na nasa sahig. Maya pa ay—

"S—Sorry..", mahinang sabi ni Elise.

Humarap akong muli sabay sigaw ng "anong sinabi mo?!"

Natigilan ako ng makita kong umiiyak na si Elise. Nawala din bigla ang pagkakunot ng noo ko. Nakayuko ito. Napatigil ako. Nakaramdam ako ng awa.

Napabuntong hininga na lang ako. Sa lahat ng ayaw ko eh ang naiyak ang isang babae. Kahit ako na ang umiyak, huwag lang sila kumbaga. Nagsimula na akong magligpit. Hindi ko na lang sya pinansin para humupa na din ung galit na naramdaman ko kanina. Nang matapos ako, tinignan ko si Elise. Nakaupo pa din ito sa upuan, nakayuko pa din. Mula sa kinatatayuan ko eh kitang kita kong namumula ang mga pisngi nya. Tumigil na din ito sa pag iyak.

"Matulog ka na Elise", kalmado ko ng sabi.

Tumayo naman ito. Nagsimula itong maglakad. Paika ika ito. Nilapitan ko sya at inakay.

"Don't touch me!", sininghalan na naman ako nito. Hay nga naman. Mga babae talaga. Sala sa init, sala sa lamig. Binitawan ko sya pero nanatili akong nasa likod nya para kung sakali na kailanganin nya ng tulong ko ay andun ako kaagad. Umupo ito sa may gilid ng kama. Pinagmasdan ko sya. Nanggigitata na ito, pawisan at mukhang di komportable. Madumi na din ang suot nitong damit.

"Gusto mong maligo?", tanong ko sa kanya.

Tumingala sya sabay tingin sakin. Para syang nabuhayan ng loob nang marinig nya ung salitang maligo. Kumuha ako ng tshirt at shorts sa kabinet. May mga underwear din ako dun na sa tingin ko ay magkakasya naman kay Elise. Dapat kasi ay para kay Elaine ang mga un. Mukhang pareho naman sila ng size. Kumuha na din ako ng tuwalya.

"Halika na", sabi ko. Lumapit ako sa kanya para akayin sya. Binigyan ko din sya ng tsinelas.

"Don't touch me I said!", singhal na naman nito. Hinubad na nya ung isa pa nyang rubber shoes at medyas at isinuot na nya ung tsinelas.

"Fine! Maglakad ka magisa mo!", nakakapuno na din ang babaeng ito. Tinungo ko na ung banyo at naghintay ako sa may pintuan nito.

After ilang minuto, nakarating na si Elise sa banyo. Ipinatong ko ung mga damit at tuwalya dun sa isang patungan sa loob ng banyo.

"Gusto mo samahan kita sa loob ng banyo?", tanong ko sa kanya.

"Manyakis!", sigaw nito habang pumapasok sya sa banyo. Tumawa na lang ako.

"Baka lang kasi gusto mo?", tanong kong muli. Ang ganda ng pagkakangiti ko sa kanya.

"Napaka manyakis talaga ng hinyupak na ito!".

"Kunwari ka pa eh", nagsisimula na akong magbiro at mang asar.

"Tse!", sabi nito sabay sara ng pintuan ng banyo. Muntik pang tumama ung pintuan sa mukha ko.

"Kung makakapit ka nga kanina eh parang ayaw mo na akong bitawan", pabulong na sabi ko. Napangiti akong muli. Sabay bukas ng pintuan ng banyo. Nagulat ako.

"Wala bang hot water?"

"Wala", ako na ang nagsara ng pintuan. Bumukas itong muli.

"Nasaan pati ung shower?"

Inabot ko sa kanya ung tabo. Tinignan na lang nya ako. Akmang isasara kong muli ung pintuan nang pinigilan ito ni Elise.

"Teka muna! Nasaan pati ung tissue?"

"Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo Elise. May tubig dyan, yan ang gamitin mo".

Tumingin ito sa paligid.

"N—Nasaan ung body wash?"

"Eto Mr. Clean", sabay abot ko sa kanya ng isang bareta ng sabon.

"Aanhin ko ito?!"

"Body.. wash..", ipinakita ko kung paano ang pagsabon ng katawan.

Ibinagsak ni Elise ang pintuan sa mukha ko. Hay nga naman. Mga babae at mga ritwal nila. Akmang maglalakad na ako palayo ng banyo nang marinig kong sumigaw si Elise.

"Ahhhhh! Lanz! Help me! Helllppp!"

Binuksan ko kaagad ung pintuan ng banyo.

"Bakit?! Anong nangyari?!", alalang tanong ko. Pumunta sa likod ko si Elise sabay sabing—

"There's a cockroach! There!", itinuro nya kung asan ung ipis.

Nilapitan at tinignan ko ung ipis. Napangiti na lang ako. Yap. Delikado at nakamamatay talaga ang patay na ipis. Hinawakan ko ito sa antena nito sabay pakita kay Elise.

"Ew! Ew!", nakapikit nitong sabi. Sa pagkasabi nya nito at pagkumpay ng mga kamay nya, biglang nahulog ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan.

Nagulat ako sa nakita ko kaya tumalikod ako kaagad. Napalunok na lang ako. Maya pa ay binabato na ako ni Elise ng tsinelas.

"Manyakis ka talaga Lanz! Bastos!", ang lakas ng mga sigaw ni Elise. Pinilit kong makalabas ng banyo habang tinitiis ang mga hampas at palo ni Elise.

"Aray! Aray ko naman!", sabi ko na lang. Sa wakas ay nakalabas na din ako ng banyo.

"Maligo ka na. Wala ng ipis, itinapon ko na", sabi ko na lang. Muli ay pinagbagsakan ako nito ng pintuan.

Naglakad ako patungong kusina at itinapon ko ung ipis sa basurahan. Naghugas na din ako ng mga kamay ko. Bigla kong naalalang muli ang mga nakita ko kanina. Shit! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang may gusto pa akong makita bukod sa mga nakita ko na?

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon