Part 78 Ang Pag-Uusap ni Lanz at Elaine

44 1 0
                                    

Gustung gusto na ni Lanz na magsalita ngunit kahit anong pilit nya eh walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Para syang na-engkanto ng todo. Nakatitig lang sya kay Elaine na ngayon ay mas lumapit pa at nanatiling nakatayo sa harapan nya.

"Lanz? Naaalala mo pa ba ako?", payak na pagtatanong ni Elaine.

"E—Elaine?", sa wakas ay nahanap na ni Lanz ang kanyang mga salita.

Ngumiti naman si Elaine. Maya pa eh bigla na lang itong yumakap kay Lanz. Si Lanz naman ay nagulat sa ginawa ni Elaine.

Sumubsob ang mukha ni Elaine sa balikat ni Lanz. Ramdam ni Lanz ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Napatingin naman si Lanz kina Sare at sa kasintahan nito na noon ay pare-parehong naguguluhan sa mga pangyayari. Maya maya pa eh nakarinig na ng mga hikbi si Lanz. Napakunot ang kanyang noo. Bahagya nyang itinulak si Elaine palayo sa kanya.

"Elaine anong ginagawa mo?", malungkot na tanong ni Lanz.

Pinunasan naman ni Elaine ang kanyang mga luha. "Pasensya ka na Lanz. Sinadya talaga kitang puntahan dahil gusto ko na magkausap tayo tungkol sa mga nangyari dati. Alam ko na naghahanap ka ng mga sagot sa mga katanungan mo at andito ako para sagutin ang mga agam agam mo".

Bago pa nakasagot si Lanz ay si Sare naman na ang nagsalita. "Mawalang galang lang muna sa inyong dalawa, pero Lanz, papasok na muna kami sa loob ng bahay mo ha. Andun ba si Elise?", tanong nito.

Sabay na napatingin si Lanz at Elaine kay Sare. Hindi din nagtagal at nabaling kay Lanz ang tingin ni Elaine.

"Kasama mo dito si Elise?", may bahid ng kalungkutan ang tanong ni Elaine. Hindi kasi nito mawarian kung magiging masaya ba sya dahil natagpuan na nya ang kanyang kapatid o masasaktan sya dahil nakatira sa iisang bubong sila Lanz at Elise.

"Ha? Teka, Elaine, kilala mo ba si Elise?", pahabol na tanong ni Sare.

Napatungo si Elaine. "Kapatid ko si Elise".

Natahimik ang lahat. Nagkibit balikat na lang si Sare nang sikuhin sya ng kanyang kasintahan. Si Lanz na ang bumasag ng katahimikan.

"Halina muna kayo sa loob at nang matawag ko na din si Elise", aya ni Lanz.

Akmang tatalikod na sana si Lanz at papasok sa bahay nang hawakan ni Elaine ang kamay nito. Muli ay natigilan si Lanz.

"Lanz, kung mamarapatin mo sana, gusto kong makapag usap muna tayo na tayong dalawa lang", sabi ni Elaine. Mas pinisil pa nito ang kamay ni Lanz.

"Sare, nasa kusina si Elise at nagluluto. Pakisabi na lang na mag uusap lang muna kami ni Elaine. Susunod kami kaagad sa inyo", pakiusap ni Lanz. Tumango naman si Sare bago ito pumasok ng bahay habang higit higit ang kanyang kasintahan.

Itinuro ni Lanz ang gawi kung saan sila maglalakad ni Elaine. Tinahak nila ang daan hanggang sa makarating sila sa isang gazebo na kung saan ay matatanaw mo ang isang lawa. Sa gawing tagiliran nito ay may mga maliliit na bangka at may isa ding malaking motorboat na nakaparada naman sa pampang nito.

"Maganda itong lugar. Sa'yo ba ito Lanz?", tanong ni Elaine habang tanaw tanaw nya ang buong lawa.

Tumango naman si Lanz. "Oo Elaine".

"Kamusta ka na Lanz?"

"M—Mabuti naman".

"Alam ko na galit ka sakin Lanz. Gusto ko sana humingi ng kapatawaran sa mga nangyari dati. Sana ay mapatawad mo ako".

"Matagal na un. Kalimutan mo na un".

"Hindi ko maaaring makalimutan ng ganun ganun lang un Lanz".

"Anong ibig mong sabihin Elaine?"

Natigilan si Elaine. "Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko pa din ang mga naging desisyon ko dati. At kahit masakit, uulitin ko pa din ang mga un", nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Elaine.

"Elaine..", parang kinukurot ang puso ni Lanz sa kanyang mga nakikita. Ramdam nya ang bigat at sakit na nararamdaman ni Elaine. Pero hindi mawala sa isipan nya ang sinabi ni Elaine na uulitin pa din nito ang desisyon nya.

"Patawarin mo ako Lanz. Walang dapat sisihin sa mga nangyari kundi ako lamang".

Hindi na nakapagpigil pa si Lanz. Nabalot na ng galit ang kalooban nito. "Bakit mo ba kasi ako iniwan Elaine? Bakit hindi mo ako ipinaglaban? Ni hindi mo man lang ba ako inisip? Ang mararamdaman ko? Umalis ka ng walang paalam. Halos mabaliw ako ng sobra Elaine! Hinanap kita—", hindi na naituloy ni Lanz ang kanyang sasabihin. Hinyaan na lang nya ang kanyang sarili na umiyak na din.

Napakunot ang noo ni Elaine. "Lanz, anong sinasabi mo na hindi nagpaalam? May liham akong ginawa para sa'yo. Oo, aminado ako na hindi personal ang pagpapaalam ko dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na umalis kung makikita pa kita sa personal. Pero nagsulat ako ng isang liham para sa'yo".

"Elaine.. wala akong alam sa liham na sinasabi mo. Iniwan mo ako sa ere na mag isa. Muntik ko nang kitlin ang buhay ko dahil hindi ko kaya na mawala ka sakin Elaine".

Tumayo si Elaine mula sa kanyang pagkakaupo at umupo ito sa tabi ni Lanz. Iniangat nito ang mukha ni Lanz na noon ay nakayuko. Sinalat ng kamay ni Elaine ang pisngi ni Lanz sabay tanong ng, "Hindi mo ba nabasa ang liham na isinulat ko?"

"Hindi. Saan ka ba nagpunta Elaine? Hindi mo na ba ako mahal kaya ganun mo na lang ako iniwan dati?", tanong ni Lanz.

"Lanz, sa maniwala ka at sa hindi, sobrang bigat ng naging desisyon ko dati".

"Ipaintindi mo sakin Elaine. Gusto kong maintindihan ang lahat lahat".

Napatitig si Elaine kay Lanz. Kitang kita nito sa mga mata ni Lanz ang sakit na naramdaman nito nang umalis sya dati. Kung maaari lang na ibalik ang nakaraan upang mabago nya ang naging desisyon nya, gagawin nya. Pero muling nabalot ng takot si Elaine nang maalala nya kung paano pagbantaan ng Mommy at Kuya Enrico nya si Lanz. Noon din ay napagtanto nya na masakit man, ay hindi pa din magbabago ang desisyon nya.

"Elaine.. nagmamakaawa ako sa'yo. Gusto kong malaman ang lahat lahat. Please Elaine, please..", ito na lang ang nasabi ni Lanz habang humihikbi ito.

Noon din ay napayakap si Elaine kay Lanz. Sabay nilang nilunod ang kanilang mga sarili sa bawat patak ng kanilang mga luha.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon