Part 60 "Mahal Kita Lanz"

64 1 0
                                    

"M—Mahal mo ako?", tanong ni Lanz.

"Oo Lanz. Hindi ko din maipaliwanag. Ang alam ko lang ay mahal na kita", mahinang sabi ni Elise. Nakasubsob pa din ito sa may leeg ni Lanz.

Ramdam naman ni Lanz na hinang hina si Elise. Hinimas nito ang buhok ni Elise sabay hagod ng kanyang kamay sa kabuuan ng likod nito.

"Hmm, nakakarelax naman yang ginagawa mo", sabi ni Elise.

"Shh.. sige lang. Pahinga ka lang", sabi naman ni Lanz sabay halik sa noo ni Elise.

"Lanz?", halos pabulong nang banggit ni Elise ng pangalan ni Lanz.

"Bakit Elise?"

Hindi ito sumagot. Tinignan ito ni Lanz. At nang mapagtanto ni Lanz na nakatulog na si Elise ay binuhat nya ito at dinala sa kwarto. Inihiga nya ito sa kama at sinuutan na din nya ito ng damit. Inayos din nya ang mga unan at kinumutan din nya si Elise. Hinalikan nya itong muli sa noo bago tuluyan na lumabas ng kwarto.

Lalabas na sana si Lanz sa terasa para manigarilyo nang masulyapan nya ang isang kahon sa itaas ng kabinet sa kusina. Naalala nya na inilipat pala nya ito mula sa kwarto dahil doon na nagsimula na matulog si Elise. Inabot ni Lanz ang kahon at lumabas na sya ng terasa. Naupo ito at ipinatong ang kahon sa lamesa.

Nakailang sandali pa bago nagkaroon ng lakas ng loob si Lanz na buksan ang kahon. Magmula nang mawala si Elaine, hindi na nya ito kailanman nabuksan pa. Iniangat nito ang takip nito. Inisa isa nyang inilabas ang mga nandon sa loob ng kahon.

Mga sulat ni Elaine sa kanya. Kinuha ni Lanz ang isang sulat sabay binasa nya ito—

Mahal kong Lanz,

Miss na kita sobra. Mamaya alam ko pagod ka sa trabaho. Pagkatapos ko dito sa school dadaan ako sa palengke para bumili ng iuulam natin tonight.

Basta, sorpresa na lang un.

PS. I love you Lanz.

Elaine

Isinara ni Lanz ang kababasa lang nya na sulat. Mahilig kasi si Elaine sa mga maiiksing mga sulat, mga sweet nothings kumbaga. Kinuha naman ni Lanz ang isa pang sulat at binasa nya ito—

Mahal kong Lanz,

Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. At gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Sana tayong dalawa na hanggang sa huli. Salamat kasi mahal mo ang isang katulad ko.

PS. May gusto akong posisyon na subukan mamaya. Hihihi. Kindat kindat, tsup.

I love you Lanz.

Elaine

Napangiti naman si Lanz sa kababasa lang nya na sulat. Bukod sa mga sweet nothings ay may pagkapalabiro din si Elaine. Bigla na lang nawala ang pagkakangiti ni Lanz nang kinuha nya ang isang mas maliit pa na kahon, isang kulay pula na karaniwang pinaglalagyan ng singsing.

Binuksan nya ito. May salamin sa loob ng maliit na kahon. Sadya siguro na ganito para makita (sana) ni Elaine ang kanyang reaskyon pagkatapos itong ibigay ni Lanz sa kanya. Kinuha ni Lanz ang singsing. Hindi nya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Ibinalik ni Lanz ang singsing sa lalagyan nito sabay pahid ng kanyang mga luha.

"Elaine..", impit na banggit nya ng pangalan ni Elaine. "Nasaan ka na ba? Sabi mo sakin dati kumapit sa relasyon natin at huwag bumitaw. Pero hanggang saan? Hanggang kelan? Hindi ko alam kung nasaan ka. Wala na akong balita sa'yo", bulong na sabi ni Lanz. Napapikit ito. Bigla syang nakarinig ng kaluskos mula sa may pintuan.

"Elise?", tawag ni Lanz.

Dali dali syang tumayo. Nasagi pa nya ang kahon at natapon sa sahig ang lahat ng laman nito. Hindi un alintana ni Lanz. Naabutan nya si Elise na noon ay papasok muli sa kwarto. Hinawakan nya ito kaagad sa braso.

"Elise.."

Tumigil sa paglalakad si Elise. Hinawakan naman ni Lanz ang balikat ni Elise at dahan dahan nya itong iniharap sa kanya. Pagharap ni Elise, nakatungo ito. Iniangat ni Lanz ang baba ni Elise at nagtama ang kanilang mga tingin. Parang kinukurot ang puso ni Lanz sa mga nakikita nya na mga pagluha ni Elise. Pinunasan nya ang mga luha ni Elise.

Si Elise naman ay napapikit na lang sabay hawak sa kamay ni Lanz. Tumingin itong muli kay Lanz.

"Lanz, pasensya ka na kung naistorbo kita. Hindi ko sinasadya", sabi ni Elise sa pagitan ng kanyang mga pagluha.

"Elise..", hinatak ni Lanz si Elise at niyakap nya ito nang mahigpit. "Ayoko na nakikita na umiiyak ka. At lalung lalo na na ayaw ko na baka ako ang dahilan", dagdag pa ni Lanz.

"Lanz..", humihikbi na sabi ni Elise.

"Elise, gusto ko sana na magpaliwanag".

"Wala naman dapat ipaliwanag Lanz. Wala naman kasi tayong pormal na relasyon".

"Elise, hindi naman sa ganun", natigilan din si Lanz sa sinabi ni Elise.

"Eh ano Lanz?", deretso naman na tanong ni Elise.

"H—Hindi ko din alam", tapat na sagot ni Lanz.

"That's what I thought. Again, pasensya na Lanz". Kumalas si Elise mula sa pagkakayakap kay Lanz sabay pasok sa kwarto.

Si Lanz naman ay natigilan na lang. Tama naman si Elise sa lahat ng sinabi nito. Pero litong lito na si Lanz. May katagalan na din ang paghahanap nya ng mga kasagutan sa mga tanong nya sa relasyon nila ni Elaine. Naguguluhan na sya dahil nagkakaroon na din sya ng pagtingin kay Elise.

Lumabas syang muli sa terasa upang ligpitin ang mga nahulog na laman ng kahon. Isa isang ibinalik ni Lanz ang mga un. Napakunot ang noo nya nang mapansin nya na may nawawala sa mga laman ng kahon. Hinanap nya un sa ilalim ng lamesa. Tinignan din nya ang palibot ng terasa.

"Saan na napunta un?", buong pagtataka na tanong ni Lanz sa kanyang sarili. Nagkibit balikat na lang sya. Kinuha na nya ang kahon at pumasok na sa loob nh bahay.

Samantala, sa hindi kalayuan, nakamasid lamang si Amanda. Bitbit nito ang mangkok ng ulam na ibibigay nya sana kay Lanz subalit hindi na nya ito naibigay. Sa kabilang kamay nya ay tangan naman nya ang isang litrato.

Litrato un ni Elaine at ni Elise. Magkatabi sila at maganda ang pagkakangiti nilang pareho. Pero hindi un ang nakakuha ng atensyon ni Amanda kundi ang mga suot na kwintas nila Elaine at Elise.

"Kung sinasabi mo na ikaw si Ellie, sino naman itong Elise?", bulong ni Amanda sa kanyang sarili.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Amanda nang maalala nya ang balita sa telebisyon ng nawawalang si Elise.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon