Part 68 Ang Pakiusap ni Lanz

33 1 0
                                    

"Lanz!", masayang bati ni Amanda.

"Amanda, kamusta?"

"Okay naman ako Lanz. Halika sa loob, tuloy ka. Wala ang Inang, nauna na sya sa palengke".

"Hindi si Inang Puring ang sadya ko kundi ikaw", seryosong sabi ni Lanz.

"A—Ako? Bakit Lanz? May problema ba?", itinuro nito ang upuan. Naupo naman si Lanz at naupo din si Amanda.

"Tungkol ito kay Ellie".

"Ellie? Si Elise diba?", biglang nagbago ang awra ni Amanda.

Napabuntong hininga na lang si Lanz. "Nakikiusap ako sa'yo Amanda. Alam kong tinawagan mo ang pamilya ni Elise para sabihin sa kanila na andito sya".

"Lanz, bakit mo ba kasi itinatago ang babaeng un? Wala naman kayong relasyon diba? At hindi mo din sya malayong kamag anak. Bakit ba sya andito Lanz? Ginagamit ka ba nya?", medyo naiinis na na sabi ni Amanda.

"Lilinawin ko lang Amanda. Hindi ako ginagamit ni Elise. Oo tama ka na hindi ko sya malayong kamag anak", paliwanag ni Lanz.

"May relasyon ba kayong dalawa?", deretso na tanong ni Amanda.

"Wala..", deretso din na sagot ni Lanz.

"Un naman pala eh. Kung wala eh pabalikin mo na sya sa pamilya nya. Malaki pati ang pabuya na ibibigay ng pamilya nya Lanz. Puwede kitang hatian kapag nagkataon. Magagamit mo ung pera sa madaming bagay".

"Amanda, huwag mo sana kami ipagkanulo. May pinagsamahan naman tayo".

"Lanz, hindi mo ako naiintindihan eh. Bakit kasi hindi na lang ako ang gustuhin mo? Magiging mabuting karelasyon ako Lanz. Wala pang problema sakin. Tanggap ka na din ng Inang. Bakit hindi na lang ako Lanz? Mahirap ba akong mahalin?", may hinanakit ang tono ng pananalita ni Amanda.

"Amanda.. hindi ka mahirap mahalin. Pero ang damdamin kasi ay hindi nadidiktahan o natuturuan. Alam ko at naniniwala ako na makakahanap ka din ng taong tunay na magmamahal sa'yo. Gaya nga ng sabi mo, hindi ka mahirap mahalin. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba at huwag sakin".

"Kung kailangan kitang ligawan gagawin ko Lanz. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na iparamdam sa'yo kung paano kita mahalin", nagsusumamo na si Amanda.

"Amanda, huwag mong sayangin ang isang katulad mo sa isang katulad ko. May iba na mas deserving sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Alam ko sa sarili ko na hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Ayoko din na maging unfair sa'yo".

"Lanz, ano un? Hindi pa kita nililigawan tapos basted na ako kaagad? Un ang unfair Lanz".

"I'm sorry Amanda. Ayoko naman na magsinungaling sa'yo".

"Dahil ito kay Elise eh. Wala naman tayong problema nung wala pa sya eh. Nung dumating sya, nabaling na ang atensyon mo sa kanya. Bakit Lanz? Dahil ba tiga Maynila sya at tiga dito lang ako sa probinsya?"

"Wala sa kung saang lugar kayo nanggaling Amanda. Mahalaga si Elise sakin. Ako ang kauna unahang masasaktan sa gagawin mo. At magiging tapat ako sa'yo, hindi ko maipapangako na kaya ko pang makipagusap sa'yo kapag itinuloy mo ang binabalak mo. Baka kahit kaibigan ay hindi ko na din kayang ibigay sa'yo".

"Lanz, gumising ka nga. Nahihibang ka na ba? Ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya pero hindi mo naman sya lubos na kilala? At paano kung hindi ka nya kayang mahalin? Ha Lanz?"

"Amanda, nakikiusap ako sa'yo. Kung importante sa'yo ang relasyon na meron tayo, huwag mong ipagkanulo si Elise", huling sabi ni Lanz bago ito nagpaalam na umalis.

Hindi na nakasagot si Amanda. Tumango na lang ito. Nakaalis na si Lanz pero hindi maalis sa isipan ni Amanda lahat ng sinabi ni Lanz.

Mahal nito si Lanz. At kahit ganito lang ang meron sila, masaya sya kasi andyan si Lanz. Hindi nya kakayanin kung mawawala ng tuluyan ang taong pinakamamahal nya.

Napabuntong hininga na lang ito. Nag gayak na si Amanda papunta sa palengke. Hindi pa din maalis sa kanyang isipan ang mga desisyon na kailangan nyang isakatuparan. Naiinis ito dahil parang walang ibinigay na sapat na rason si Lanz kung bakit mananatili dito sa Pagbilao si Elise.

'Bakit si Elise pa? Bakit hindi na lang ako? Ano bang meron sya na wala ako? Eh mukha nga na spoiled brat itong si Elise eh. Wala sa katangian ni Lanz na magkakaroon ng interes sa ganung klase ng babae. Nakakainis sobra', sabi ni Amanda sa isipan nya.

Hindi din mawaglit sa isipan nya ang pabuya na maaari nyang makuha kapag sinabi nya ang kinaroroonan ni Elise sa pamilya nito. Gulung gulo na si Amanda. Narating na nito ang pwesto ni Inang Puring.

"Inang..", bati ni Amanda sabay mano sa matanda.

"O, 'nak. Ala eh andito ka na pala. Bakit parang malungkot ka? Halika nga dine. May problema ka ba?"

"Wala po Inang. Huwag po kayong mag alala. Wala naman pong problema".

"Ay!", biglang napahawak si Inang Puring kay Amanda. Napaupo ito sa malapit na silya.

"Inang! Bakit po?"

"Naku eh nahilo la-ang ako ng kaunti. Sobrang init din kasi dine".

"Inang, sinasabi ko naman po na magpahinga na lang po kayo at ako na ang bahala dito. Baka po kasi kung ano pa ang mangyari sa inyo eh".

"Naku ito namang batang ire sobra kung mag alala. Hayaan mo at magpapahinga muna ako dine".

"Sige po, ako na po ang magtutuloy nito", sabi ni Amanda.

Samantala, sa hindi kalayuan, nakarating na ng Pagbilao si Enrico at ang kanyang mga tauhan.

"Magandang tanghali po. Maaari po bang magtanong?", sabi ng isang bruskong lalaki.

"Ala eh, ano un?", sagot naman ng tindera.

"Nasaan po ang bahay ni Amanda Santillan?"

"Ala eh si Amanda ba? Dun sa dulo ang pwesto nila. Sino ba ka—", hindi na natapos ng matanda ang itatanong nya. Bigla na lang naglakad ng palayo ang bruskong lalaki. Pinuntahan nito ang isang sasakyan na nakaparada dun.

Ibinulong nito kay Enrico ang sinabi ng tindera. Sumenyas si Enrico sa ilang tauhan nya at tinungo ng mga ito ang dulo na pwesto na tinutukoy ng tindera.

"Amanda Santillan?", tanong ni Enrico.

Napatingin si Amanda sa tumawag sa kanyang pangalan.

"Ako nga, bakit? Sino ka at ano ang kailangan mo?", tanong nito. Napansin ni Amanda ang kwintas na suot ng lalaki. May nakalagay na "Enrico" sa kwintas nito.

"Ako si Enrico. Nakakatandang kapatid ako ni Elise. Ako ung nakausap mo sa telepono".

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon