Part 32 Ang Unang Sayaw

56 2 0
                                    

Maglalakad na sana papunta sa gawi ng mga babae si Elise nang lumingon itong muli sakin sabay sabi ng—

"Lanz, nagugutom ako. May pagkain ba dito?"

Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya papasok dun sa kabilang bahagi ng solàr o bulwagan. Nanlaki ang mga mata ni Elise sa mga nakikita nya. Meron kasi dun na isang mahabang lamesa na puno ng sari saring pagkain.

"Wow! Are these all food for the people to eat?! Ilan ba ang bisita dito?", manghang tanong ni Elise.

"Halos buong bayan. Sabi ko naman sa'yo maliit lang ang bayan namin. Halos magkakakilala ang mga tao", nagsasalita pa ako pero nagsimula na si Elise na kumuha ng plato at pagkain. Natawa na lang ako. Gutom na gutom na siguro. Ang cute nya. Pakiwari ko eh parang gusto nyang subukan lahat ng pagkain. Kumuha na din ako ng plato at nilagyan ko na din un ng pagkain. Umupo kaming dalawa dun sa may hapag.

"Ano kinuha mo?", tanong ko kay Elise.

"Uhm, I think this is steamed cabbage na merong nakalagay na gulay sa ibabaw? I also got chopsuey and this one", sabay turo nya sa plato nya. "Mukhang masarap kasi", dagdag pa nya.

"Ah, masarap talaga yan. Kalamay tawag dyan. Delicacy yan dito". Nagsimula na akong kumain. Inihaw na liempo at kanin naman ang kinuha ko. Kumuha na din ako ng beer. Binigyan ko naman ng juice si Elise.

"Thank you", sabi nito sabay subo ng malaki. Nakakatuwa syang pagmasdan na kumain. Tama nga ako. Gutom na gutom na ito. Naubos nya ung inilagay nya sa plato nya. Nang matapos kaming kumain, naghugas kami ng mga kamay namin at nagsipilyo na din ng aming mga ngipin.

"I can't believe nagdala ka ng toothbrush and toothpaste dito", sabi ni Elise.

"Ganun talaga dito. Kesa naman umuwi pa tayo", sagot ko naman. Pumasok na kami sa bulwagan at naglakad na si Elise at naupo dun sa gawi ng mga babae.

Panaka naka kong tinatanaw si Elise. Tahimik itong nakaupo dun sa isang upuan sa gawi ng mga babae. May ilan ilan ding mga babae na nakaupo din dun. Patingin tingin din si Elise sa paligid nya. Siguro ay naninibago talaga sya sa mga nakikita nya. Nanatili lang din akong nakaupo dito naman sa gawi ng mga lalaki.

Maya maya pa eh nagsimula ng magpatugtog ng musika. May ilan din na mga bisita na nagsimula ng magsipagsayaw. Tinatanaw ko pa din si Elise. Nakaupo pa din ito. Aba, behaved ata ang dragona. Busog na kasi. Natawa na naman ako. Habang nakaupo ako ay naririnig ko ang mga usapan ng mga kalalakihan na nasa likuran ko.

"Sino kaya un? Ala eh bang gandang babae", sabi nung isang lalaki. Alam kong si Elise ang tinutukoy nito dahil si Elise lang ang kakaiba sa mga babaeng andun. Paano ba naman kasi, kakaiba ang suot, sya lang halos ang may kolorete sa mukha, at (hindi ko alam paano nagawa ni Elise) sya lang din ang nag ayos ng buhok nya, kinulot nya ito.

Bilib din ako dito kay Elise. Biruin mo, nakaisip pa itong mag ayos kahit limitado ang mga gamit nya. At, aaminin ko, maganda ang kinalabasan nito. Sadya na din sigurong maganda si Elise. Natural na ganda kumbaga. Nagbabalak akong lapitan sya para ayain syang sumayaw pero nagdadalawang isip din ako. Baka kasi wala itong hilig sa pagsayaw at tanggihan ako.

Ilang saglit pa at may lumapit kay Elise. Halos humaba na ang leeg ko sa pagsipat kay Elise. Marahil ay inaaya ng lalaki na makipagsayaw si Elise sa kanya. Kitang kita ko naman na umiling si Elise. Hay salamat at tumanggi ito ng kusa. Akala ko naman ay okay na ng biglang meron na namang lumapit sa kanya. Tsk. Nagsisimula na akong mainis.

Sinasabi ko na nga ba eh. Dahil si Elise lang ang kakaiba, takaw tingin sya sa mga andun, lalo na sa mga kalalakihan. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa kanya? Maputi, makinis, maganda, pansinin talaga sya kung tutuusin. Mukhang tinanggihan din ni Elise ung sumunod na nag aya sa kanya. Napatawa na lang ako.

"Tama nga, ganyan nga Elise. Tanggihan mo silang lahat", pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Tatayo na sana ako para ako na mismo ang mag aya kay Elise na sumayaw nang may lumapit na naman sa kanya. Ano ba naman itong mga taong ito?! Wala na ba talaga silang maisayaw na iba kaya si Elise na lang ang laging pinupuntirya nila? Nagpipigil lang ako pero sa loob loob ko eh naiinis na talaga ako.

Maling desisyon ata na inaya ko si Elise na sumama dito sa pasilungan. Naging lapitin sya tuloy. Mabuti na lang at tumatanggi din itong si Elise sa kanila. Marunong din pala itong tumanggi. O baka hindi din nito tipo ang mga nag aaya sa kanya. Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang tipo nitong si Elise? Sa tingin ko kasi eh may pagka pihikan din ito.

Napatingin si Elise sakin. Nagtama ang aming mga mata. Napalunok na lang ako at naglakas ng loob na akong lapitan sya at ayain na sumayaw. Laking gulat ko ng pumayag ito sakin. Medyo maharot ang tugtog pero nakikisakay naman itong si Elise sa pagsayaw. Malambot din pala ang katawan nito, marunong kumendeng kumbaga. Nakakatuwa syang pagmasdan. Ilang saglit pa eh nagbago na ang tugtugin. Sweet na ang pinatugtog ng DJ. Ung ibang babae eh nagsibalik na sa kanilang kinauupuan.

Akma na sanang babalik na din si Elise nang pinigilan ko sya. Napatingin sya sakin. Dahan dahan kong inilagay ang dalawang kamay nya sa batok ko at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa magkabilang bewang nya. Sumunod lang sya sakin, hindi nya ako sinungitan o pinigilan man lang. Muling nagtama ang mga paningin namin. Ramdam kong pumunta sa buong mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Malamang hanggang mga tenga ko ay pulang pula na din. Sa hiya o kilig eh hindi ko na din alam.

Ang ganda ng tugtog, Ikaw ang Lahat sa Akin. Bersyon ito ni Martin Nievera. Dahil malapit na sakin si Elise, nasisilayan kong maigi ang mukha nya. Para syang manika. Sadyang maamo ang mga tingin nya. Un bang parang masasaktan ka kapag nabahiran ng mga luha ang mga mata nya. Sana wag ng matapos ang kanta. Parang gusto ko itong pwesto naming dalawa sa ngayun. Naramdaman kong mas humigpit pa ang kapit ni Elise sakin. Bigla din bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman ko ngayun? Parang ang dami kong gustong gawin. Ang daming sumasagi sa isip ko na gustong gusto kong gawin kay Elise habang ganito ang pwesto namin. 'Anu ka ba Lanz? Bakit ka natutuliro?', tanong ko sa isip ko. Napakunot na lang ako ng noo. Medyo tumingala si Elise. Napalunok na lang ako.

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Elise.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon