Part 86 Ang Pagkikita ng mga Magkaka-Away

42 2 0
                                    

Malakas ang mga palakpakan ng mga bisita subalit walang marinig si Elise. Pakiwari nito ay nakakabingi ang sobrang lakas na palakpakan. Wala doon ang atensyon ni Elise kundi sa mga titig ng kanyang pamilya.

Naunang tumayo si Lanz sabay lahad ng kamay nito kay Elise. Si Elise naman ay litong lito na sa pagkakataon na un. Hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pang magkita kita silang lahat dito. At sa ganito pa talaga na pagkakataon. Gusto nyang mainis kay Lanz pero sa kabilang banda ay masaya sya na muling nakita ang kanyang pamilya.

"Elise?", basag ni Lanz sa noon ay lumilipad ng isipan ni Elise. Napailing na lang si Elise sabay abot sa kamay ni Lanz. Hinalikan ni Lanz ang kamay ni Elise bago nito ito inalalayang makatayo.

Nang tumayo ito ay kitang kita na ang magarbong dress na suot nito. Kulay itim na may mga dyamante na nakaburda. Nakalugay ang kalahati ng buhok nito sabay naka tirintas naman at napapalibutan ng mga maliliit na bulaklak at dyamante ang iba. Agaw pansin din ang mga suot nitong alahas. Simple lamang ang mga ito pero eleganteng tignan.

"What's the meaning of this?!", sigaw ni Doña Beatrice sabay hablot sa braso ni Enrico.

"I—I don't know Mommy. I—I never knew..", ito na lang ang nasabi ni Enrico. Maging ito ay gulat na gulat din sa mga pangyayari.

Si Elaine naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Para itong tuod na nakatayo doon habang hindi naalis ang tingin nito sa noon ay umaakyat na ng stage na sila Lanz at Elise. Hindi din nito mawarian ang kanyang mararamdaman. Ibang iba na sila Lanz at Elise mula nang makita nya ang mga ito sa bahay ni Lanz.

"Lanz..", may bahid ng pag aalala ang boses ni Elise sabay hila ng bahagya sa kamay ni Lanz na para bang ayaw na nitong tumuloy. Nilingon naman ni Lanz si Elise sabay hawi sa buhok na nakatakip sa mukha nito. Isang matamis na ngiti ang noon ay ibinigay sa kanya ni Lanz.

"You don't have to worry Elise. I'm here and I will protect you. Even from your own family", sagot ni Lanz kay Elise. Pilit man ang ngiti ni Elise ay batid nito na napakalma ni Lanz ng bahagya ang kanyang nararamdaman. Nang maka akyat na ang dalawa sa stage ay bigla na lang sumugod si Doña Beatrice.

"Ingrata! Mas masahol ka pa sa Ate Elaine mo!", akmang sasampalin nito si Elise ngunit mabilis itong inawat ni Enrico nang mapagtanto nito na lumalapit na ang sa tingin nito ay mga tauhan ni Lanz. Maging si Lanz ay pumagitna din kina Doña Beatrice at Elise na para bang handa na ito sa anumang away na magaganap.

"M—Mommy, please..", pakiusap ni Elise. Nangingilid na ang mga luha nito. May bahid din ng takot at pangamba sa boses nito.

"At ikaw naman! Hindi mo ba talaga titigilan ang pamilya namin?! Naiwas ko si Elaine sa'yo pero kay Elise naman nabaling ang atensyon mo! Pati ang kompanya ko idinamay mo pa! Walang—", pilit pa din itong pinipigilan ni Enrico kaya't hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin. "Bitawan mo ako Enrico!", galit na sigaw nito.

"Mommy please, not here, not now", sabi ni Enrico. "There are other people here. This isn't our night Mommy. I promise we'll square everything off with Lanz", dagdag pa ni Enrico para kumalma at mapanatag si Doña Beatrice na sya namang ginawa nito.

Kumalas sa pagkakahawak ni Enrico si Doña Beatrice sabay baba nito ng stage. Sumunod naman dito si Enrico. Si Theo naman ay hinihila na si Elaine subalit nanatiling nakatulala lamang si Elaine.

"Elaine, let's go!", may tono ng otoridad si Theo sabay hawak ng mahigpit sa braso ni Elaine.

"Ow!", mahinang sabi ni Elaine. Patuloy pa din ang paghila ni Enrico sa braso ni Elaine.

"Ate..", tawag ni Elise. Nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi na nakasagot pa si Elaine. Sabay ng pagtalikod nito ay lumaylay ang suot nitong shawl. Pansin na pansin ang bakas ng mga pasa sa braso nito. Hindi ito nakalampas kay Lanz. Kitang kita nito na napangiwi si Elaine sa sakit nang hawakan ni Theo ang braso nito. Napakunot ang noo ni Lanz sa kanyang nakita ngunit hindi na ito gumawa pa ng eksena.

"Uhm, ladies and gentlemen, let's continue the celebration! Maestro, music please!", muntik pang mabulunan ang punong abala nang sinubukan nitong tanggalin ang tensyon sa paligid. Pilit nitong magmukhang ganado pa din sa selebrasyon at umakto na parang walang naging aberya at problema. Tinapik na lang ito ni Lanz sa balikat.

"Mommy, please calm down", si Enrico muli ang nagsalita.

"How can I calm down? Your sister is with the enemy!", singhal naman ni Doña Beatrice.

"I know, like what I said, I will take care of it, okay?"

Napabuntong hininga si Doña Beatrice sabay tingin kay Enrico. "Okay, I will calm down now", sabi na lang nito. Hindi naglaon at dumating na ang sasakyan nila. Sumakay na sila Doña Beatrice at Enrico samantalang naghihintay pa din ng sasakyan sila Elaine at Theo.

"Where is that stupid driver?", may bahid na nang pagka inip kay Theo.

"He'll be here soon", sagot naman ni Elaine.

"I can't wait any longer. Stay here while I check what's going on", sabi ni Theo. Tumango naman si Elaine. Naglakad na ito palayo. Naiwan na nakatayo doon si Elaine.

Inayos ni Elaine ang suot nitong shawl. Hindi pa din ito makapaniwala sa mga nangyari kani kanina lang. Si Lanz pala ang nakabili ng kompanya ng kanyang Mommy. Si Lanz na mortal na kaaway ng kanyang pamilya. At kasama nito si Elise.

Ang mga hawak ni Lanz kay Elise, kung paano nito ito titigan at alalayan. Napapikit si Elaine. Biglang may kumirot sa kanyang puso. Naalala nya kung paano din sya inalagaan noon ni Lanz nung magkasintahan pa lamang sila. May bahid ng pagsisisi sa kalooban ni Elaine. Nagsimula na din mangilid ang kanyang mga luha.

"Elaine?", isang pamilyar na boses ang narinig ni Elaine sa kanyang gawing likuran. Tumalikod ito upang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon