Part 67 Ang Balak ni Elaine

35 2 0
                                    

"Elaine, bakit kailangan mo pang hanapin si Lanz? Hindi ba't baka lalo ka lang masaktan sa gagawin mo?"

"Nana, karapatan ni Lanz na malaman ang totoong nangyari sakin at sa amin. Sa lahat ng nangyari, eto lang ang tama sa paningin ko".

"Wala naman masama kung kakausapin mo sya. Pero nakailang buwan na din Elaine. Paano kung galit pala sya sa'yo? Paano ka na Elaine?"

"Nana, kung magalit man si Lanz, tatanggapin ko. May karapatan sya na magalit sa mga ginawa ko dati. Unfair para sa kanya ang naging desisyon ko. Kung maintindihan nya ako eh di salamat. Kung hindi naman, ako na lang ang iintindi sa kanya", malungkot ba sabi ni Elaine.

"Elaine, bakit mo ba sinasaktan ng ganyan ang sarili mo? Mahal mo pa ba si Lanz?"

Napatingin si Elaine kay Nana. "Hindi mawawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Lanz, Nana. At kahit magalit sya sakin ay okay lang. Basta maipaliwanag ko lang sa kanya ang sitwasyon dati. Panalangin ko na lang na sana ay mapatawad nya ako sa mga naging desisyon ko dati".

"Elaine, paano naman kung meron na syang ibang minamahal ngayon?"

Natigilan si Elaine. Ramdam nito ang kirot sa kanyang dibdib nang tanungin un ni Nana sa kanya. Batid nya na isa ung malaking posibilidad. Hindi mahirap mahalin si Lanz. Pero hindi naman obligado si Lanz na manatili sa relasyon nilang dalawa. Biglang nalungkot si Elaine.

"Wala naman po akong magagawa dun Nana. May sarili naman pong pag iisip si Lanz. Sya pa din po ang magdedesisyon kung sino ang mamahalin nya".

"Umaasa ka pa ba Elaine?"

Napatingin naman si Elaine sa kanyang suot na singsing. "Gustuhin ko man Nana, hindi na po puwede".

"Haay Elaine", buntong hininga ni Nana. Niyakap nito si Elaine.

"Nana..", banggit ni Elaine sa pangalan ni Nana habang nagsimula na din syang umiyak.

"Bakit hindi mo subukan na makipaghiwalay ng maayos kay Theo? Kung hindi ka masaya sa kanya, bakit ka nananatili sa piling nya?"

"Un po kasi ang kagustuhan ni Mommy. Ayoko naman po syang biguin. Ung kay Theo naman po, natatakot po ako na magsabi. Hindi pa din po kasi lubos ang tiwala ko na nagbago na sya. At kahit siguro sabihin kong ganun ang gusto ko, hindi din sya papayag. At magkakaroon lang kami muli ng hidwaan ni Mommy. Ayoko na pong mangyari ulit un", malungkot na sabi ni Elaine.

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo Elaine".

"Napakahirap po Nana".

"Hayaan mo, magiging okay din ang lahat. May awa ang Panginoon. Huwag ka lang bibitaw".

"Opo Nana. Salamat po sa lahat ng pag gabay nyu sakin".

"Elaine, naisip ko lang. Bakit hindi sa Mommy mo ikaw kaya magsabi? Baka sakali na maintindihan ka nya?"

"Hindi po ganun si Mommy. Sinubukan ko na pong mag rason sa kanya. Pero eto po ang kinahinatnan. Baka eto na po talaga ang kapalaran ko".

"Gaya nga ng sabi ko, may awa ang Panginoon Elaine. Manalig ka lang".

Napayakap na lang nang mas mahigpit si Elaine kay Nana habang nakapikit at nasa isipan nya si Lanz.
__________

"Manang Flor, mag iingat ho kayo pabalik ng Maynila", sabi ni Elise.

"Oo naman Elise. Masaya ako na nakita kita na nasa maayos na kalagayan. Pero nais ko pa din na sabihin sa'yo na umuwi ka na sana".

"Manang Flor.."

"Kahit ganun naman kasi ang Mommy mo at si Kuya mo, alam ko naman na mahal na mahal ka nila".

"H—Hindi ho ganun kadali un Manang Flor".

"Si Lanz ba ang dahilan Elise?"

Tumango na lang si Elise.

"Kung ganun, pag igihan mo ang pagtatago dito. Kung andito sa Pagbilao ang kaligayahan mo, ipaglaban mo. Suportado kita. At huwag kang mag alala, susubukan kong bisitahin ka dito kada buwan".

"Masyado hong delikado un Manang Flor. Ayoko din ho na mapahamak kayo".

"Hindi naman nila kontrolado ang mga galaw ko. Puwede ko naman sabihin na pupunta akong probinsya namin".

Yumakap si Elise kay Manang Flor. "Salamat ho Manang Flor. Magiging maayos din ho ang lahat. Pinapalamig ko lang ho ung sitwasyon".

"Mag iingat ka dito".

"Opo", sagot naman ni Elise.

Maya maya pa ay dumating na sila Sare at ang kanyang kasintahan. Sila ang maghahatid kay Manang Flor sa sakayan pabalik ng Maynila. Kinausap din sila ni Lanz bago sila umalis. Niyakap muli ni Elise si Manang Flor at tuluyan na itong umalis.

Yumakap din si Elise kay Lanz. Ramdam ni Lanz ang pangungulila ni Elise at ang pag iyak nito.

"Shh. Tahan na. Magiging okay din ang lahat. Sa ngayon kailangan mong pansamantalang pagdaanan ang mga ito. At dahil dun, mas magiging matatag ka".

"Ano na ang gagawin natin Lanz? Padating na sila Kuya".

"Mag empake ka. Aalis tayo mamayang gabi. Dun muna tayo sa isa ko pang bahay dito sa Pagbilao".

"Ha? Eh baka matunton pa din tayo dun Lanz?"

"Pribado ang lugar na un. Hindi pa gaanong tinitirhan ng mga tao. Nasa pinakadulo pati un ng Pagbilao. Hindi nila tayo makikita dun. At walang nakaka alam na meron pa akong isang bahay".

"Hindi naman sa pag aano Lanz pero paano na may isa ka pang bahay?"

Natigilan si Lanz. "Pinag ipunan ko un at ipinagawa kapag nagka pamilya na ako. Medyo mas malaki un kesa dito".

"Ganun ba? Mabuti nga un na walang nakakaalam ng lugar".

"Elise, may sasabihin sana ako".

"Ano un?"

"Ayoko sana na mapahamak ka. Alam ko kung paano ang kalakaran ng Kuya mo".

"Anong ibig mong sabihin Lanz?"

"Huwag mo sana masamain. Iniisip ko na payagan na kita na makabalik ng Maynila".

"Anong ibig mong sabihin?", medyo nagtaas ng bahagya ang boses ni Elise.

"Elise, huwag ka sana magalit sakin".

"Lanz, napag usapan na natin ito diba? Bakit ganyan na ang sinasabi mo ngayon? Sabagay, wala pala akong halaga sa'yo. Ni hindi mo nga masabi na mahal mo ako eh. Wala ba talaga Lanz? Wala ka ba talaga maramdaman sakin?", malungkot na mga tanong ni Elise.

"H—Hindi naman sa ganun Elise. Huwag mo sana pangunahan itong naiisip ko".

"Lanz.. puwede mo naman sabihin na hindi mo ako kayang mahalin eh. Sabihin mo na lang diba?", nagsimula nang umiyak si Elise.

"Elise, please huwag kang umiyak".

Pinahid ni Elise ang kanyang mga luha.

"Lanz, pag isipan mong mabuti. Kung yan talaga ang gusto mo, sige tatanggapin ko".

"Elise.."

"Lanz, gusto ko muna na mapag isa. I'm sorry".

Hindi na sumagot si Lanz. Pumasok na ng kwarto si Elise. Napahawak na lang sa kanyang ulo si Lanz.

'Ang tanga tanga mo Lanz. Bakit ganun ang sinabi mo kay Elise', sabi nito sa kanyang sarili.

Hinayaan na lang ni Lanz si Elise na makapag isa. Tinungo nito ang bodega at inayos ang mga kahon na andun. Kumuha din sya ng isang bag ay nilagyan nya un ng mga baril, bala at ilang rolyo ng pera.

"Kailangan makaalis na kami ni Elise dito sa lalong madaling panahon", sabi ni Lanz sa kanyang sarili. Tinungo nitong sunod ang kanyang truck at nagmadaling nagpunta sa bayan.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon