Part 8 Pagbilao

82 2 0
                                    

"Elise.. Elise", muli ay tinapik ko ang mga pisngi nya, wala pa din syang reaksyon. Gumana ung sleep hold position ko sa kanya. Kaya heto at wala itong malay.

Natuto din kasi ako ng ilang galaw militar nung kolehiyo ako. Karaniwan ay mga defense mechanisms tsaka mga taktikal na paggamit ng mga sandata. Pero nang makilala ko si Elaine, hindi na ako tumuloy sa mga delikado na misyon dati. Hindi ko na ito tinanggap dahil mas gusto kong mabuhay pa ng matagal kasama si Elaine. Mula kasi din noon ay nagsimula na kaming mangarap ni Elaine para sa aming kinabukasan.

Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Ni hindi man lang kami nakapag paalam sa isa't isa ni Elaine. Puwede sana eh. Puwede sana kaming magusap pero nang dahil sa pasaway nitong kapatid, hindi namin nagawan ng paraan ni Elaine ang mga pangyayari.

Karaniwan kasi kapag may problema kaming dalawa, lagi naming pinaguusapan at pareho kaming magdedesisyon sa huli. Tinanggal ng pasaway na babaeng ito ang tsansa sana namin ni Elaine na magawan ng paraan itong sigalot na nangyayari sa aming mga buhay.

Binuhat ko si Elise at isinakay ko sya sa sasakyan ko. Inilagay ko din ang seatbelt nya. Para lang talaga syang natutulog. Sumakay na ako sa driver's seat. Inistart ko na ang sasakyan para na din mabuksan ko ung aircon nito. Sobrang init din kasi ng panahon ngayon. Tagaktak na din ang pawis ko. Sinipat kong muli si Elise. Pawisan din ito pero nasa bandang noo lamang nya. Naka makeup kasi ito kaya din siguro hindi gaanong pinapawisan.

Nagmaneho na ako. Bumalik muna ako sa unit ko. May kinuha pa akong mga ilang gamit na sya namang inilagay ko sa sasakyan ko. Nanatili pa din na tulog itong si Elise. Nakakabingi ang katahimikan. Tinignan kong muli ang unit ko. Ilang taon din na dito ako nanirahan. Ilang taon din na dito kami nagkikita ni Elaine. Napakaraming alaala ng unit na ito para sa akin, para sa aming dalawa. Dito para talaga kaming mag asawa. Dito kami nagkakaniig at nagiging isa.

Pero kailangan ko na itong lisanin. Malamang kapag natunugan na nawawala itong si Elise, itong unit ko ang unang pupuntahan ng pamilya nya. May mga kailangan pa akong itanong dito kay Elise. At hindi ko makukuha ang mga sagot na un kapag nakabuntot lang ako sa kanya. Kailangan pigain ko sya sa kahit ano pang paraan. May pagka pasaway pa naman ng babaeng ito kaya ito ay magiging pagsubok sa pasensya ko at katatagan.

Nagmaneho na akong muli. Binaybay ko ung daan mula Roxas Boulevard sa Maynila hanggang marating ko ang SLEX. Pinili ko din ang exit papuntang Santo Tomas City. Medyo pamilyar na kasi sa akin ang lugar kaya un ang pinili ko. Lowbatt na kasi ang cellphone ko kaya hindi ko magamit si Waze. Wala din naman navigation system itong simpleng sasakyan ko. Shit! Bigla kong naalala ang cellphone ni Elise! Tumigil muna ako sa may San Pablo City, nagpark ako sa isang convenience store/gas station. Habang nagpapa gas ako ay tinignan ko ang laman ng bag nitong si Elise.

Itinaktak ko ang bag nya sa likod na passenger side ng sasakyan ko. Sari saring pang makeup, pabango, wallet, susi, ballpen, sticky notes, maliit na coin purse, panyo. Teka, nasaan ang cellphone nitong babaeng ito? Tsk. Tangina baka naiwan dun sa building kung saan ko sya kinausap. Baka andun pa sa daan? Nalintikan na. Mababalewala lahat ng gagawin ko kapag nagkataon.

Tinignan ko ung wallet nya. May pera at ilang IDs din na andun. Tinignan ko ang kanyang driver's license. Elise Chantelle Ayala, 25 years old base sa birthdate nya. Dalawang taon lang pala ang tanda namin ni Elaine sa kanya. Kaya pala medyo close din silang magkapatid. May isang litrato din dun sa wallet. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Litrato ni Elise na kasama si Elaine, magkayakap sila, parang bagong taon itong kuha kasi may sumbrero sila na nakalagay na Happy New Year! Ang ganda ng ngiti ni Elaine ko.

"Elaine..", bulong ko sa sarili ko. Nangungulila ako sa kanya. Sorry Elaine pero kailangan ko itong gawin para maipaghiganti kita, tayong dalawa mula dito sa pamilya mo. Ibinalik kong muli ung mga gamit ni Elise sa bag nya.

Tinignan kong muli si Elise. Tulog pa din ito. May mga isang oras at mahigit pa ang byahe namin kung tutuusin. Gugutumin itong paniyak pagkagising nito. Tinitignan ko sya nang may mapansin akong nakaumbok sa bandang bulsa ng suot nyang palda. Kinapa ko un. Bigla syang gumalaw. Napabaling ang atensyon ko sa butones ng suot nyang puting long sleeves dahil nakabukas ito.

Kitang kita ko ang kwintas na suot nya na may pendant na EC, para sa Elise Chantelle na pangalan nya. Kapareho ito ng sa kapatid nya, ER naman ang nakalagay, Elaine Raquelle. Sakto din ung pendant sa may cleavage nya. Napalunok ako. Dahan dahan kong isinara ung butones ng damit nya. Napa ungol lang ito ng konti. Hindi naman sya nagising.

Muli kong kinapa ung nasa palda nya. Yes! Salamat! Ung cellphone nya ang nakuha ko. Shit! May passcode ito or face recognition. Hinawi ko ung buhok nya para mas makita pa ang mukha nya. Saka ko itinapat ung cellphone para sa face recognition. Yes na naman! Nabuksan ko ang cellphone nya. Kaya lang na battery empty. "Nooo!", bulong ko.

Tinignan kong muli ung bag nya, un namang mga bulsa bulsa ang tinignan ko. Hay salamat may charger itong babaeng ito. Isinaksak ko ung USB sa sasakyan at nagsimula ng magcharge ang cellphone ni Elise. Nag withdraw na din ako ng pera sa ATM na andun sa convenience store. Mas ibinaba ko ung baseball cap ko para maitago din ang mukha ko. Bumili din ako ng tubig at uminom akong muli ng pain killers ko.

Bumalik na kaming muli sa daan. Tinahak ko ang mahabang Daang Maharlika Highway hanggang sa marating ko ang South Manila Diversion Road. Wala ng atrasan ito Lanz. Para sa mga pangarap nyo ni Elaine. Para sa babaeng pinakamamahal mo.

Namiss ko ang lugar na ito. Dito ako lumaki at dito din ako unang nagka muang. Madaming masasayang alaala dito kaya naman bumili ako ng sarili kong lupa at nagpagawa din ako ng sarili kong bahay dito mismo sa lugar na ito. Hindi naman kalakihan pero maganda ang mga tanawin at napapaligiran ang bahay ko ng mga puno at halaman. Minsan sa isang buwan ay umuuwi din ako dito. May tagapangalaga ako pero iba pa din kapag ako ang nagme maintain ng sarili kong bahay.

May malapit din na ilog sa bahay ko. At ilang minuto lang ay mapupuntahan ko na din ang dagat. Napakatahimik ng lugar na ito. Dito ko sana dadalhin si Elaine kung sakali man na matuloy ang pagtatanan namin. Isa sana itong sorpresa para sa kanya. Sayang at hindi nya ito makikita kailanman.

Nagsisimula ng umihip ang hanging dagat. Ahh. Ang sarap sa pakiramdam. Malayung malayo sa syudad na puro polusyon. Senyales ito na malapit na kami. Maya maya pa ay narating na namin ang pinapangarap kong lugar para makapagsimula sana kami ni Elaine. Kitang kita ko ang malaking arko na nagsasabing "Welcome to Pagbilao".

Binasa ko din ung motto na andun "Bawal ang Tamad sa Quezon".

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon