Part 49 Ang Pagrampa

57 1 0
                                    

"Lanz.."

"O, Ellie! Andyan ka na pala. Gusto mo na ba maligo?", gulat na tanong ni Lanz nang makita nya si Elise. Bigla din natigil ang harutan nila ni Amanda.

"Hi Ellie. Nakatulog ka pala habang nagbibilad sa araw. Parang nangitim ka ata tuloy?", sabi ni Amanda. Nanlaki ang mga mata ni Lanz habang nakatingin kay Amanda. Hindi ito makapaniwala na nasabi un ni Amanda.

Naningkit naman ang mga mata ni Elise sa inis. Pero huminga na lang ito nang malalim.

"Nagpapa tan talaga ako Amanda. Alam mo un? Masyado kasi akong maputi", pagtanggol naman ni Elise sa sarili nya.

"Oo nga. Napakaputi mo. Para tuloy anemic ka nang tignan", sabi pa ni Amanda.

"Excuse me? I'm not anemic noh", sagot naman ni Elise. Akmang lalapit pa sana ito kay Amanda nang pumagitna na kaagad si Lanz.

"Bakit hindi muna tayo kumain bago tayo maligo? Nagugutom na din ako", aya ni Lanz kina Elise and Amanda.

"Tamang tama Lanz, ihahain ko ung paborito mong pagkain", nakangiting sabi ni Amanda. "Mauna na ako dun para makapaghain na. Sumunod na lang kayo ni Ellie", dagdag pa nito bago tuluyang naglakad palayo.

"Anemic talaga? Pasalamat ang babaeng walang balakang na un at nakapagtimpi pa ako. Konti na lang hahambalusin ko na ang pagmumukha nya!", gigil na sabi ni Elise.

"Wuy, Elise Pacquiao, maghunus dili ka nga dyan. Walang kalaban laban si Amanda sa'yo. Tingin pa lang nakamamatay na", pabirong sabi ni Lanz.

Isang malakas na hampas sa balikat naman ang tinamo nito mula kay Elise. "Aguuyy!", na lang ang nasabi ni Lanz.

"Nang aasar ka bang talaga ha Lanz? At ikaw naman, gustung gusto mong hinaharot ung babaeng walang balakang!"

"Hala, ano bang sinasabi mo? Nagkakatuwaan lang kaming dalawa".

"Harutan kamo. Dinig na dinig ko mga malalakas na tawanan nyu".

"Wala un Elise. Sa'yong sa'yo lang ako".

"Anung sabi mo?"

"Wala. Sabi ko halika na at nagugutom na ako".

Hindi mawarian ni Elise kung ngingiti ba sya sa mga narinig nya o kung ano ang mararamdaman nya.

'Kilig ba un? Ano ba Elise?', tanong ni Elise sa isip nya.

Naglakad na sila patungo sa grupo ng mga bisita. Ipinakilala ni Lanz si Elise sa grupo. Lahat naman sila ay natutuwa kay Elise. Nakikipagkwentuhan din si Elise sa kanila. Bagay na ipinagtaka ni Lanz.

Hindi naman kasi mahilig makihalubilo itong si Elise. Pero ngayon, kusa itong nakikipagusap sa mga bisita. At nag eenjoy ito at hindi naiirita. Napangiti na lang si Lanz habang titig na titig kay Elise.

Nasa isang silong ang mga bisita. May isang pahabang lamesa na andun at ilang dahon ng saging. Doon sa mga dahon ng saging nakalagay ang mga pagkain. May inihaw na isda at karne. Mga gulay, prutas at mga sawsawan.

"Ellie, alam mo ba ang boodle fight?", tanong ni Sare kay Elise.

"Boodle fight? No, hindi ko alam un", sagot naman ni Elise.

"Dito tayo kakain. At walang kubyertos o pinggan. Magkakamay ka", sagot ni Amanda.

'Ibang klase din talaga ang babaeng walang balakang na ito eh. Hindi naman sya ang tinatanong pero andito sya at nakikisabat. Konti na lang talaga at bibinggo na sakin ito eh', sabi ni Elise sa isip nya.

Ngumiti na lang si Elise na para ba syang nang aasar. "Ganun ba Amanda? Nakakatuwa naman kapag ganun", sabi na lang ni Elise.

"O sya, kain na tayo!", pag aya naman ng may kaarawan. Binati sya ng mga bisita at nagsimula na din silang magsikain.

"Elise, okay ka lang ba?", pabulong na tanong ni Lanz.

"Yeah, I'm okay", sagot ni Elise habang pinagmamasdan ang grupo na kumain.

Ipinakita din ni Lanz kung ano ang gagawin. Sinubukan kumuha ni Elise ng kanin sabay isinubo nito sa kanyang bibig. Kumuha din sya ng inihaw na karne at kanin sabay subo muli.

"Aba, nagustuhan mo ba Elise?", tanong ni Lanz.

"Yeah. Masarap", sabi nito sabay subo muli. Napangiti na lang si Lanz sa mga nakikita nya. Ngumiti din si Elise sa kanya.

Tangina. Sobrang ganda nya kapag ngumiti. Bibihira kasing ngumiti si Elise. Pero sa pagkakataong ito, bigla syang ngumiti.

"Dapat lagi kang nangiti Elise", sabi ni Lanz.

"Bakit?"

"Lalo kang gumaganda", sagot ni Lanz habang nakatitig kay Elise.

Ramdam ni Elise ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Maya maya pa eh natapos na ang grupo na kumain. Ung iba ay nagkakantahan na at ung iba naman ay nagsasayawan na. Sila Amanda naman at ung iba ay nagsimula nang magligpit ng pinagkainan nila.

"Ellie, matagal ka na bang kasama ni Lanz sa bahay nya?", tanong ni Sare.

Natigilan si Elise. Medyo matagal na ba? Nawala na din sya sa pagbilang kung ilang araw na ba syang bihag ni Lanz.

"Hindi pa naman matagal. Bakit mo natanong?"

"Iba kasi ang mga ngiti ni Lanz. Kung hindi ako nagkakamali eh ikaw siguro ung gelpren na sinasabi nyang ipakikilala sa aming lahat. Pero hindi ko akalain na malayong kamag anak ka pala nya", sabi ni Sare.

'Gelpren? Si Ate Elaine ata ang tinutukoy ni Sare', sumagi sa isip ni Elise. Bakit hindi nya maiwasan na malungkot?

"Nga pala Ellie, sinabihan ako ni Lanz na kung puwede ay turuan kita na magluto at ilang gawaing bahay na din", sabi ni Sare.

"Loko itong si Lanz ah. Parang ipinagkalat pa na hindi ako marunong magluto".

"Naku Ellie wag ka mag alala. Akong bahala sa'yo. Tuturuan kita ng bonggang bongga", natutuwang sabi ni Sare.

"Mahal, tara ligo na tayo ulit. Hindi na gaanong maalon hindi katulad kanina", aya ng kasintahan ni Sare.

"Tara Ellie sabay ka na sa amin", aya naman ni Sare.

"Sige, sunod ako. Salamat", sagot ni Elise.

Maghahanda na sana si Elise nang marinig nya ang kantyawan dun sa may kinaroroonan ni Lanz. Para kasing nagmomodelo ung ilang babae bago sila sumuong sa dagat. Parang paseksihan ang banatan o pagandahan ata ng suot na bathing suit.

Napailing na lang si Elise. Wala na sana syang pakialam subalit nang si Amanda na ang nagpakita ng bathing suit nito, bigla na namang nairita si Elise. Lalu na nang makita nyang halos lumuwa na ang mga mata ni Lanz mula sa pagkakatitig.

One piece na kulay itim ang suot ni Amanda. Medyo balingkinitan ang pangangatawan nito. Tama lang ang bansag ni Elise na "babaeng walang balakang".

"Naku Lanz magkakuliti ka sana. Grr. Kainis", sabi ni Elise. "Ah ganyan pala ha, sige wait mo lang ako", dagdag pa ni Elise.

Tumayo na ito at naglakad papunta sa kinaroroonan nila Lanz. Kitang kita ni Elise na nabaling na kaagad ang tingin ni Lanz sa kanya. Tumuloy sa paglalakad si Elise. At habang naglalakad sya ay inilugay nya ang kanyang buhok.

At nang marating na ni Elise ang grupo, dahan dahan na tinanggal nito ang coverup na suot nya. Tumambad sa grupo ang noo'y naka bathing suit na na si Elise.

Two piece ang suot nito, kulay puti. Kitang kita ang hubog ng katawan nya. Mula sa malulusog na dibdib hanggang sa malaking pwet nito. Napangiti na lang si Elise. Kitang kita nya ang epekto kay Lanz ng kanyang ginawa. Tumayo si Lanz at sinundan nito si Elise.

Si Elise naman ay mas nagmadali pang sumuong sa dagat. Bago pa nya marating ang tubig ay may humila na sa kanyang kamay sabay kabig sa kanyang katawan.

Si Lanz. Tiim ang bagang at magkasalubong ang dalawang kilay.

Patay.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon