Part 63 Si Maya at Carmen

42 1 0
                                    

Dali dali na tinungo ng isang bruskong lalaki ang kinaroroonan ni Enrico at ng mga tauhan nito. Kasalukuyang may diskusyon na nagaganap sa lanai ng bahay tungkol sa negosyo na noon ay naging pangunahing stock holder si Enrico.

Iniabot ng bruskong lalaki ang telepono kay Enrico sabay may ibinulong ito sa tenga nito. Napatingin na lang dito si Enrico. Walang emosyon sa mukha nito nang abutin nito ang telepono. Noon din ay pumasok sa lanai si Manang Flor, ang mayordoma ng mansyon. Kasama nito si Maya, isa sa mga bagong selbidora at pamangkin din ni Manang Flor. May dala silang meryenda na noon ay inihain ni Maya sa lamesa.

Sinenyasan ni Manang Flor si Maya na bumalik na sa loob ng mansyon nang matapos na itong maghain. Inayos naman ni Manang Flor ang mga pagkain na nakahain. Habang andun sya ay naririnig nya ang usapan ni Enrico at ng kausap nito sa kabilang linya.

"At sino ka para paniwalaan ko?", seryosong sabi ni Enrico. Nanatili itong tahimik habang nakikinig sa kabilang linya ng telepono. Sumenyas ito sa isang tauhan nya para ikuha sya ng papel at panulat. Noon din ay may isinulat si Enrico sa papel. Pasimple naman na dumaan sa gawing likuran ni Enrico si Manang Flor at nabasa nito ang isinulat ni Enrico.

Amanda Santillan
Pagbilao, Quezon

"Nakakasiguro ka ba na si Elise ang nakita mo?", tanong muli ni Enrico. Isang mahabang katahimikan muli. Noon din ay dumiretso si Manang Flor sa gawi ng mga halaman na nasa loob ng lanai. Pinapakinggan pa din nya ang usapan nila Enrico at ng nasa kabilang linya habang tinatanggalan nya ng tuyong dahon ang mga halaman.

Pagkababa ng telepono ay nagsindi ng sigarilyo si Enrico. Magkasalubong ang kilay nito at mukhang may malalim na iniisip. Tinignan nito ang papel na kanyang sinulatan.

Tinawag din nya ang ilang tauhan nya at parang binigyan nya ang mga ito ng direksyon. Hindi na ito narinig pa ni Manang Flor kahit pa pahabain pa nito ang kanyang leeg, dahil medyo lumayo sa lanai sila Enrico.

"Ante.."

"Hay nako nga namang bata ito! Aba'y papatayin mo ako sa kaba!", gulat na sabi ni Manang Flor. Napahawak din ito sa braso ni Maya.

"Pasensya na po Ante. Napansin ko po kasi na hindi kayo mapakali. May problema po ba?", tanong ni Maya.

"Mukhang alam na ni Enrico kung nasaan si Elise".

"Ano ho?!", sigaw ni Maya.

"Shhh! Ano ka ba? Manahimik ka nga dyan!", saway ni Manang Flor. Hinila din nito si Maya pabalik sa loob ng mansyon.

"Ano na ho ang gagawin natin?", tanong ni Maya.

"Nasa Amerika si Ma'am Beatrice kaya si Enrico lang at ang kanyang mga tauhan ang paniguradong kikilos dito. Kailangan maunahan natin sila sa kinaroroonan ni Elise", paliwanag ni Manang Flor.

"Paano ho natin un gagawin?", tanong muli ni Maya.

"Dadayo ako ng Pagbilao. Bukas na bukas din", sagot ni Manang Flor.

"Saan ikaw pupunta Manang Flor?", tanong ni Carmen, isa din sa mga selbidora ng mansyon. Kakapasok lang nito sa kusina.

Nagulat naman sila Manang Flor at Maya kay Carmen. Nagkatinginan na lang silang dalawa.

"Ah, wala Carmen. Uuwi sana muna ako sa probinsya namin. Nagkaproblema kasi sa aming lupa eh kelangan ako dun ng mga kapatid ko", paliwanag ni Manang Flor.

Tumaas ang kilay ni Carmen sabay irap kina Manang Flor at Maya. "Magretiro ka na kaya Manang Flor? Tumatanda ka na masyado para sa trabaho mo dito. Sakin mo na lang ibigay ang posisyon mo bilang mayordoma dito".

"Carmen, malakas pa ako at kaya ko pa ang trabaho ko".

"Oo nga Carmen. Tigilan mo ang Ante", pag sang ayon ni Maya.

"Ako ang tigilan mo Maya! Hindi ikaw ang kinakausap ko! Kayong dalawa isusumbong ko kayo kay Enrico!", pagbabanta ni Carmen.

"Enrico?! Asan ang senyorito?!", puno ng pagtataka na tanong ni Maya. Si Manang Flor naman ay natigilan din.

"Isa pa Maya namumuro ka na sakin! Bahala na nga kayo dyan!", huling sabi ni Carmen sabay talikod at lakad palayo.

"Ante, sasampulan ko na ung si Carmen! Sumosobra na sya!", naiinis na sabi ni Maya.

"O, maghunus dili ka nga dyan! Masyado kang matapang eh!", saway muli ni Manang Flor.

"Ni hindi nga un natulong sa mga gawain dito sa mansyon. Palibhasa parang may relasyon ata sila ni senyorito Enrico".

"Maya!"

"Eehh Ante, halatang halata naman. Ako kaya ang magsumbong sa gelpren ng senyorito? Ng may kalagyan ang atribidang un", pagdadabog ni Maya.

"Magtigil ka nga dyan Maya. Wala tayong pakialam sa buhay nila. Basta ikaw na muna ang bahala dito sa mansyon habang wala ako".

"Ante, delikado ho itong gusto nyung gawin. Hindi ho ba kayo natatakot kay senyorito?"

"Alam kong delikado. Pero alam mo naman na napamahal na sa atin ang pamilyang ito. Malaki ang utang na loob ng ating pamilya sa kanila. Iba kasi ang kutob ko kung bakit umalis ng mansyon si Elise. Ramdam kong konektado kay Elaine", sabi na lang ni Manang Flor.

Napatingin na lang si Maya kay Manang Flor. Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
__________

"Lanz! Oohhmm..", sigaw ni Elise. Nanginginig na ang mga hita nito.

Nanatili pa din na nakasubsob ang pagkababae ni Elise sa mukha ni Lanz. Si Lanz naman ay mas humigpit pa ang pagkapit sa magkabilang hita ni Elise. Patuloy pa din ang pagdila at pagsipsip nito sa tinggil ni Elise na noon ay sobrang tigas na. Ramdam na ni Lanz na malapit nang labasan si Elise.

Ipinasok ni Lanz ang kanyang kanang hintuturo at gitnang daliri sa basang basa ng butas ni Elise at mas lalo pa nya itong pinanggigilan na ilabas pasok. Si Elise naman ay napapasabunot na lang sa buhok ni Lanz.

"Lanz! Lanz! I'm cumming! Fuck!", sigaw ni Elise. "Arrgghh!".

Noon din ay naramdaman ni Lanz na dumadami na ang katas na lumalabas mula kay Elise. Ramdam din nito na nanghina ito ng todo. Lumuwag na ang pagkakakapit ni Lanz sa mga hita ni Elise at si Elise naman ay napahiga na lang ng patagilid sa sleeping bag.

Si Lanz naman ay yumakap sa gawing likuran ni Elise. Hinalikan din nito ang buhok ni Elise. Pareho nilang habol ang kanilang paghinga. Hindi naglaon ay humarap na si Elise kay Lanz. Nakatitig naman si Lanz kay Elise.

"Elise.."

"Hmm?"

"Masaya ka ba dito?"

Napatitig na din si Elise kay Lanz. "Oo naman. Bakit mo naitanong?"

"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi ng syudad?", malungkot na tanong ni Lanz.

"No Lanz! Why are you saying that?", nagsisimula nang maluha si Elise.

"Shh, huwag kang umiyak. Nagtatanong lang naman ako".

"Don't ask me that ever again Lanz, please".

"Sige, hindi na. Dito ka na lang sa piling ko. Kung okay lang sa'yo?", sabi ni Lanz.

"Yes Lanz. Okay un sakin", nakangiti na sagot ni Elise. Hindi naglaon ay nakatulog na silang dalawa na magkayakap.

Maya maya pa eh biglang nagising at napabangon si Elise.

"Elise? Bakit? Okay ka lang?", naalimpungatan na tanong ni Lanz.

"L—Lanz, nanaginip ako ng masama. Alam na ng Kuya kung nasaan ako", may bahid ng takot sa mukha ni Elise.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon