Part 3 Si Elaine at si Elise

122 2 0
                                    

"Ate Elaine, hindi naman ata darating ung Lanz na un eh. Baka naman naghihintay lang tayo sa wala".

"Saglit na lang Elise. Alam kong darating sya. Never pa akong binigo ni Lanz", paliwanag ko kay Elise.

"Ate naman, kaya ka nga pinayagan ni Mommy eh ang alam nya eh babantayan kita ng husto. Ayokong magalit din si Mommy sa akin", nagsisimula ng magmaktol itong si Elise.

"Alam ko Elise. Huwag kang mag alala. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa'yo. Hintay pa tayo konti, okay? Darating si Lanz. Alam ko na darating sya", ganun ko kilalang kilala si Lanz. Hinding hindi nya ako bibiguin.

"Hay Ate kung hindi lang kita mahal. Pero, bilisan nyong magusap ha. Bilisan mo ang pakikipaghiwalay sa Lanz na un. Pati si Kuya kampante kanina kasi ako ang kasama mo".

"Alam ko na you're risking a lot here. Kelangan ko lang talaga makausap si Lanz. And, kung di dahil sa tulong mo, it'll be very impossible. Kaya salamat talaga Lexi", niyakap ko na si Elise. Yumakap din ito sa akin.

Dalawang taon lang ang tanda ko kay Elise. Parang best friend na nga ang turing namin sa isa't isa. Close din naman kame kay Kuya Enrico pero iba pa din ung closeness namin ng kapatid ko. Siguro, dahil na din sa pareho kaming babae.

Dito kami magkikita ni Lanz. Dito sa isang maliit na coffee shop. Maganda dito kasi halos kilala na namin lahat ng staff. Old school style kasi ang dekorasyon tska hindi kamahalan ang mga kape at pagkain kaya lagi kami nakatambay ni Lanz dito.

Medyo espesyal din itong coffee shop na ito kasi dito kami unang nagkita ni Lanz. Nag aaral ako nun for my final exams kaya medyo toxic na toxic na ako. Naalala ko pa na umupo ako sa isang sulok, umorder ako ng kape tska tinapay tska ako nag aral. Hindi ko namalayan na meron na palang nakatitig sa akin. Naka focus kasi ako sa laptop ko that time. Halos hindi ko nga napansin si Lanz dati.

Maya pa eh lumapit sya sa akin at nakipagkilala. May dala sya ulit na kape at tinapay. Alam nyo ung biglang nabaling atensyon ko sa kanya. Well, una kasi naamoy ko ung kapeng dala nya. Dun ko lang din napansin na ubos na pala ang kape ko na inorder ko kanina. Pangalawa, kasi sobrang gwapo nya sa paningin ko.

Napaka simple manamit ni Lanz pero grabe ang dating nya sa akin. At ganun din sa ibang babae. Meron syang aura na parang nakakaakit talaga. Simula nun ay naging close na kami. Hanggang sa nanligaw na sya sa akin at hanggang sa sinagot ko na sya. Mabait si Lanz. Laging kapakanan ko ang iniisip nya. Kaya din minahal ko sya ng todo.

Halos mabibilang mo lang ang pagkakataon na nag aaway kami. Well, medyo may pagkaseloso sya, pero mas nangingibabaw pa din ang pagmamahal namin sa isa't isa. Kaya din siguro kahit anu pa ang pagsubok na dumating sa amin ay nalalagpasan namin. Natigilan ako ng bigla ko syang matanaw. Kilala ko kasi ang kotse nya.

"Elise, dito ka muna ha. Nakita ko na si Lanz. Puntahan ko lang sya".

"Ate.. bilisan mo ha. Alam mo naman na ung sitwasyon natin diba?", sabi ni Elise. Tumango na lang ako.

Pumasok na ako sa coffee shop. Pagkakita sa akin ni Lanz eh yumakap na sya agad sa akin.

"Elaine.. kumusta? Bakit gusto mo—", biglang natigilan si Lanz. Hinawakan nya ang baba ko. Sinalat din nya ang labi ko. Napabalikwas ako ng konti. Napansin agad ni Lanz na may mali.

"Anong nangyari sa bibig mo? Sinong gumawa nyan?", kalmado pero naka tiim na ang mga bagang nya. Alam ko ng galit sya.

"Lanz, magusap na lang tayo please. Madami akong kailangan na sabihin sa'yo and limited lang ang oras ko".

"Anong ibig mong sabihin?", nagtatakang tanong ni Lanz. Kinapa kapa din nya ang labi ko. Napapikit na lang ako. Pigil na pigil din ang pag iyak ko. Ayokong maramdaman ni Lanz ang bigat ng kalooban ko.

"Lanz, nalaman na nila Mommy at Kuya ang relasyon natin. May nagsend kay Mommy ng litrato na magkayakap tayo at magkahalikan", hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako sa harap ni Lanz. Lumapit si Lanz sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit. Hinalikan din sya ako sa noo ko. Ang sarap nyang yumakap. Napapakalma nya ako kaagad. Pinunasan nya ang mga luha ko.

"Mahal na mahal kita Elaine. Ayoko na sinasaktan ka nila. Pamilya mo sila. Dapat sila ang unang tatanggap sa'yo at sa taong mahal mo", muli ay mas humigpit ang yakap ni Lanz sa akin.

"Lanz, hindi mo kasi naiintindihan. Si Mommy kapag nagalit ay halos itakwil na ako bilang anak. At si Kuya, madami syang puwedeng gawin at ipagawa na hindi kaaya aya. Natatakot ako Lanz. Natatakot ako sa mismong pamilya ko".

"Shh, shh. Tahan na. Huwag ka na umiyak. Gagawan natin ng paraan ang relasyon natin okay? Huwag ka ng mag alala. Kung kailangan kong mag adjust sa oras, gagawin ko para sa'yo Elaine".

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Lanz. Nasasaktan ako dahil hindi un ang ipinunta ko dito. Alam ko napakahirap ng desisyon ko pero kelangan ko kasi itong gawin.

"Lanz, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa", nagtaka ito at napakunot din ang noo nya.

"Anong ibig mong sabihin Elaine?"

"Lanz.. kailangan natin itigil ang relasyon natin", medyo garalgal pa ang boses ko.

"Elaine.. please..", hinawakan nya ang mga kamay ko. Titig na titig sya sa akin.

"Lanz.."

"Elaine.. paano na ang mga pangarap natin together? Paano na tayo? Ikaw ang gusto ko makasama habam buhay. Sa'yo ko gustong magka pamilya in the future. Paano na mga plano natin sa isa't isa Elaine? Paano na? Please Elaine, huwag mo naman gawin sa akin ito. Huwag mo itong gawin sa atin. Huwag kang bumitaw please, please..", nagsimula na din umiyak si Lanz.

Parang binibiyak ang puso ko sa gitna. Sobrang sakit ang makipaghiwalay sa taong may malaking parte na sa buhay ko. Umiyak na din ako ng todo. Niyakap nya akong muli. Hindi ko kayang mawala si Lanz sa buhay ko. Hindi ko kakayanin. Mas yumakap pa ako sa kanya. Mas humigpit din ang yakap nya sa akin. Sinabi pa sa akin ni Lanz na wala syang pakialam kung mapahamak sya. Ang hirap, sobrang hirap ng desisyon kong ito.

"Elaine.. mahal na mahal kita".

"I love you too Lanz. Sobra sobra din kitang mahal. Sana ay naiparamdam ko un sa'yo sa mga taon na tayong dalawa", wala ng patid ang pagluha ko.

Tahimik lang kami ni Elise sa kotse. Hindi na ako naiyak ng mga panahon na un. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Hinawakan ni Elise ang kamay ko.

"Ate.. it's for the best na nakipaghiwalay ka na sa Lanz na un. She's not going to do you any good Ate. Tama lang ang desisyon mo", paliwanag sa akin ni Elise. Tumitig ako sa kanya. Pinisil ko din ang kamay nya.

"Elise—".

"Yes Ate?"

"Magtatanan na kami ni Lanz".

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon