Part 23 Nang Magkasakit si Elise

60 3 0
                                    

Habang nakatingin ako sa kumukulo na malagkit na bigas sa harap ko, bigla kong naalala ung kalagayan ni Elise. Naulanan kasi sya kanina tapos naligo pa sa ilog at muli ay naulanan sya paguwi namin. Kahit pa nakapayong sya ay hindi maiiwasan na nabigla siguro ang kanyang katawan. Mahamog din kasi kanina.

'Hindi sya katulad mo Lanz na laking probinsya', paulit ulit na sumasagi sa isip ko.

Hinalo ko ung kumukulong malagkit na bigas. Inihalo ko na din ung ginisa kong manok sa madaming luya saka ko tinakpan ung kaldero at hininaan ung apoy. Nagpakulo na din ako ng tubig. Naghiwa din ako ng ilang prutas. Hindi ko alam kung nakokonsensya ba ako or naaawa kay Elise sa mga nangyayari sa kanya. Iniisip ko tuloy na kasalanan ko kasi ang lahat ng ito.

Inayos ko sa isang tray ung naluto kong arroz caldo. Inayos ko din dun sa tray ung tubig tsaka mga hiniwa kong prutas. Bitbit ko naman sa isang kamay ko ung maliit na basin na may mainit na tubig, alcohol at bimpo. Nasa bulsa ko naman ung Paracetamol. Pumanhik na ako sa kwarto. Ipinatong ko sa maliit na table lahat ng dala ko. Nakabaluktot pa din si Elise. Banayad ko syang inugang muli.

"Elise, gising ka muna. Nagluto ako ng arroz caldo para mainitan ka at ang sikmura mo", mahinahon kong sabi.

Tumagilid naman si Elise paharap sakin sabay upo. Inalalayan ko sya dahil kitang kita ko na hinang hina sya. Sobrang lamlam ng mga mata nya. Kinabig din nya ung kumot para takpan pa ang sarili nya. Kinuha ko ung bowl ng arroz caldo. Hinalo halo ko sabay ihip dito para lumamig ng konti. Nakatingin lang si Elise sakin. Napapikit ito.

"Mmm. Ang bango naman nyan", mahinang sabi nya.

"Shh. Wag ka na munang magsalita para hindi maubos lalo ang lakas mo".

Akma ko syang susubuan nang tumanggi sya.

"A—Ako na Lanz. I can manage..", tugon nya.

"Please Elise, wag ka na makipagtalo sakin. Ako na ang magsusubo sa'yo nito okay? Please?", pakiusap ko. Tumango naman sya.

At un na nga sinubuan ko sya. Itinuturo pa nya ung luya sakin na parang gusto din nya itong kainin. Uminom din sya ng tubig sa pagitan ng pagsubo ko. Kinuha ko ung Paracetamol sa bulsa ko sabay tanggal nito sa foil pack at abot kay Elise. Ininom naman nya ito. Patuloy ko pa din syang sinubuan. Kinakain din nya ung prutas na hiniwa ko kanina.

Salamat naman at kahit papano ay may gana naman itong kumain. Habang nakain sya ay nilalagyan ko ng bimpo ung noo nya, hinawakan naman nya ito para hindi ito mahulog. Medyo nag aalangan din akong banggitin ung nangyari sa ilog kanina. Pero, kailangan ko kasing linawin ang mga bagay bagay sa pagitan naming dalawa.

"Elise.. tungkol pala sa nangyari kanina..", panimula ko. Biglang natigilan si Elise. Hindi naman ito nagprotesta kaya itinuloy ko na lang ung mga sinasabi ko. Huminga ako ng malalim.

"Sana ay maintindihan mo na wala akong masamang intensyon sa'yo. Wala talaga akong balak na kidnapin at dalhin ka dito sa probinsya namin. Nais ko din malaman mo na habang andito ka sa akin ay makakaasa ka na aalagaan at poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya", tahimik lang si Elise na nakikinig sakin. Wala itong ni isang sinabi o reaksyon man lang.

"Madami lang din sana akong gustong itanong sa'yo tungkol sa kapatid mo.. tungkol kay Elaine. Kaya pasensya ka na kung ito lang ang paraan na meron ako sa ngayon. Ung tungkol pala sa nangyari kanina sa ilog.. hindi ko un sinasadya kaya humihingi na din ako ng dispensa mula sa'yo—", hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Sa wakas ay nagsalita na at sumagot na si Elise sakin.

"Stop! Enough Lanz.. please..", un na lang ang mga nasabi nya sakin. Muli itong humiga sabay talikod muli sakin. Ayoko na syang mas lalo pang magalit sakin kaya hinayaan ko na lang sya. Inilabas ko na ung tray at ipinatong ko un sa hapag kainan. Napatukod din ako sa lamesa.

"Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkakaganito? Si Elise un eh, kapatid un ng babaeng pinakamamahal mo Lanz. Hindi dapat ganito ang mararamdaman mo. Malamang ay masyado ka lang nangungulila kay Elaine kaya ka nagkakaganyan. Mas mabuti pa ata na isoli mo na lang si Elise sa pamilya nya nang matigil na itong ganitong pakiramdam mo", paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Kumain na din ako at nagligpit. Mas lalo lang lumakas ang pag ulan. Parang meron ngang bagyo. Malamig ang simoy ng hangin. Kahit ako ay giniginaw din. Hindi pa ako natulog. Inorasan ko kasi ung pag inom ng gamot ni Elise. Dumating na ang oras ng pag inom nito ng gamot, pumanhik akong muli sa kwarto dala dala ang Paracetamol at tubig at ung maliit na basin na may maligamgam na tubig, alcohol at bimpo.

Dinatnan ko si Elise na parehong posisyon na iniwan ko sya kanina. Habang papalapit ako sa kanya, kitang kita ko na nanginginig ito ng sobra. Mas lalo pa akong nag alala. Naupo ako sa gilid ng kama at dahan dahan ko syang inuga upang gisingin.

"Elise..", wala itong sagot kundi isang mahinang ungol.

"Elise, okay ka lang ba?", dito ko na napagtanto na nauga ang kanyang mga balikat na para ba syang umiiyak.

"Elise.. may dala akong gamot at tubig dito. Halina at inumin mo na ito", umungol na lang itong muli sabay kumpas ng kamay nya na para bang sinasabi na sya na ang bahala at iwanan ko na sya. Ayoko na din na makipagtalo pa sa kanya kaya hinayaan ko na lang sya. Lumabas na ako ng kwarto.

Maghahating gabi na subalit hindi pa din ako makatulog. Sobrang lakas na ng ulan at may kasama na din itong hangin. Mas lalo lang ding lumamig ang panahon. Pinuntahan kong muli si Elise para icheck sya bago ako matulog. Andun pa din ung gamot mula kanina. Tsk, pasaway na bata.

Pagkalapit ko sa kanya, dahan dahan ko syang iniharap sakin. Grabeng pulang pula ng mga pisngi nya. Sinalat kong muli ang noo nya. Shit! Sobrang init nito. Inuga ko syang muli.

"Elise.. Elise..", umungol lamang ito. Kitang kita ko ang panginginig ng katawan nya. Senyales na sobrang taas ng lagnat nya.

"It's cold..", mahinang sabi nya. Kinuha ko ung kumot at ibinalot ko sya dito. Sobra pa din ang panginginig ng buong katawan nya. Pati ngipin nya nagkikiskisan na sa chills na nararamdaman nya.

"Ang lamig Lanz.. please don't leave me..", pabulong nyang sabi. Shit! Sobra na akong nag aalala sa babaeng ito.

Nakasara ang mga bintana pero sobra pa din ang lamig dito sa loob ng kwarto. Ako nga na walang lagnat ay giniginaw na, eh ano pa kaya itong si Elise na mataas ang lagnat. May bigla akong naisip. Natutunan ko ito sa training namin dati sa military. Wala ka ng ibang choice Lanz. Nadedeliryo na itong si Elise sa sobrang taas ng lagnat nya. Kailangan mong magdesisyon ng mabilis.

Fuck this!

Nagsimula na akong maghubad.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon