Part 58 Buhay Probinsya

52 0 0
                                    

"Ow!", biglang bulalas ni Elaine.

"Elaine! What happened?", tanong naman ni Theo.

"Nothing Theo. I just got pricked by one of the thorns from the roses", paliwanag naman ni Elaine.

"Let me see", sabay kuha ni Theo ng kamay ni Elaine. Totoo ngang nagdurugo ang kanang hintuturo nito.

Kinuha ni Theo ang kanyang panyo at idiniin nya ito sa daliri ni Elaine na nagdurugo. Maya maya pa ay tumigil na ang pagdurugo nito. Tinanggal ni Theo ang kanyang panyo at hinalikan ang daliri ni Elaine.

"I hope you feel better now", sabi ni Theo.

"Y—Yes", na lang ang naisagot ni Elaine. "T—Thank you", dagdag pa nito.

Hindi pa din maialis sa isipan ni Elaine na si Theo ang may kagagawan kaya't nawala ang kanyang baby. Bigla sya muling nalungkot.

"How can I make you feel better Elaine?", tanong ni Theo. Bakas naman sa mukha nito ang sinseridad.

Biglang may naisip si Elaine. Lumiwanag din ang kanyang mukha sa ideya na kanyang naisip. Nahalata ito ni Theo.

"What is it Elaine?".

"I want to go home to the Philippines", deretsong sabi ni Elaine.

Nagtiim na lang ang bagang ni Theo.
__________

"O Lanz! Saan ka pupunta?", bating tanong ni Sare habang papasok ito sa gate ni Lanz. Si Lanz naman ay nakasakay sa truck nito at papalabas naman.

"Sare, kumusta? May kailangan lang akong asikasuhin sa bayan. Ikaw na muna ang bahala kay Ellie ha", bilin ni Lanz.

"Oo sige Lanz. Ingat ka", sabi ni Sare. Pagkalabas ni Lanz, isinara naman na ni Sare ung gate. Naglakad na ito patungo sa bahay. Dinatnan nito si Elise na nakatayo sa may pintuan ng bahay.

"Ung andito na ang pinakamabait at pinakamaganda mong kaibigan tapos mukha pa ding pinagsukluban ang heaven and earth yang pagmumukha mo?", bati ni Sare kay Elise. Napatingin naman dito si Elise. Napatawa na lang ito.

"Good morning to you too", ganting sagot naman ni Elise.

"Ayan! Ang ganda ganda mo eh kaya huwag kang laging nakasimangot. Bakit? Nag away ba kayo ni Lanz?", pag uusisa ni Sare.

"Ha? Ah eh hindi naman. Okay naman kami ni Lanz", pagsisinungaling ni Elise. Tinitigan ito ni Sare.

"Hoy Ellie, don't myself okay?", kunwaring seryosong sabi ni Sare.

"Ha?", natatawa naman na tanong ni Elise.

Nagkatitigan na lang silang dalawa sabay bulalas ng pagtawa.

"Huwag ka na mag alala. Babalik din ung si Lanz. May aasikasuhin lang daw sa bayan", paliwanag ni Sare habang inilalapag sa lamesa ang kanyang mga dala.

"Ano yang mga dala mo?"

"Diba tuturuan kitang magluto? Pwes, ang unang ituturo kong ulam sa'yo ay sinigang. So nagdala ako ng pang sigang".

"Now na as in?", tanong ni Elise. Nasa isip kasi nito na matulog dahil napagod sya sa pagniniig nila ni Lanz kanina.

"Oo now na. Para pagdating ng jowa mo ay may pagkain na. Mabuti na un kesa ikaw ang makain nya", humagalpak ng tawa si Sare.

"Sare!", pagsaway ni Elise. Napatawa na lang din ito. Naalala na naman nya ung mga ginawa sa kanya ni Lanz kani kanina lang.

"O eto. Gayatin mo na ung mga gulay", sabi ni Sare sabay abot ng kutsilyo at sangkalan kay Elise.

"G—Gayatin? Ano un?"

"Hiwain. Teka nga Ellie, ikaw ba ay nakapagluto na ng kahit na ano sa buong buhay mo?"

"H—Ha?", tulalang sagot ni Elise. Naalala nito nang magluto sya ng piniritong tilapya dati. Well, toasted pala na tilapya. Napangiti na lang si Elise. Ung akala ni Lanz nasunog na ung buong bahay nya.

"Ellie!", inulit muli ni Sare sabay pitik ng kanyang mga daliri. "Hindi ka lang tulala, nakangiti ka pa. Aba Ellie, delikado yan", pang aasar ni Sare. Inirapan na lang sya ni Elise.

Tinuruan ni Sare si Elise na mag gayat ng mga gulay. Isinalansan nila ito sa mga pinggan. Nagsimula na din sila na magpakulo ng karne.

"O sya, ilagay mo na ang mga gulay pagkatapos mo timplahan. Tapos patayin mo na ang kalan pagkatapos", sabi ni Sare. Sumunod naman si Elise.

Maya maya pa ay tinignan ni Elise ang mangkok na may sinigang. Napatingin naman ito kay Sare.

"Tikman mo na Sare".

Kumuha ng kutsara si Sare sabay higop ng sabaw. Kumuha na din sya ng karne at gulay at saka isinubo kasama ng mainit na kanin.

"So?", tanong muli ni Elise.

"Naku, friendship, winner itong sinigang mo!"

"T—Talaga?! Naku salamat naman!"

"Panigurado matutuwa si Lanz dito".

"Naku sana nga", sagot naman ni Elise.

"Ay Ellie, nga pala, may mga dala akong damit dyan. Daster, presko ang mga un".

"D—Daster?"

"Oo, teka kunin ko", sabi ni Sare sabay kuha sa isa pa nyang bayong. "Eto oh, sukatin mo".

Kinuha naman ito ni Elise. "Ang ganda naman ng mga print nito. Tsaka ang lambot ng tela".

"Dali na Ellie, sukatin mo na yan mga yan".

"O sige. Dito ka muna ha. Babalik ako", sabi ni Elise sabay punta sa kwarto.

Isinukat nito ang mga daster na dala ni Sare. Sakto ang fit nito kay Elise. Bagay din sa kanya ang kulay, lalo syang pumuti. Ipinusod ni Elise ang kanyang buhok. Napatingin sya sa salamin.

Wala syang suot na makeup. Ang nakakapagtaka, hindi na ito apektado na wala syang makeup. Parang nakuntento na ito sa simpleng buhay. Dahil ba un kay Lanz? Naalala nya ang usapan nila ni Lanz kanina bago ito umalis.

"Itong ginagawa natin, ano ba tayo?", deretso na tanong ni Elise.

"Masaya ako na andito ka Elise, walang biro. Napalapit ka na din sakin. Wala akong hinahangad kundi ang maging maligaya ka. Alam ko wala tayong pormal na relasyon, pero, isa lang ang masasabi ko. Mahalaga ka sakin Elise. Ayokong nasasaktan ka. At alam ko sa sarili ko na kaya kong gawin ang lahat para sa'yo", sabi ni Lanz.

"Lanz, anong ibig mong sabihin?"

Yumakap si Lanz kay Elise. Hinalikan din nito ang ulo ni Elise.

"Madami akong gustong gawin para sa'yo Elise. Sana ay mabigyan ako ng pagkakataon".

"Lanz.."

"Elise, alam ko na baka isipin mo nagbibiro lang ako. Pero ilang beses ko na din tinanong ang sarili ko. At ilang beses na din akong naging sigurado sa sagot ko".

Biglang nag ring ang cellphone ni Lanz.

"Sandali lang Elise ha. Hello?", mahabang katahimikan. "Sige, pupunta na ako sa bayan ngayon din", na lang ang huling nasabi ni Lanz.

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon