Part 81 Ang Pag Amin ni Lanz

41 2 0
                                    

"Elaine!", gulat na sabi ni Sare nang makita nito na nagmamadaling pumasok ng bahy si Elaine. Napatayo naman ang kasintahan nito. "Tapos na kayo mag usap ni—", hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin dahil nagpatuloy lang sa paglalakad si Elaine. Napakibit balikat na lang ang kanyang kasintahan.

"Ano kayang nangyari sa pag uusap nila?"

"Mukhang hindi naging maayos", napailing na sagot na lang ni Sare habang tinanaw na lamang nito si Elaine habang hinahanap nito sa buong bahay si Lanz.

"Elai—", isang malakas na sampal ang inabot ni Lanz nang magpang abot sila ni Elaine sa may veranda. Napahawak na lang si Lanz sa kanyang pisngi.

"How could you Lanz?! Bakit ang kapatid ko pa?!", galit na tanong ni Elaine.

"Elaine, I'm sorry. Hayaan mo naman ako na makapagpaliwanag", malungkot na sabi nito.

"Anong ipapaliwanag mo ha Lanz? Kung paano nyu ako pinagmukhang tanga ni Elise?", halos maiyak iyak na tanong ni Elaine.

"Please Elaine", nakiusap muli si Lanz. Dahan dahan itong lumapit kay Elaine. Hinawakan nito ang magkabilang balikat nito. Si Elaine naman ay hinayaan na lang si Lanz. Masama pa din ang loob nito sa mga nalaman nya.

"Sige Lanz. Ipaintindi mo sakin ang lahat", nakatitig na sabi ni Elaine.

"Halika dito at maupo ka muna", inalalayan ni Lanz si Elaine na makaupo sa isang silya na malapit sa kanila. Nang makaupo na si Elaine ay naupo na din si Lanz sa katapat na silya na andun.

"Lanz, ano ba kasi ang nangyari?", seryoso na tanong ni Elaine.

"Elaine, bigla kang nawala. Naiwan ako na madaming tanong sa aking isipan. At dahil galit sakin ang buong pamilya mo, wala akong maayos na mapagtanungan", malungkot na paliwanag ni Lanz. Nanatili naman na tahimik si Elaine.

"Hinanap kita Elaine. Halos isugal ko na pati ang buhay ko malaman ko lang kung nasaan ka. Sa ilang beses na nagkrus ang landas namin ng Kuya mo ay halos iwanan na nila akong naghihingalo sa bugbog", nagtiim na ang mga bagang ni Lanz nang maalala nya ang kanyang sinapit sa kamay ng Kuya nila Elaine.

"Kinausap ako ni Elise. Nakipagkita sya sakin. Pero wala syang ibinigay na liham na galing sa'yo. Ang bukod tanging sinabi lang nya ay umalis ka na ng bansa at hindi na muling babalik pa. At dapat na kalimutan na lang kita at mag move on na ako nang wala ka".

Ramdam ni Elaine ang hinanakit sa bawat salita na namumutawi sa bibig ni Lanz. Hindi din naman nya ito masisi nang husto dahil sitwasyon na at ang tadhana ang mismong gumawa ng paraan para mawala na nang tuluyan ang kung ano man ang meron silang dalawa.

"Hindi ako nakuntento Elaine. Sinundan ko at binantayan si Elise. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari".

"A—Anong hindi inaasahang pangyayari?", tanong ni Elaine.

"Pinilit ko sya na sabihin kung nasaan ka. Sa pagpilit ko ay parang nasakal ko sya at nawalan sya ng malay. Bigla na lang akong nataranta nun. Wala na akong ibang maisip ng mga panahon na un kundi ang isama si Elise dito sa Pagbilao. Na gagawin ko syang bihag hangga't hindi nya inaamin ang kinaroroonan mo. Itinago ko sya dito".

"Pero kahit andito sya, hindi pa din maalis ang pangungulila ko sa'yo Elaine. Walang araw na lumipas na hindi ka nasasagi sa isip ko. Halos araw araw kitang naaalala. Halos gabi gabi akong umiiyak. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang nagawa kong kasalanan? Minahal lang naman kita", malungkot na sabi ni Lanz.

Hinayaan naman ni Elaine na tumulo na lang ang kanyang mga luha habang pinapakinggan ang mga nangyari mula nang sya ay lumisan.

"Wala kaming ginawa ni Elise kundi ang mag away na parang aso't pusa dati. Mula umaga hanggang gabi, puro kami bangayan. Sa araw araw na magkasama kami, naiibsan ang pangungulila ko sa'yo. Mas lalo kong nakikilala si Elise. At unti unti, nakakalimutan na din kita", noon din ay tumulo na ang mga luha ni Lanz.

"Muntik na akong sumuko Elaine. Si Elise ang tumulong sakin para malagpasan ang dagok ng pagkawala mo".

"Lanz.."

"Isa lang ang pakiusap ko sa'yo Elaine", sabi ni Lanz. "Huwag ka sana magalit kay Elise. Wala syang inisip kundi ang mararamdaman at kapakanan mo. Alam kong mahal na mahal ka ng kapatid mo", dagdag pa nito.

"M—Mahal mo ba si Elise?", deretsong tanong ni Elaine. Parang pinipiga ang puso nya sa tanong.

Napatingin sa kanya si Lanz. "Oo. Sya na ang buhay ko ngayon Elaine", buong pagtatapat ni Lanz.

Napahawak si Elaine sa kanyang dibdib. Ang sakit sa kalooban na marinig ito mula kay Lanz. Pero wala na syang magagawa. Sya ang kusang loob na lumayo dati. Sya ang unang nang iwan.

"I understand Lanz", ito na lang ang nasabi ni Elaine. Lumapit si Lanz sa kanya at niyakap sya nito. Hinayaan ni Elaine na maramdaman nyang muli si Lanz. Humihikbi ito sa pagitan ng mga yakap ni Lanz.

"Sana, mapatawad mo kami ni Elise. At sana mapatawad mo din ang sarili mo", sabi pa ni Lanz habang mas humigpit pa ang yakap nito kay Elaine.

Sa may pintuan naman ay nanatiling nakatayo si Elise. Dinig na dinig nito ang lahat ng napag usapan nila Lanz at ng kanyang Ate Elaine. Nakatago ito kaya't hindi sya nakita ng dalawa. Sa bawat palitan ng mga salita ay parang kinukurot ang puso ni Elise. Mahal nya ang kanyang Ate Elaine. Pero mahal na din nya si Lanz. Hindi madali ang sitwasyon nya ngayon. Pareho silang dalawa na mahalaga sa kanya. Pinunasan ni Elise ang kanyang mga luha. Kung ano man ang maging desisyon ni Lanz ay tatanggapin nya.

Kung ang Ate Elaine pa din nya ang mahal ni Lanz, kahit mahirap sa kanyang kalooban, ay tatanggapin at rerespetuhin nya ang magiging desisyon ni Lanz. Magpapakalayo layo na lang siguro sya kapag nagkataon. Kahit masaktan sya sa proseso, sinabi na nya sa kanyang sarili na kakayanin nya ang kahit na ano, maging masaya lang si Lanz, kahit pa hindi na sa piling nya.

Huminga nang malalim si Elise. Ipinikit nito ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumayo na ito ng deretso. Hindi na ito nakasandal sa may pintuan. Tumalikod na ito.

Akmang maglalakad ng palayo si Elise nang maramdaman nyang may pumigil at humawak sa kanyang kamay.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon