Part 93 Ang Poot ni Enrico

36 2 0
                                    

"Elise!", sigaw ni Elaine nang makita niya ito.

"Tangina naman, Elise!", bulong na sabi ni Lanz. Sinenyasan nito ang kanyang mga bodyguards na palibutan ang mansyon. Ibinigay din nito ang hudyat na kung mayroon na klarong pagkakataon ay tatapusin nila si Enrico.

"Magaling, magaling, Elise", pumapalakpak na sabi ni Enrico. Lumapit ito dito sabay sabunot sa buhok nito. "Hindi ka talaga nag iisip! Pero mabuti iyan dahil pabor sakin ang katangahan mo!"

"Ah, Kuya! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!", sigaw ni Elise. Sinikmuraan naman ito ni Enrico sabay tulak dito papunta kay Elaine.

"Elise..", naiiyak na sabi ni Elaine nang magkatabi na silang dalawa. Walang magawa si Elaine dahil nakagapos ito.

"A—Ate.. totoo ba na kapatid ni Kuya si Lanz?", tanong nito. Nakahawak ito sa kanyang tiyan na noon ay napurunan ni Enrico.

"Oo, Elise. Sa unang asawa ni Mommy", sagot ni Elaine.

"Hindi ko sinabi na mag usap kayong dalawa!", sigaw ni Enrico sabay pinaghiwalay nito sila Elaine at Elise. Isang sampal na naman ang natamo ni Elaine.

"Ateee!", sigaw naman ni Elise.

Iginapos naman ng mga tauhan ni Enrico ang noon ay nagpupumiglas na si Elise. Samantalang habang pinapalibutan ng mga bodyguards ni Lanz ang mansyon ay inililigpit din nilang isa isa ang mga tauhan ni Enrico hanggang sa ang mga nasa sala na lamang ang natitira.

"Laaanz..", muling tawag ni Enrico. "Hindi ka ba lalabas diyan sa lungga mo? O, baka naman gusto mong dumanak muna ng dugo dito sa sala mo?", pagbabanta nito.

Pinag iisipan muna ni Lanz ang kanyang gagawin. Hindi pa din ito makapaniwala na kapatid niya si Enrico. Simple lang ang mga gusto ni Lanz ngayon, maging maayos na ang lahat at maging ligtas ang kanyang mga mahal sa buhay, lalung lalo na si Elise.

"Sinusubukan mong talaga ang aking pasensya, Lanz", sabi ni Enrico. Noon din ay may naisip itong gawin.

Lumapit ito kay Elise at itinayo niya ito sa pamamagitan ng buhok ni Elise. Napapikit si Elise sa sakit pero hindi siya makasigaw dahil nakatakip na din ang kanyang bibig.

"Alam kong nakikita at nadidinig mo ako, Lanz. Matigas din pala ang ulo mo. Ayaw mo talagang lumabas? Puwes, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa", huling sabi nito sabay kalabit ng baril.

Bang!

"Arrgghh!", impit na sigaw ni Elise. Napalupasay na lang ito sa sahig. Hindi nito mahawakan ang pinanggaglingan ng sakit dahil nakagapos ang kanyang dalawang kamay.

"Kuya! Itigil mo na iyan! Tama na! Tama na, please!", si Elaine naman ay naghihisterikal na sa kanyang mga nakikita. Sinadya ni Enrico na hindi takpan ang bibig nito upang makapagsalita pa din ito. Si Elise naman ay umiiyak na sa sakit. Hindi naman ito makasigaw dahil sa nakatakip sa bibig nito.

"Laaa—", hindi na natapos pa ni Enrico ang kanyang sasabihin nang nakita na niya mismo si Lanz sa kanyang harapan. Napatawa na lang ito. "Mabuti naman at nagpakita ka na, Lanz. Masyado kang pa-importante", sabi ni Enrico. Kinasa na naman nito ang kanyang tangan na baril.

"Hindi ako nagpapa-importante, Enrico. Nakikiusap ako ng maayos na itigil mo na ang mga ginagawa mo", napatingin ito kay Elise na noon ay patuloy ang pag iyak. Kitang kita ni Lanz ang tama ng bala ng baril sa hita ni Elise. Nagtiim ang kanyang mga bagang. Napupuno na ng galit ang kanyang puso subalit kailangan din niyang pag isipan ang susunod niyang galaw.

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?!", sigaw ni Enrico. Puno ng poot ang tono ng boses nito.

"Ano ba ang gusto mo?", pinagtitiyagaan ni Lanz na kausapin si Enrico para makagalaw ang kanyang mga bodyguards. Parang ang nais ni Lanz ay ituon ni Enrico ang kanyang atensyon sa kanya.

"Ang pera mo, Lanz. Ang negosyo ng Daddy na binili mo at ang pamilya ko na inagaw mo!", puno ng sumbat ang mga sinasabi ni Enrico.

"Enrico, nasa iyo na ang lahat! Bakit ganyan ka pa din mag isip? Lumaki ako na walang wala ako. Ikaw mayroon kang mga magulang, mga kapatid, mala-palasyong tahanan, kaliwa't kanan na negosyo, sandamakmak na pera. Wala ako ng mga iyan", paliwanag ni Lanz. Sa bawat paliwanag ni Lanz ay taimtim itong nananalangin na sana ay pakinggan siya ni Enrico.

"Pero ikaw ang mas mahal nilang lahat! Ikaw ang mas pinili nilang lahat!", galit na sabi ni Enrico.

"Hindi totoo iyan, Enrico!", panaka naka ang tingin ni Lanz kay Elise. Walang dugong dumadaloy sa sahig kaya't alam ni Lanz na nasa loob pa ng binti ni Elise ang bala. Batid din nito na nawalan na ito ng malay tao.

"Totoo ang lahat ng sinasabi ko!", sigaw muli ni Enrico. Sa bawat pagsigaw nito ay iginagalaw din nito ang kanyang kamay na may hawak na baril. Si Sare ay umiiyak na sa takot.

"Enrico, namatay ang Nanay ko na hindi nito nasabi sakin kung sino ang totoo kong Ama. Namatay ang Ama natin ng hindi ko man lang siya nakilala. Minahal ko si Elaine ng totoo at buong buo, pero pinili pa din niya ang pamilya ninyo. Mas pinili pa din niya na layuan ako", malungkot na sabi ni Lanz. Si Elaine naman ay nagsimula ng maiyak sa mga sinasabi ni Lanz.

Natigilan si Enrico. "Tama lang sa'yo ang mga dinanas mo. Sa totoo lang ay kulang pa iyan sa lahat ng kamalasan na iyong dala", sabi ni Enrico sabay umubo ito na may kasamang dugo.

"Itigil na natin ito, Enrico. Kailangan mo at ni Elise ng medikal na atensyon. Pag usapan na lamang natin ito ng maayos", mahinahon na sabi ni Lanz.

Tumawa ng malakas si Enrico. "Maayos? Maaayos lamang ito kung mamamatay ka!", sabi ni Enrico sabay tutok kay Lanz ng baril nito. Napaderetso naman sa pagkakatayo si Lanz. Napalunok na lang ito dahil isang maling galaw nito ay hindi magdadalawang isip si Enrico na tapusin siya.

"Huwag!", sigaw ni Elaine. "Kuya, please!", muli ay pakiusap ni Elaine. Sinusubukan nitong makawala sa kanyang pagkakagapos.

"Manood ka, Elaine kung paano ko tapusin ang bastardong ito!", muling sigaw ni Enrico.

Bang!

"Noo! Kuyaaa!", umalingawngaw ang mga sigaw ni Elaine.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon