Part 27 Muntik Masunog ang Bahay

62 2 0
                                    

"G—Good morning din sa'yo Elise. Kamusta na ang pakiramdam mo? Kanina ka pa ba gising? Kanina ka pa ba andyan? Nagugutom ka ba?", tinanong ko si Elise.

"Lanz.. isa isang tanong lang puwede?", sagot naman nya sakin.

"Oo naman. Mukhang maganda ang gising ng senyorita ah", patuksong sabi ko sa kanya.

"Senyorita ka dyan. Lanz puwede ba na huwag mo akong simulan ngayon", hinila nito ang isang upuan sabay naupo din ito. Magkasalikop din ang mga kamay nito.

"Nga pala Elise, aalis ako ngayon. May aasikasuhin lang ako sa kabilang bayan. Babalik ako bago mag tanghalian. Huwag kang tatakas ha", nakatitig na sabi ko kay Elise.

"Bakit ka ba nagpapaalam sakin? At tsaka paano naman ako makakatakas dito eh sobrang liblib ng lugar mo. Tapos dadalhin mo pa ang sasakyan so ano? Lalakarin ko ang dulo ng walang hanggan?!", nakasimangot na ito sakin.

Hindi ko maipaliwanag pero mas naging kampante ako na sinisinghalan na naman ako ng babaeng ito. Napangiti na lang ako kasi bumalik na ang aking mataray na dragona. Ibig sabihin ay magaling na sya mula sa pagkakaroon nya ng lagnat kagabi.

Nag gayak na ako at sumakay na ako sa truck ko. Nakatanaw si Elise sa may pintuan. Mukha namang hindi ito tatakas. Ayoko sana syang iwan na mag isa pero kailangan ko kasing gawin ito. Tinignan ko syang muli bago ako tuluyang nagmaneho. Sinusulyapan ko pa din si Elise sa rear view mirror ko hanggang sa hindi ko na sya matanaw.

"Nakakainis naman itong si Lanz. Ngayon pa talaga nya ako iniwan na mag isa dito sa bahay. Ano naman ang gagawin ko dito?", naiinis na sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko ung orasan. Alas nuebe na pala ng umaga. Sabi naman ng mokong na un ay babalik sya bago mag tanghalian. Inikot ko na lang ang buong bahay ni Lanz. Masinop pala sya sa mga gamit nya. Maayos din ang pagkakasalansan ng mga ito. Kokonti lang ang gamit ng bahay nya pero malinis at maayos ito. In fairness naman sa mokong na un.

Maya maya pa eh may kumatok sa pintuan. Ang aga namang nakabalik nitong si Lanz. Or baka may nakalimutan lang sya kaya bumalik sya? Naglakad ako papunta sa may pintuan sabay pihit ko nito para mabuksan ito. Bumungad sakin ang isang babae. May bitbit itong isang mangkok ng ulam.

"Sino ka?", tanong sakin ng babae sabay may pagtaas pa ito ng isang kilay nya. Aba aba don't me ng pagtaas ng kilay. Huminga na lang ako ng malalim. Chill Elise. Huwag basta pumatol sa mga ganitong babae. Hindi lang nito ako tinaasan ng kilay kundi tinignan din ako nito mula ulo hanggang talampakan ko. Naku, naku ka. Konti na lang at iiral na ang pagka maldita ko. Don't me stranger, don't me.

"Malayong kamag anak ako ni Lanz", sabi ko na lang.

"Wala akong kilalang malayong kamag anak nya", buong pagtatakang sabi pa nito.

"Kaya nga malayong kamag anak eh diba", pabulong kong sabi.

"Ha? May sinasabi ka?", tanong ng babaeng walang balakang.

"Ah wala. Sabi ko ano ang sadya mo kay Lanz? Wala kasi sya dito. Nangibang bayan sya".

"Ah ganun ba? Dito ka din ba nakatira? Magkasama ba kayo ni Lanz dito?".

Ngumiti ako sa kanya ng pagkaganda ganda. Medyo napa atras sya ng konti. Mabuti yan. Matakot at makuha ka sa mga tingin at mga ngiti ko.

"Uhm, sige aalis na ako. Kung puwede sana eh pakibigay na lang nito kay Lanz", sabay abot nya sakin ng mangkok.

"Ano ito?", tanong ko naman.

"Gatang tilapya. Paborito yan ni Lanz. Pakisabi na lang din na galing kay Amanda".

So ikaw pala si Amanda. Ikaw pala si malanding hipon. Nakita na din kita ng malapitan. Maganda din sya. Pero medyo payat. Walang balakang.

"Sige sasabihin ko sa kanya". Akmang tatalikod na sya nang nagtanong syang muli sakin.

"Ano nga ba pangalan mo?".

"Ako? Uhm, Eloisa. Pero puwede mo akong tawagin na Ellie na lang", pagsisinungaling ko.

"Ako pala si Amanda. Kababata ako ni Lanz. Nice meeting you Eloisa/Ellie. Sige alis na ako", tumalikod na ito sabay sakay sa sasakyan nya at harurot paalis.

Isinara ko ung pintuan at nagtungo ako sa hapag kainan. Ipinatong ko sa lamesa ung ulam na dala ni Amanda.

"Gatang tilapya? Nung isang araw gatang hipon. Tapos ngayon gatang tilapya naman. Gata na naman? Walang humpay at walang kasawaan sa gata. Ano ba ang balak ng babaeng ito? Gusto ata nitong atakihin si Lanz dahil sa puro na lang gata ang alam lutuin", may halong inis na bulong ko sa sarili ko.

Mas lalo tuloy akong nainis sa sitwasyon namin ni Lanz. Mas lalo lang pati akong naiirita at parang sasabog na din ang nararamdaman ko. Tinitigan ko ung tilapya na lumulutang sa gata na nasa harapan ko ngayon.

"Akala siguro ng malanding hipon na un na walang balakang (napatawa na lang ako) na hindi ako marunong magluto", sabi ko sa sarili ko. Tinungo ko ung freezer. Ayos, may tilapya din na andun. Kinuha ko un at ibinabad ko sa tubig para madefrost ito.

Nang madefrost na ito ay nag init na ako ng mantika sa kawali. Maya maya pa eh nagsimula ng umasò ung kawali. Shit! Medyo nagpanic ako ng konti kaya naman inihagis kong bigla ung tilapya sa kawali. Alam mo ung parang may firecrackers na natunog at naputok. Tumatalsik pati ung napakainit na mantika. Shit! It's now everywhere!

Hinawakan ko ung takip sa kaliwang kamay ko at sabay hawak ko naman ng sandok sa kanang kamay ko. Hindi ako papatalo sa tilapyang ito. Binaligtad ko ung tilapya. Kulay itim na ito. Uhm. Medyo nagkalasog lasog din ito nung binaligtad ko. Huli ko ng narealize na puwede ko palang patayin muna ung kalan bago ko sana sinubukang baligtarin ung tilapya. Wala na akong magagawa. Eto na un eh.

Itinabi ko ung piniritong tilapya ko sa gatang tilapya ng malanding hipon na walang balakang na un. Alam mo ung parehong nakatingin sakin ung mata nung dalawang tilapya. Ung isa sarap na sarap magswimming sa gata. Ung sakin naman eh, well, you can call it "toasted" kumbaga. Parang piniritong balat ng baboy, mala chicharon na ito. Wag na lang sana mapansin ni Lanz ung kulay.

Maya maya pa eh may dumating na na sasakyan. Sinipat ko sa bintana kung sino ang dumating. Truck na pala ni Lanz. Andito na sya. Tama sya. Bumalik sya bago mag tanghalian. Dali dali akong bumalik sa may hapag para muling tignan ung niluto ko. Sana magustuhan ito ni Lanz. Pero dahil gusto kong maging sorpresa din ito kay Lanz, tinakpan ko muna ito ng isa pang plato. Nagpatuloy na ako sa paghain.

"Elise! Anong nangyari sa bahay?!", dinig na dinig kong sigaw ni Lanz.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon