Part 19 Habhabin Mo ang Pansit Habhab

64 2 0
                                    

"Elise, natapos ko ng kausapin un gumagawa ng sasakyan ko. Halika na, uwi na tayo", aya ko kay Elise.

"H—Ha? Sige, tara na", payak na sagot nito. Napansin ko din na panay ang tingin nito sa paligid.

"Okay ka lang ba?"

"Bakit mo ba ako tinatanong?!", suminghal na naman itong babaeng ito sakin.

"Grabe sya nagtatanong lang ako. Mala dragona naman ang babaeng ito", pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?!"

"Wala! Tatahimik na nga po ako oh", sabay sara ng bibig ko. Lumayo na din ako ng bahagya mula kay Elise. Mahirap na at baka mabugahan pa ako ng apoy ng dragonang ito.

Sa sasakyan, nanatiling tahimik si Elise. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Ung hangin sakto sa mukha nya. Nakapikit ito na parang dinarama ito. Ung buhok nya, bahagya ding hinahangin. Ano kaya iniisip nito? Ayoko naman magsimula ng usapan kasi baka singahalan na naman ako ng babaeng ito. Pero gusto ko din malaman ang nararamdaman nya. Panaka naka ko syang tinitignan sa side mirror. Parang ang lalim ng iniisip nya.

"Nagugutom ka ba Elise?"

Hindi ito sumagot. Nanatili lamang itong tahimik at nakatingin sa labas ng bintana. Ipinarada ko ung truck sa gilid ng St. Catherine church at sa harap ng isang tindahan sabay patay ng makina.

"Why did we stop?!"

"Nagugutom ako kaya kakain muna tayo dito".

"Ayokong kumain dito! I want to eat kung ano ung mga binili ko kanina!".

"Elise, lulutuin pa ung mga pinamili natin kanina. Gugutumin ka sa daan. Halika na, kumain na muna tayo dito", mahinahon kong sabi.

"I don't want to eat here!", galit na itong sumigaw.

"Hindi mo na kailangan sumigaw Elise. Kung ayaw mo kumain, hindi kita pipilitin. Basta ako, kakain ako. Kung gusto mo, sumunod ka na lang ha", huling sabi ko sabay baba ng truck. Dinig ko pa ang mga pagsigaw ni Elise. Napangiti na lang ako. Pasaway talaga na babae.

"Lanz!", nakangiting bati sakin.

"Inang Puring! Kumusta po?", nagmano ako sa matanda.

"Naku eh okay laang Lanz. Sinu ga ireng batang ire? Pagkalaki mo na ngay-on", masayang biro ni Inang Puring sakin. "Halika, bagong luto ung pansit habhab, nasa kawa pa", dagdag pa nito. Ipinagsalin ako ni Inang Puring sa isang dahon ng saging sabay abot nito sakin.

"Hmm, ang bango. Mukhang masarap po", sabi ko.

"Naku eh talagang masarap yaan", sabi pa nito. Inabutan din nya ako ng suka na may sili. Tinaktakan ko ung pansit ng suka na may sili at madaming paminta at sinimulan ko ng habhabin. Tinanaw ko si Elise sa truck. Nakasimangot pa din ito at nakatingin sa daan. Kinawayan ko sya para bumaba at saluhan ako pero hindi nya ako tinitignan. Nakupo. Galit na naman ang babaeng un. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lamang ako sa paghabhab.

Maya maya pa, may kumalabit sa gawing likuran ko. Lumingon ako. Si Elise pala. Nagulat pa ako dahil akala ko ayaw nya talaga na bumaba ng sasakyan.

"Nagugutom ako", mahinang sabi nya. Ung mga mata nya, ngayun ko lang napansin na sobrang maamo ang mga ito na para bang nagsusumamo.

"Inang Puring, pahingi pa po ng isa", sabi ko. Napatitig na lang kay Elise ang matanda.

"Inang Puring, si Elise po pala", pagpapakilala ko. Biglang lumapit sakin si Elise sabay bulong—

"Lanz, I don't need to know the name of the vendor. I'm only here to eat, not to mingle", sabi nito sakin. Sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko. Napatigil din ako sa paghabhab. Buti nalunok ko pa ung pansit. Kamuntikan pa akong mabulunan talaga naman oo.

"Elise, maliit lang ang bayan na ito. Halos magkakakilala ang lahat ng mga tao dito", paliwanag ko.

"I don't care. I'm not staying here forever". Lumayo na ito sakin ng bahagya.

"Yanong ganda naman ng kasama mo. Yaan baga ay kasintahan mo Lanz? Eto oh, Elise", sabi ni Inang Puring sabay abot ng pansit habhab na nasa dahon ng saging. Buti na lang at kinuha naman ito ni Elise sabay ngiti sa matanda.

"Dun tayo sa may lilim", aya ko kay Elise. Sumunod naman ito. Nang marating namin ung mayabong na puno ng mangga, nagsimula na akong humabhab muli. Nanlaki ang mga mata ni Elise.

"Why are you eating noodles that way???"

"Ganito ang pagkain ng pansit habhab Elise".

"I don't care how the 'habhab' way you eat this, I still need my fork!". It's already frustrating that this is served using leaves. Is life really that poor Lanz?". Napatigil ako sa sinabi ni Elise.

"Elise, puwede ba, manahimik ka na lang kung wala ka naman sasabihing maganda. Walang tinidor dito kasi ganito kinakain ang pansit habhab. Mamili ka, kakaiinin mo yan o magugutom ka?", seryosong sabi ko.

"Fine!"

Inirapan na lang ako ni Elise. Tumahimik naman ito at nagsimula ng habhabin ung pansit. Nakatingin sya sakin habang ginagawa ko ung paghabhab kaya ginaya na lang nya ako. Napatitig din ako sa kanya. Pag angat nya ng ulo nya, puro pansit ung mga pisngi nito at umabot pa hanggang sa ilong nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maaawa sa kalagayan nya.

Hindi ko maintindihan ung nararamdaman ko ngayon. Ang cute nyang tignan na puro pansit ung matambok na mga pisngi nya. Mas pinili kong ngumiti na lang. Kinuha ko ung panyo ko sa bulsa ko at lumapit ako sa kay Elise. Akma na sana akong pupunasan ang pisngi nya nang sininghalan na naman ako nito.

"Hoy Lanz! Anong gagawin mo ha?!", sinigawan na naman ako ni Elise sabay iwas ng mukha nya sakin.

"O, eto ang panyo. Tignan mo ung mukha mo dun sa salamin ng nakaparadang tricycle dun sa gilid ng malaman mo bakit ako ganito".

Ginawa nga ni Elise ang sinabi ko. Pagkakita nito sa mukha nya ay lumapit ito sakin at hinablot na lang ang panyo na nasa kamay ko. Pinunasan nya ang mukha nya pero ipinagpatuloy nito ang paghabhab. Napangiti na lang ako.

Nang matapos kaming kumain ay binilhan ko din si Elise ng Pop cola na nakalagay sa plastic. Pinanlakihan na naman ako ng mga mata ni Elise. Ininom ko ung Pop cola ko gamit ung straw na sya din naman nyang ginaya. Binaybay din namin ung gilid ng simbahan. Isa ito sa magagandang simbahan dito sa Pagbilao na sya din namang dinadayo ng mga turista. Namangha si Elise sa arkitektura ng buong simbahan. Paglingon ni Elise sakin, nagtanong ito.

"What are those Lanz?"

"Inihaw na saging na saba, inihaw na mais at ang paborito kong banana cue".

"Ako na maghahawak", sabi ni Elise.

Nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong pa. Nang nasa sasakyan na kami, nagsimula na naman itong kumain. Sa bawat kain nya may naririnig akong "mmm". Napapangiti na lang ako. Nakakatuwa din pala ang babaeng ito. Parang ang komportable nyang kumain sa harap ko. Un nga lang, medyo masungit lang ito, lalo na kapag gutom sya. Panaka naka ko syang tinitignan hanggang sa marating na namin ang bahay. Inasikaso ko na din ung mga pinamili namin.

Si Elise naman eh deretso na sa kwarto. Maya maya pa eh lumabas na ito ng kwarto at nagtungo sa banyo para maligo. Buti na lang nakapag igib na ung katiwala ko dahil kapag nagkataon, sisinghalan na naman ako ng babaeng ito.

"Excited siguro dahil sa conditioner nya", natatawang sabi ko.

Nagsaing na ako at nagsimula na din akong magluto ng ulam namin. Habang nagluluto ako eh inayos ko na din ung lamesa. Isasalin ko na sana sa plato ung mga inihaw nang may napansin ako. Puro may maliliit na kagat ung mga inihaw, hindi lang sa isang piraso kundi sa lahat. Napanganga na lang ako habang nakatingin sa banyo.

"Grabe din ang babaeng ito. May lahi ata ng daga kung makakain", umiling na lang ako.

Maya maya pa narinig kong may kumakatok sa pintuan. Naglakad ako patungo dun sabay bukas nito.

"Hi Lanz!", nakangiting sabi ng babae. May tangan itong isang babasagin na lalagyan.

"A—Amanda?"

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon