Part 54 Nang Malunod si Elise

49 1 0
                                    

"Eliseee!", sigaw ni Lanz. Dali dali itong lumangoy patungo sa kinaroroonan ni Elise.

Nakadapa ito, sa may maliit na pampang na may mga malalaking bato. Nang un ay marating ni Lanz, agad nyang tinignan si Elise. Itinihaya nya ito sabay tapik sa kanyang pisngi.

Wala itong malay. May sugat sya sa may kaliwang noo na noon ay nagdurugo pa din. Tinapik muli ni Lanz si Elise. Bakas sa mukha ni Lanz ang matinding pag aalala.

"Elise.. Elise.. Elise..", sunud sunod ba banggit ni Lanz ng pangalan ni Elise. Hindi pa din ito gumigising.

Hinugasan ni Lanz ang noo ni Elise para matanggal ang dugo at buhangin na nakadikit dito. Medyo may kalaliman ang sugat ni Elise, panigurado na mangangailangan un ng mga tahi. Napatingin si Lanz sa paligid.

Hindi sila puwedenh manatili dun ng matagal dahil lulubog ang pampang kung saan sila naroroon kapag nag high tide na sa hapon. Muling tinapik ni Lanz ang pisngi ni Elise. Wala pa din. Kailangan nyang ilangoy si Elise palabas ng kweba at ilangoy pang muli papuntang pampang.

Pumunit si Lanz ng kapiraso mula sa tshirt na suot nya at itinali nya un sa may ulunan ni Elise para maampat ang pagdurugo ng sugat. Maya pa ay lumusong na si Lanz. Akay akay nya si Elise. Panaka naka na nalubog ang ulo ni Elise sa tubig ngunit mabilis naman syang naiaahon ni Lanz.

Narating na nila ang bukana ng kweba. Naaninag ni Lanz ang grupo ba noon ay mga nasa pampang na. Sinubukan nyang kumaway.

"Sana makita nila ang pagkaway ko. Mahirap sumigaw dahil pareho na kaming lumulubog ni Elise", halos pabulong na na sabi ni Lanz. Iniangat pa ni Lanz ang ulo ni Elise para hindi ito lumubog.

Hindi pa sila halos nangangalahati nang makaramdam na ng pagkahapo si Lanz. Medyo bumabagal na din ang paglangoy nito. Pilit pa din syang kumakaway. Medyo naaaninag nya na parang may nakakita na sa kanila ni Elise subalit talagang wala na syang lakas para magpatuloy pa.

'Eto na ata ang katapusan namin ni Elise', sumagi sa isip ni Lanz habang tuluyan na silang lumubog ni Elise.

Hindi naglaon ng may biglang humawak kay Lanz sabay hila dito pataas. Ramdam ni Lanz na nasa bingit na sya ng kamatayan kapag tumagal pa sya sa ilalim ng tubig. Inalalayan syang makasakay ng bangka.

"Pre! Lanz!", eto na lang ang huling narinig ni Lanz at tuluyan na itong nawalan ng malay.

Dinig na dinig ni Lanz ang tunog ng intercom. "Paging Dr. Ruiz, please proceed to the Operating Room", sabi ng babae sa intercom.

Operating Room?

Biglang napamulat si Lanz sabay bangon. "Operating Room?!", bulalas ni Lanz. Tinignan nya ang mga swero na nakakabit sa kanya pati na ang mga aparato na andun. Sinalat nya ang kanyang damit. Doon nya napagtanto na nasa ospital sya.

"Lanz! Gising ka na pala!", si Amanda na kadarating lang at nagmamadali na patungo kay Lanz. "Kamusta na ang pakiramdam mo?", tanong nito.

Biglang may naalala si Lanz. "S—Si Elise? Nasaan si Elise?", tanong nito kay Amanda.

Biglang nagbago ang awra sa mukha ni Amanda. Naramdaman ni Lanz ang tensyon sa paligid nang banggitin nya ang pangalan ni Elise. Hinawakan ni Lanz ang mga kamay ni Amanda sabay titig sa kanya. Noon din ay nagbagong muli ang awra ni Amanda. Tumingin din ito kay Lanz.

"Nasaan si Elise, Amanda?", tanong muli ni Lanz.

"Andun sya sa kabilang kwarto", sagot ni Amanda.

Dali daling tumayo si Lanz. Napakapit sya kay Amanda nang bigla itong mahilo.

"Lanz! Hindi ka pa okay! Kailangan mo muna magpahinga!", buong pag aalala na sabi ni Amanda.

"Kailangan kong makita si Elise".

"Lanz, okay si Elise okay?! Kailangan mong magpahinga!".

"Amanda, dalhin mo ako sa kanya. Nakikiusap ako sa'yo".

Kitang kita sa mukha ni Lanz ang sobrang pag aalala. At naramdaman din un ni Amanda.

"S—Sige", sabi na lang nito. Inalalayan nito si Lanz sa paglalakad. Tinungo nila ung kabilang kwarto kung nasaan si Elise.

Nakaupo si Elise sa gilid ng kama. Kakatapos lang lagyan ng benda ng nurse ang kanyang ulo. Andun din si Sare at ang kanyang kasintahan.

"Lanz!", nakangiting bati ni Elise.

Si Lanz naman ay nagmadali na makalapit kay Elise. Bigla na lang nya itong niyakap. Nagsimula na din na mangilid ang kanyang mga luha.

"Elise, sobra akong nag alala sa'yo. May masakit ba sa'yo? Kumain ka na ba? Ano puwede kong gawin para mas gumaan ang pakiramdam mo?", sunud sunod ang tanong nito habang hawak hawak ang mukha ni Elise.

"Lanz, Lanz, huminahon ka. Okay lang ako", sagot naman ni Elise.

"Lanz, Elise, lalabas muna kami para bumili ng pagkain", sabi ni Sare.

"Sige, salamat Sare", sagot naman ni Lanz.

"Tara Amanda, sama ka sa amin", aya ni Sare. Ikinawit nito ang braso nya sa braso ni Amanda.

"Teka lang, hihintayin ko si Lanz", pagtutol ni Amanda.

"Huwag na. Kaya na ni Lanz ang sarili nya. Halika na", sabay hila kay Amanda ni Sare hanggang sa makalabas na silang tatlo ng kwarto ni Elise.

Sumenyas si Elise na umupo si Lanz sa tabi nya.

"Ano ba ang nangyari sa'yo?", tanong ni Lanz.

"Wala akong maalala Lanz. Ang huling natatandaan ko eh kasunod ko si Amanda na lumangoy. Tapos bigla na lang may parang pumukpok sa ulo ko tapos nawalan na ako ng malay", paliwanag ni Elise.

"May pumukpok? Anong ibig mong sabihin?"

"Naalala ko kasi na parang may pumukpok sa ulo ko. Mabigat tsaka masakit kasi. Basta hindi ko na maalala ung iba pang nangyari".

"Si Amanda ang nakasunod sa'yo na lumangoy?"

"Oo. Natatandaan ko na tinatawag pa nya ako. Lilingon na sana ako kaya lang ayun na nga, nawalan na ako ng malay".

"Sino ang tingin mo ang may gawa?"

"Hindi ko din alam Lanz eh. Hindi ko kasi nakita".

Biglang niyakap ni Lanz si Elise.

"L—Lanz? Okay ka lang ba?"

"Sobra akong nag alala sa'yo. Natakot ako Elise. Natakot akong mawala ka".

"Ha? Bakit naman? Ayaw mo nun wala ng makulit sa buhay mo".

"Hindi mo ako naiintindihan eh".

"Kung ganun, ipaintindi mo sakin Lanz", sabi ni Elise habang nakatitig kay Lanz.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon