Part 91 Ang Pagsugod sa Mansyon

33 1 0
                                    

"Marco? Anak?"

"M—Ma? Ikaw ba iyan? Ahh!", biglang napahawak si Marco sa kanyang ulunan nang sinubukan nito ang bumangon.

"Anak, huwag mo munang pilitin ang bumangon. Mahinang mahina ka pa. Nagpapalakas pa lang ang iyong katawan".

"Ma, I'm sorry", sabi ni Marco nang mahimasmasan na ito sa mga pangyayari na naganap.

"B—Bakit ka nagso-sorry, Marco? Sila ang may atraso sa iyo. Mananagot sila na nagdulot nito sa iyo, anak".

"A—Anong ibig ninyong sabihin, Ma?", nag aalala na tanong ni Marco.

"Mananagot sila Lanz at Elise sa pamilya natin".

"M—Ma?! Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Alam na ng Papa mo kung nasaan sila. Hindi ba nila kilala kung sino ang kinanti nila? Sa dinami dami pa ng mga tao, ikaw pa na anak ng Mayor dito? Huwag kang mag alalala, anak. Ipaghihiganti ka ng iyong Papa".

Pinilit na umupo ni Marco sa kama. "Ma..", panimula nito. "Wala pong dapat sisihin sa mga nangyari sakin kundi ako din po", malungkot na pahayag ni Marco.

"Anak, ano ang ibig mong sabihin?", buong pagtataka na tanong ng Mama ni Enrico.

"Huwag po sana kayong magalit sakin, Ma", malungkot pa na sabi ni Marco.

"Anak, ano ba ang nangyayari? Nag aalala na ako sa'yo ng sobra".

"Ma, nung gabi na nangyari sakin ito, pinuntahan ko po si Elise sa bahay ni Lanz", panimula ni Marco. Taimtim naman na nakikinig ang Mama nito.

"Medyo nakainom na po ako nang nagpunta po ako doon. Hindi ko nga alam kung paano akong nakapagmaneho papunta sa kanila. Nang makita ko si Elise, nawala na ako sa wisyo. Lalo pa nang sinabihan niya ako na umuwi na lang ako kasi lasing na ako", may bahid ng kalungkutan sa boses ni Marco.

"Tinakot ko siya. Nasaktan ko din siya ng pisikal. Gumanti siya sakin, pero ramdam ko na talagang mas malakas ako sa kanya. Desidido ako noon na pagsamantalahan siya".

"Nakainom ako pero batid ko pa ang mga pangyayari. Namalayan ko na lang na dumating na si Lanz at ipinagtanggol niya si Elise mula sakin. Nabugbog niya ako. Pero hindi na ako gumanti dahil na din sa sobra na akong lasing noon. Hanggang sa wala na akong maalala. Paggising ko, andito na ako sa ospital, kasama kayo".

Naiyak naman ang Mama ni Marco. Lumapit ito at niyakap ang kanyang anak. "Huwag kang mag alala, anak. Gagawan natin ng paraan iyan", sabi ng Mama ni Marco.

"H—Ha? Ano ang ibig mong sabihin, Ma?", buong pagtatakang tanong ni Marco.

"Pinuntahan ng Papa mo at ng kanyang mga tauhan si Lanz sa bagong bahay nito. Ang narinig ko ay mananagot si Lanz sa mga nangyari sa'yo, anak. Sa paanong paraan ay hindi ko alam".

"Ano po?!", naghalo ang kaba at pangamba kay Marco. Alam nito ang ugali ng kanyang Papa. "Kailangan ko na sundan si Papa", sabi ni Marco habang sinusubukan nito ang tumayo.

"Marco! Mag hunus dili ka muna! Hindi ka pa lubusang malakas!", puno ng pag aalala na sabi ng Mama ni Marco.

Napaupo muli sa kama si Marco. Maya maya pa ay napahiga na ito ng unti unti. "Ma, pakiusap tawagan mo si Papa", buong pagsusumamo ni Marco bago ito nawalan ng malay.

"Elise.."

"Yes, Lanz?"

"Masaya ka ba dito?"

"Oo naman! Akala ko nga dati hindi ako pang probinsya pero tignan mo naman ngayon, sobrang kaya ko pala ang simpleng pamumuhay", nakangiti na sabi ni Elise.

"Masaya ako na masaya ka, Elise", sabi ni Lanz sabay hawi sa buhok ni Elise. Dinampian naman nito ng halik ang pisngi ni Elise.

Yumakap si Elise kay Lanz. "Salamat, Lanz ha. Sa pagpapasensya sakin, sa pang unawa mo, sa pag aalaga mo at sa pagmamahal mo. Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka ng matagal na panahon", sabi nito habang mas humigpit pa ang yakap nito kay Lanz.

"Ako din, Elise. Wala na akong hihilingin pa. Kasi ibinigay na ng Diyos sakin ang lahat. Mahal na mahal kita, Elise".

"I love you too, Lanz".

Hahalikan na sanang muli ni Lanz si Elise nang pareho silang nakarinig ng putukan.

"Lanz! Putok ng baril un ah!", sigaw ni Elise.

Maya maya pa eh bumukas na ang kanilang pintuan sabay pasok ng mga bodyguards ni Lanz. Inabutan nila si Lanz ng ilang baril, bala at balisong. Nanlaki ang mga mata ni Elise sa kanyang mga nakikita.

"Lanz..", nanginginig itong binanggit ang pangalan ni Lanz. Lumapit naman si Lanz dito at niyakap niya ito.

"Elise, patawarin mo ako. Akala ko ay maiaalis na kita kaagad sa mapanganib na sitwasyon na ito. Nagkamali ako. Pero pangako ko sa'yo, hinding hindi ka nila masasaktan", paliwanag ni Lanz.

Patuloy pa din ang pagputok ng mga baril sa hindi kalayuan. Napahawak na lang si Elise sa kanyang mga tenga. Parang Bagong Taon ang tuluy tuloy na pagputok.

"Lanz, natatakot ako!"

"Hangga't andito at buhay ako, Elise, walang puwedeng makapanakit sa'yo", pag alo ni Lanz.

Patuloy naman ang diskusyon ng mga bodyguards ni Lanz. Kinabig ni Lanz si Elise palapit sa kanya at palayo sa mga bintana.

Nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Elise. "Lanz.."

Nang matapos na ang diskusyon ay sinabihan ng mga bodyguards si Lanz ng plano ng mga ito. Tumango naman si Lanz. Bumaling ang atensyon nito sa noon ay takot na takot na si Elise.

"Elise, makinig kang mabuti", panimula ni Lanz. Hinawakan nito sa magkabilang balikat si Elise. "Ganito ang gagawin mo", pagtuloy ni Lanz. Walang nagawa si Elise kundi ang makinig ng mabuti. Hindi ito makapaniwala sa sitwasyon kung nasaan sila ngayon. Pero khit ganun man ang sitwasyon nila, puno pa din ang tiwala nito kay Lanz.

"Gising ka na pala", sabi ng matandang lalaki. "Heto ang nagluto ako ng lugaw. Ikaw ay kumain na muna".

Bahagya pa din ang pagmulat ng mga mata ni Carmen pero kitang kita niya ang kanyang paligid. Isang maliit na bahay kubo. Isang papag kung saan siya nakahiga. Mangkok at kubyertos na yari sa kahoy. Sinubukan niya na hawakan ang kanyang mukha. Puno ito ng mga dahon. Pati ang kanyang mga braso at binti ay puno na din ng mga dahon.

Tuloy pa din sa pagsasalita ang matanda pero wala na doon ang atensyon ni Carmen. Napapikit itong muli sabay sabi sa kanyang sarili 'Walanghiya ka, Enrico. Isinusumpa ko na pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin at sa batang dinadala ko. Isinusumpa ko iyan', hinayaan na lang ni Carmen na tumulo ang kanyang mga luha.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon