Part 17 Ang Pag Iigib

64 1 0
                                    

"Theo.. I'm sorry.. can I think about this first?", hinawakan ko ang mga kamay ni Theo habang sinabi ko ito. Nagtaka ito at napatingin na lang sakin. May bahid ng lungkot ang mga tingin nito.

"Elaine!", banggit ni Mommy ng pangalan ko.

"Excuse me, I'll just go to the bathroom", paalam ko sabay tayo at punta ng banyo.

Pagdating ko sa banyo, naghilamos ako agad. Parang ang init ng mukha ko. Sobrang pula ko na pala. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa inis. Nakasunod naman agad si Mommy sa likuran ko. Galit na naman ito sakin.

"Elaine! What were you thinking?!", sabi agad nito pagkapasok sa banyo.

"Mommy, I can't marry a person I don't love".

Pak!

"Estupida!", biglang sampal sakin ni Mommy. Hinila din nya ang buhok ko sabay hawak sa panga ko.

"Ma, please nasasaktan ako..", tumulo na ang mga luha ko.

"Wala akong pakialam kung masaktan ka! Itutuwid ko ang balikong landas na tinahak mo! At susundin mo lahat ng sasabihin ko sa'yo kung ayaw mong makita ang hinahanap mo!", pagbabanta sakin ni Mommy.

"Sinunod ko naman kayo ah! I went here para lumayo kay Lanz. What else do you want from me?!", sigaw ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Mas lalong hinila ni Mommy ang buhok ko.

"You will marry Theo whether you like it or not! Subukan mong suwayin ako, Lanz will pay the price", muling nagbanta si Mommy.

"Nooo!", un na lang nasabi ko. Mas lalong lumakas ang pag iyak ko. Binitawan na din ni Mommy ang buhok ko. Humarap ito sa salamin at nag ayos ng buhok nya at damit.

"That's what I thought. Now, you will go out and tell Theo you will marry him. Because if you don't, hindi na aabot ng isa pang bukas si Lanz sa mundong ito..", huling sabi nito sabay labas ng banyo.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Pero hindi ko matatanggap na mapahamak si Lanz. Kahit ako na lang ang magdusa, huwag lang sya. Hindi ko kakayanin lalo kung may mangyayari na hindi maganda sa kanya. Inayos ko ang sarili ko. Huminga din ako ng malalim.

"Lanz.. miss na miss na kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.. mahal na mahal kita Lanz..", pikit mata kong sabi. Isa pang hingang malalim at lumabas na din ako ng banyo.

__________

"Lanz..", bulong ko. Tulog pa din ito.

"Lanz..", sinabayan ko na ito ng uga sa kanya.

"Lanz! Ano ba?!", nilakasan ko na ang boses ko.

Bigla namang napabalikwas si Lanz. Pupungas pungas pa ito.

"E—Elise? Ano na naman ang kailangan mo? Ang aga aga nanggigising ka", iritang sabi nito.

"Kailangan kong maligo", sabi ko.

"Oh? Eh di maligo ka. Bakit mo pa ako ginising? Ahh, gusto mo bang paliguan kita?", bigla na lang itong ngumisi. Sakto ung tsinelas na ibinato ko sa may paanan nya.

"Duh! In your dreams Lanz!", inis na sabi ko.

"Eh ano ba ang kailangan mo?", inulit nitong muli ang tanong nya.

"Walang tubig sa mga drums", sabi ko na.

"Ha? Ganun ba? Teka lang", tumayo ito at nagpunta sa banyo. Sumunod naman ako sa gawing likuran nya.

"Elise, tatlo pang drums ang puno. Ano bang sinasabi mo na walang tubig sa drums?".

"Kulang yan. I need all four drums na puno".

"Ha? Ano ba balak mo? Magswimming?!"

"Kung puwede lang eh why not diba?!"

"Sapat na ang tatlong drum ng tubig Elise".

"Nope! It has to be four".

"Aanhin mo ang ganun kadaming tubig?"

"Grr. Dalawang drum para sa buhok ko at dalawang drum para sa katawan ko".

Tinaasan lang ako ng kilay ni Lanz.

"Ano ba? Apat na drum nga kailangan ko".

"Magsabi ka muna sakin ng maayos".

"Wtf! Hoy Lanz! Namimihasa ka na ha!".

"Ah, ganun ba. Sige babalik na ako sa pagtulog ko", akmang tatalikod na ito sakin.

"Teka lang! Wait! Sandali lang naman Lanz".

"Yesss?", parang nang aasar pa talaga ang mokong na ito. Nakakainis na sya talaga!

"Lanz..?", simula ko. Pigil na pigil ang inis ko.

"Yes Elise?", nakangiti nitong sabi.

"Kailangan ko ng isa pang drum ng tubig", sabay ngiti ko, un bang pilit na ngiti, ganun.

"Nakakatakot ang ngiti mo Elise. Nakakakilabot. Ulitin mo. Lagyan mo ng konting lambing. Dali na", sabi naman ni Lanz.

"Sumosobra ka na ha!", singhal ko sa kanya.

"Ayaw mo ata eh. Matutulog na lang akong muli", tumalikod na ito sakin.

"Fuck! Teka lang naman!"

"Lambingan mo ng konti Elise.."

Humarap muli sakin si Lanz. Lambingan ba ang gusto mo? Teka lang. Lumapit ako kay Lanz. Sobrang lapit na halos maramdaman na namin ang paghinga ng bawat isa. Hinawakan ko sya sa kwelyo ng damit nya.

"Lanz.. kailangan ko ng isa pang drum ng tubig. Puwede mo ba akong ipag igib?", sabi ko habang titig na titig sa kanya. I slightly parted my lips. Biglang bumilis ang paghinga ni Lanz.

"Please Lanz? Kailangan ko na kasi maligo", hinawi ko ung buhok ko sa isang side lamang. Kitang kita na nya ang leeg ko. Kinagat ko din ang labi ko.

"Tignan mo, pawis na pawis at init na init na ako oh..", kinuha ko ang kamay nya at inihaplos ko sa noo ko, pababa sa leeg ko. Parang tuod lang si Lanz na nakatayo sa harap ko. Bigla nyang binawi ang kamay nya. Nakatiim ang mga bagang nito.

"Ipagiigib kita Elise..", sabi nito sabay talikod sakin. Nagtaka ako. Sinipat ko sya hanggang sa makalabas sya ng bahay.

"Anong problema nun? Lambingan daw diba? Tapos nung nilambingan ko naman, mukha namang napikon ang mokong?", takang tanong ko sa sarili ko.

Sa labas ng bahay, habang nag iigib si Lanz sa may poso..

"Tangina naman Elise. Sabi ko lambingan mo, hindi ang landian mo. Pasalamat ka at hindi kita pinatulan dahil kapag nagkataon.. teka..", napatigil ako sa pagbomba ng poso.

"Bakit ba ako nagiisip ng ganun? Tangina Lanz, umayos ka nga. Kapatid sya ni Elaine. Si Elaine na pinakamamahal mo. Pasaway masyado yang si Elise. Tinutukso ka, kaya ikaw naman ay dapat wag pumatol", bulong ko sa sarili ko.

Pero hindi ko maalis sa isip ko ung mukha nya. Ung mga butil ng pawis sa noo nya, hanggang sa leeg nya, at hanggang sa may cleavage nya. Ung pagbukas ng mga labi nya, ung pagkagat nya sa labi nya. Ung hawak nya, ung hagod ng kamay nya. Ung mga titig nya..

Tangina.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon